CHAPTER 15

53 5 1
                                    

PROMISE BOOTH

CHAPTER 15

I was so depress, ni hindi ko masabi sa daddy ko ang mga problemang dinadala ko sa school, It was horrible day every day, nakangiti ako lagi twing umuuwi, pero sa totoo lang gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa school pero kasi ayaw ko ng gulo, medyo mainitin kasi ang ulo ni daddy eh.

…………………..

“uy tatalon ata yung panget na yun”.

“magpapakamatay ba?”.

“malay ko baka magpapahangin lang?”.

“pangit na nga baliw pa hays wala na talagang natirang natural sa kanya”.

Yan ang mga sigaw ng mga tao sa akin habang nakatayo ako sa rooftop ng school. I was about to follow their tips of how to kills myself, pero mas napili ko ito, ito yung best way para kahit papa-ano ay may maiwan akong legacy? O kahihiyan dito sa school? Para hindi nila ako makalimutan. Yung mga taong nang-alipusta sa akin, yung mga taong nanakit sa akin, yung mga taong nanlalait sa akin.

Matakot ko man lang sila.

Oo magpapakamatay na ako. Sorry mommy, pero kasi pagod na pagod na ako, tao lang ako nasasaktan at ngayon sobrang sobra na po akong nasasaktan.

“Hey bitch talon na”. rinig ko pang sigaw ng isang estudyante na may hawak na camera. Parang gusto pa atang ipost ang pagkamatay ko sa internet world.

…………………………………..

THIRD PERSON POINT OF VIEW.

Naglalakad si Maricar, kasama nito ang kanyang classmate na si Athena nang mapansin nila na parang ang daming tao malapit sa building 1 ng school.

“anong meron?”.  Pagtataka pa ni Athena sa mga taong nag-sisigawan at nakatingin sa may itaas ng building.

Tumingin si Maricar sa itaas at doon ay nakita nga nito ang isang babaeng magpapakamatay.

“holyyyyyyyyyyyy shit.” Bulalas pa ni Maricar, napatakip pa ito sa kanyang bibig.

“diba si Sally yun?”  sabi pa nito.

Tumutulo na ang mga luha ni Sally, nakatingin ito sa ibaba, rumarami na ang mga tao sa ibaba, may lubid na nakatali sa bakal na maliit na poste sa rooftop, at ang dulo ng lubid ay syang itinali nito sa kanyang leeg, sinigurado nitong napakahigpit ng pagkakatali nito sa isang poste.

Pumikit si Sally,  pagkatapos ay tumingin sa itaas, nagdasal, humingin ng patawad.

“lord patawad po”. 

Inihakbang na ni Sally ang isa nitong paa ng biglang.

“ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh”

Napapikit na ang mga tao sa ibaba.

Buti nalang dumating si Rain, tambayan rin kasi ni rain ang rooftop na iyon sa twing gusto nitong mapag-isa o mag-isip isip dito pumupunta.

“anong ginagawa mo sa sarili mo?” si rain habang hawak parin ang katawan ni Sally at hindi parin ito binibitawan.

“please ayoko ko na…hindi ko na kaya” malakas na iyak at pagpiglas ng katawan ni sally kay rain, gusto gusto ng ituloy ni sally ang pagpapakamatay nito pero hindi ito pinayagan ni rain.

Hanggang dumating na sina, Athena at Maricar.

“omg” kaagad na sabi ni Maricar lumapit it okay Sally at niyakap nya ito.

“are you ok? Bakit mo ba ginawa yun?” pag-aalala pa ni Maricar kay sally, napalapit narin kasi ang loob ni maricar kay sally simula noong nagbigay ito ng words of encouragement sa kanya noong mga nakaraang araw.

Hinaplos haplos pa ni maricar si sally, habang si sally ay patuloy na umiiyak, dumating narin ang mga guards at teachers nila at kaagad na dinala si sally sa clinic.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating narin ang daddy ni sally at sobrang nag-alala ito dahil sa kanyang nabalitaan sa ginawa ng kanyang anak.

Walang nagawa si sally kundi sabihin ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa paaralang ito na walang ginagawang aksyon tungkol sa pambubully ng mga estudyante sa kanya.

Sa harap ng guidance officer at principal ay nagsalita si sally. Parang naging eye opener si sally sa lahat ng mga nabubully sa school. Tama it takes time. And now it’s her time, she was ready to give up everything pero gumawa parin si god ng way kung paano masosolve yung problema ng mas madali. Hindi talaga nya tayo pinapabayaan, hindi nya talaga pinababayaan si Sally.

Hindi muna pumasok si sally ng halos isang linggo dahil sa trauma na idinulot ng kanyang ginawa sa school at ganun din sa mga taong nakakita sa ginawa nyang pagsusuicide. At dahil sa unethical ang ginawa ni sally at ipinagbabawal ito sa kanilang paaralan ay pinatawan rin sya ng isang linggong hindi pagpasok muna sa school.

End of POV.

………………………………………………

PROMISE BOOTHWhere stories live. Discover now