Chapter 16

5.8K 75 12
                                    

Nash POV

Di pa rin ako tumitigil sa pagtawag kay Alexa pero di pa rin niya ko sinasagot siguro nga nagpalit na siya ng sim.. Kasalanan ko to eh hay! Sisisihin ko na naman ba ang sarili ko.

Papunta na ako sa Airport ngayon nakuha ko na yung passport at ticket ko sa RestaJulia. Pabalik na rin ako ng Batangas tumawag kagabi sa akin sina Mommy lumalala na daw ang kalagayan ni Lolo.

Tsaka para malimutan ko na rin yung mga bagay na nakasanayan ko dito sa Palawan alam kong masakit pero kailangan kong kayanin dahil yun ang dapat siguro sa ngayon hindi pa kami ang para sa isa'tisa pero pinapangako ko na ang pagmamahal ko kay Alexa ay hindi magbabago kailanman.

Alexa's POV

"Anak in 30 minutes aalis na tayo niyan be ready okay" sabi ni Mommy Kath

"Yes Ma" sabi ko

Nandito na kami ngayon sa Airport pabalik na rin kami ng Manila marami pa kasing aasikasuhin sina mommy at daddy doon besides mas makakabuti na yun kaysa magstay pa kami sa Palawan kung saan napakadaming pangyayari ang hindi ko makakalimutan or should I say kailangan ng limutan kahit mahirap. Hindi pa rin ako nakakapagmoveon hindi ganoon kadali pero sinusubukan ko alam kong lahat ng bagay hindi mapapasayo gaya na lang noong nangyari sa amin alam kong may dahilan ng lahat ng iyon at alam kong darating ang panahon na magkukrus muli ang landas namin sa ngayon hindi muna kami para sa isa'tisa kailangan muna namin harapin lahat ng mga bagay na dapat harapin...

"Ate!" tawag ni Bugoy sabay tapik sa balikat ko

"Oh?" sagot ko

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ba ako naririnig?" tanong niya

"Hindi sorry may iniisip ako" sabi ko

"Ayiie Si Ate Hulaan ko sinong iniisip mo si Kuya Nash noh?" sabi ni Bugoy at kiniliti ako

"Ui ano ba! Tumigil ka nga diyan tsaka bakit ko naman iisipin yung mokong na iyon?! Wala na kami nun Past is Past!" sumbat ko

"Weh? Past is past daw!" giit ni Bugoy

Hay Ayaw patalo ng kapatid ko lakas talaga mangasar ng lalakeng to.

"Ate Paano kung magkita kayo ni Kuya Nash ano magiging reaksyon mo? Magagalit ka ba o Matutuwa?" tanong ni Bugoy

Nagulat ako sa tanong ng kapatid ko kaya napatitig ako sa kanya ng seryoso.

"Pwede ba huwag ka ngang magbiro ng ganyan tigilan mo na ko hindi na nakakatawa!" sabi ko

Mukhang effective naman kaya tumahimik na si Bugoy.

"Sorry ate inaasar lang naman kita di bale sunod lang ako kela Mommy maiwan muna kita"

Umalis na si Bugoy..

Napaisip ako doon sa sinabi niya paano kaya kung magkita kami ni Nash matutuwa ba ako o malulungkot? Hay nako ewan ko ba! Di naman siguro mangyayari yun.

Tanda ko rin sa Airport kami unang nagkakilala ng mokong na yun.. Hay! Nakakamiss siya.. Teka!! Grr! Ano ba Alexa anong pinagsasabi mo diyan si Nash mamimiss ko Never!!

Psh.. Past is Past ..Makabili nga muna ng maiinom medyo nauuhaw kasi ako eh...

Lakad.

Lakad.

Lakad.

^BOOGSSHHH^

Aray! Ano ba yan ang tanga naman ng bumangga sa akin..

May kamay na umabot sa akin .. Natumba kasi ako sa sobrang lakas ng pagkabangga namin.

Inabot ko naman ang kamay ko..

SlowMotion...

"NASH?!!!"

"Alexa ikaw pala Sorry"

Hindi ako makapaniwala si Nash nasa harap ko siya ngayon...

Halohalo ang emosyon na nadarama ko ngayon gusto ko siyang yakapin gusto ko din siyang sampalin... Pero ng mapansin ko na hawakhawak pa rin pala niya yung kamay ko agad ko tong kinuha.

At Dalidaling umalis pero kinuha niya muli ito..

"Alexa Please magusap tayo" sabi niya

Kinuha ko kaagad ang kamay ko

"Wala na tayong dapat pang pagusapan Nash! Kalimutan na natin lahat ng mga nangyari!" sabi ko

Kitangkita kong nalungkot si Nash sa sinabi ko.

"Ganoon na lang ba kadali sayo yun?" tanong niya

Napatigil ako . Tumingin ako kay Nash naaawa ako sa kanya para siyang maamong bata na pinapagalitan na gustong umiyak.

Napabuntong hininga ako.

"Oo" sabi ko

Pagkasabi ko noon ay tinignan ako ni Nash .. Nagtama ang mga mata namin na para bang nababasa namin ang mga ito nakikita ko sa mga mata niya na nalulungkot siya.

Tapos yung mga kamay niya ngball into fist .. Alam kong hindi maganda yung sinabi ko pero ano pa nga ba yun naman ang tama diba...

Pero sa totoo lang gusto kong yakapin si Nash ngayon miss na miss ko na siya pero hindi eh wala na hindi na pwede...

Napabuntong hininga na lang si Nash akala ko may sasabihin pa siya pero mula sa kinatatayuan ko ay iniwan na niya ko.

Ang sakit sakit akala ko kakayanin ko pero hindi pala napaluha ako .. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Nash ng ganoon.. Hindi ko kaya..

Pinunasan ko ang mga luha ko tsaka bumalik na kung nasaan sina mommy at daddy.. Buti na lang di nila nahalata na umiyak ako saktong tinawag na yung flight namin kaya ayun.. Sumakay na kami ng eroplano..

Pauwi na rin kaya si Nash ngayon? Nasaan na kaya siya? Andaming tanong ang namumuo sa isipan ko nagsisisi ako sa sinabi ko sa kanya kanina hindi naman talaga madaling kalimutan ang nakaraan lalo na't kung mahal na mahal mo ang taong pinahahalagahan mo.

Sinaksak ko yung earphone sa tenga ko tsaka nakinig ng music pagkatapos ay Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para kahit papaano ay makapagrelax naman ako.

Nash POV

Sana palang hindi na kami nagkita ng ganoon ay di ako labis na nasakatan.. Nakakainis eh bakit kasi nung nakita ko siya kanina di ko nasabi yung mga dapat kong sabihin naging mabilis ang mga pangyayari.. Hindi ko nga akalaing masasabi niya yun sa akin eh.. Gusto ko siyang yakapin kanina pero di ko magawa pero atleast nahawakan ko ang malambot niyang kamay.

Hindi pa ngayon yung tamang panahon para sa ating dalawa Time will come Magiging maayos rin ang lahat mahal na mahal kita Alexa sana di magbago kung ano man yung nararamdaman mo sa akin.

Nakasakay na akong eroplano ngayon ... Nagfaflashback pa rin sa utak ko yung mga times na masaya kami magkasama ni Alexa napapangiti naman ako kahit papaano ... Sa ngayon Alexa I Love you Goodbye na muna

After 2 Weeks....

Marami na ang mga nangyari this past few weeks .. Nakabalik na ko sa Batangas nakilala ko si Lolo nagbonding pa nga kami kahit na nasa ospital siya nagkwekwentuhan kami tapos pinamili niya ko ng mga gamit at higit sa lahat niregaluhan niya ko ng condo unit sa Manila para daw pag nagcollege man ako doon may titirahan ako. Pero after a week namatay na rin si Lolo malala na kasi ang sakit niya kahit papaano I'm very thankful at nakilala ko si Lolo.

Nakilala ko rin yung mga relatives ko from my father side.. Yung mga pinsan ko at mga tito and tita masaya silang kasama.. I spent the last weeks of my vacation to them ..

Kamusta na kaya si Alexa? Araw Gabi iniisip ko pa rin siya .. Sana okay lang siya kung nasaan man siya ngayon..

~ Thanks for reading hope you love this chapter. :)

Don't Forget to Vote. Comment and Become a Fan :))

Keep on supporting Nash Aguas and Alexa Ilacad in short NLex :))

Follow us on Twitter : @NLexRocks

Follow my PA : @fuertezaljean

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon