Chapter 20

6.1K 101 16
                                    

Alexa's POV

It's Friday today Wii!!

Bumangon na ko tsaka naligo pagkatapos ay nagbihis at nagayos bumaba na rin ako para kumain ng breakfast nadatnan ko namang kumakain sina Mommy͵Daddy at Bugoy.

"Goodmorning" bati ko sa kanila at humalik sa mga pisnge nila

"Ang aga mo ata anak" sabi ni Daddy DJ

"Oo nga dati rati nalelate ka pang gumigising anong meron?" tanong ni Mommy Kath

Oo nga noh? Dati kasi late na talaga akong ginigising tulog mantika kasi ako eh tapos ngayon ang aga lang kaya siguro naninibago sila.

"Bakit ayaw niyo ba?" tanong ko

"Di naman naninibago lang oh kumain ka na" sabi ni Mommy

Nagsimula na kaming kumain...

"Nga pala di kami uuwi ng weekends ng mommy mo kaya bantayan mong maigi ang kapatid mo at tong bahay ah?" sambit ni Daddy

"Bakit dad wala po ba si Manang noon?" tanong ni Bugoy

"Alam niyo namang wala si Manang pag weekends pahinga at family day niya na yun besides kaya niyo naman dalawa malaki na kayo wala namang problema sa mga needs niyo naggrocery na kami ng mommy niyo kagabi" sabi ni Daddy

"Kung gusto niyo padeliver ng food pwede may allowance naman kayo" sabi ni mommy

"No Problem Mom Okay lang naman sa amin" sabi ko

"Ganoon din sa akin" sabi ni Bugoy

"Very Good nga pala Bugoy ano yung pinapabili mo sa amin ng mommy mo?" tanong ni Daddy

"Yung pong Sapatos na pinakita ko sa inyo nung isang araw" sabi ni Bugoy

"Sige bibilin na namin yun How about you Alexa?" tanong ni mommy

"Wala naman I'll go shopping na lang bukas" sabi ko

"Paano tong kapatid mo?" tanong ni daddy

"Pupunta na lang po ako kela Harvey maglalaro kami doon ng mga friends ko" sabi ni Bugoy

"Osige basta tatawagan na lang namin kayo" sabi ni Daddy

"Yes Dad" sabi namin ni Bugoy

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami kela Mommy at Daddy may sundo kami eh una hinatid si Bugoy pagkatapos ako naman.

Tinignan ko phone ko may message.

From: Francis

GoodMorning Beautiful Lady Have a great day Ingat ka sasagutin mo pa ako

Napangiti naman ako sa text na yun. Everyday ganyan si Francis since nung galing kami sa Palawan naging close na kami higit kay Jean at sa 2 maria si Francis naman yung boy bestfriend ko.

Nanliligaw siya sa akin siguro 1 year and 3 months.. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin akong maramdaman sa kanya kahit na minsan kinikilig ako pag magkasama kami iba pa rin talaga yung kay ano... Aist! Never mind.

Nagreply ako

To: Francis

Goodmorning din ! :)

Nagsimula na kong maglakad papasok ng school sa di kalayuan naman natanaw ko na yung 3 maria sa may waiting area namin. Si Jean nagcecellphone sina Marz at Yuri naman busy nagkwekwentuhan.

"Pst!" tawag ko sa kanila

Lumingon naman yung dalawa sa akin at naghi yung isa busy pa rin nagcecellphone ano kaya pinagkakabusihan ng babaeng to.

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon