Chapter 32

4.5K 88 18
                                    

Nash POV

Gumising ako ng maaga kahit na di ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi iniisip ko kasi kung paano ko kakausapin si Alexa at kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya syempre di ko agad mapapapayag yung babaeng yun medyo hard to get siya.

Katapos ko magbihis ay bumaba na ko para magbreakfast nadatnan ko naman si Daddy na kumakain na.

"GoodMorning Dad" bati ko

"GoodMorning din anak kain ka na" sabi ni Daddy Quen at umupo na ko sa tabi niya

"Dad si mommy ?" tanong ko

"Umuwi sa Batangas kagabi hinatid ko siya miss na miss na daw niya ang lola niya pati mga pinsan niya kaya hinatid ko siya bukas makalawa pa balik niya" sagot naman ni Daddy

"Eh paano niyan dad mamimiss niyo si Mommy?" tanong ko

"Oo naman may skype at text naman pati call di ata ako papayag na wala kaming communication ng mommy mo" sabi ni Daddy sabay tawa ako din naman napatawa talagang mahal nila ang isa'tisa

"Dad Ano pong magandang gawin kapag yung babaeng mahal mo eh galit sa iyo?" tanong ko

Bigla naman napahinto si Dad sa pagkain at humarap sa akin

"Wow LQ? Haha Sa tingin ko dapat kausapin mo siya yung kayong dalawa lang" sabi ni Dad

"Sa tingin ko mas grabe sa LQ dad .. Ganoon po ba ? Paano kung di magwork?" tanong ko

"Haha Alam mo kasi Nash ganito iyan dapat sundin mo lang yung puso mo it depends kung hindi iyan magwowork" sabi ni Dad

Napaisip naman ako...

"Ano bang nangyari Nash? Is it between you and Alexa?" tanong ni Dad

"Opo Dad kasi nakita niya na may kahalikan akong ibang babae pero hindi naman sadya yun yung babae yung humalik sa akin not me" sabi ko

Napatawa naman si Daddy

"May nakakatawa po ba sa sinabi ko?" tanong ko

"Look͵ Nash nangyari din kasi sa akin iyan nung hs kami hinalikan din ako nung babaeng patay na patay sa akin at kami noon ng mommy mo kaya ayun galit na galit sa akin" natatawang pahayag ni Daddy napatawa rin naman ako

"Parehas lang pala tayo Dad buti napatawad kayo ni Mommy?" tanong ko

"Linigawan ko ulit sinuyo ko hindi ako sumuko.. Nash kung mahal niyo talaga ang isa'tisa whatever happens kayo pa rin tsaka bata pa kayo anak marami pa kayong pagdadaanan" pagtatapos ni Dad mukha kasing aalis na siya

"Thank you Dad" sabi ko

"Oh paano? Una na ko anak baka malate pa ko bibisitahin ko mga yung mga restaurants natin bye" sabi ni Dad at tinapik ako sa balikat

"Ingat po" sabi ko

Pagkatapos ko kumain ay umalis na rin ako.. Sinadya kong dumaan kela Alexa gusto ko kasi siyang makita gusto ko siyang ihatid kaso baka mamaya uminit lang ulo niya pag nakita ako.

Huminto ako sa tabi nung bahay nila para di ako masyadong makita..

Nakita ko naman na sumakay si Alexa sa sasakyan nila kasi yung Dad niya yung driver. Buti naman at wala si John.. Kaalis nila ay sumunod na rin ako.

Nakarating ako sa school ng 7am masyado pang maaga kaya namasyal muna ko kahit saansaan sa loob ng school syempre bawal na kayang lumabas once na pumasok ka na sa school.

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon