Chapter 47

3.1K 78 13
                                    

NASH POV

"Dad͵Mom eto po yung pasalubong ko sa inyo sana po magustuhan niyo" sabi ko sabay bigay sa kanila yung dalawang paperbag

"Thank You Anak how was your trip? Nagenjoy ba?" tanong ni Mommy

"Kasama mo naman Girlfriend mo siguro nagenjoy ka naman sa Batangas" sabi naman ni Daddy

Kakarating ko lang ngayon at dito na ko dumeretso sa bahay namin ayaw ko naman kasi magmukmok lang sa condo ko baka mabaliw ako ng di oras doon.

"Masaya naman po sige Mom Dad una na po ako sa taas" sabi ko at humalik sa kanila

"Sige magpahinga ka na muna Nash tatawagin ka na lang namin pag dinner na" rinig kong sabi ni Mommy

Karating ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ko. Hindi pa rin ako makagetover sa nangyari kagabi kasalanan ko naman kasi bakit hinalikan ko pa si Mika! Nagpadalosdalos ako masyado kamusta na kaya si Alexa sana okay lang siya ngayon.. Mahal na Mahal ko pa rin siya..

Kinuha ko yung phone ko at sinubukan ko siyang tawagan pero pinatay niya yung cellphone niya.Alam na din ng mga kaibigan namin yung nangyari nalulungkot sila siyempre bakit daw ba kasi nagawa ko yun malay ko bang andoon si Alexa naging mabilis kasi yung pangyayari ang tanga ko kasi!

Hindi ko namalayan sa kakaisip ko ay nakatulog na pala ako...

~~~~^^^^~~~

"Nash! Gising na may pasok ka na ngayon! Nash!" sigaw ni Mommy Julia

Teka! Napasarap ata yung tulog ko umaga na agad ngayon?!

"NASH!" sigaw ni Mommy

"Maliligo na po" sabi ko at tumayo na tsaka dumeretso sa cr naligo ako tsaka nagbihis

May pasok na pala ngayon! Susubukan kong kausapin si Alexa ngayon sana naman makapagusap na kami ng maayos.

Katapos ko magayos ay bumaba na ko para magalmusal nadatnan ko namang kumakain na sina Mommy at Daddy..

"GoodMorning Anak" sabi ni Mommy

"GoodMorning Nash" sabi ni Daddy

"GoodMorning po Dad Goodmorning din Mom" sabi ko at umupo na para kumain

"Ginigising ka namin kagabi iho but you're not answering siguro pagod ka sa byahe kaya tuloy-tuloy na yung tulog mo kagabi" sabi ni Daddy Quen

"Tama si Quenito Nash kaya ngayong umaga kumain ka ng marami kasi di ka nakapagdinner kagabi" sabi ni Mommy Julia

"Sige po" matamlay na sabi ko wala talaga ako sa mood ngayon feeling ko may kulang talaga

Nagkatinginan naman sina Mommy at Daddy..

"Nash anak okay ka lang ba?" tanong ni Mommy

"Mukhang matamlay ka may sakit ka ba Nash?" tanong naman ni Daddy

"Mom͵Dad okay lang po ako sige na po alis na ko wala po akong ganang kumain" sabi ko at tumayo na

"Tignan mo tong batang to hindi ka na nga nagdinner kagabi hindi ka pa kakain ng almusal mo? Ano bang nangyayari sa iyo anak?" sabi ni Mommy at nilapitan ako

"Nash Nagaway ba kayo ng girlfriend mo?" tanong naman ni Daddy

"Hindi po Dad Nagaway po kami ni Alexa nung nasa Batangas kami" sabi ko halata namang nagulat sila

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon