Chapter 43

3.7K 98 14
                                    

ALEXA'S POV

Naninibago ako kay John simula kagabi kasi parang nagiba talaga siya mas naging sweet siya tapos may time na seryoso siya yung mga bagay na di naman niya ginagawa dati ay nagagawa niya ngayon nakakapanibago talaga.

Kakatapos ko lang kumain ng breakfast Saturday ngayon pero may pasok kami half day lang naman kasi daw sa Monday at Tuesday walang pasok odiba bongga!...

Kalabas ko ng bahay sakto namang nakita kong nakatayo si John sa tabi ng motor niya..

Agad siyang lumapit sa akin...

"GoodMorning Hon" sabi niya at humalik sa pisnge ko

"GoodMorning din" sabi ko

Bigla naman siyang may kinuha sa likuran niya..

"Flowers for you" sabi niya sabay kindat at abot ng isang boquet ng flowers

Hindi ganito dati si John..

Natuwa naman ako sa mga flowers kahit papaano kaya kinuha ko na.

"Anong meron?" tanong ko

"Wala lang gusto lang kita bigyan ng flowers" sabi ni John at nilapit yung mukha niya sa mukha ko

Ibang-iba talaga si John ngayon nakakaramdam ako ng kayabangan at angas sa mga ikinikilos niya..

"Salamat" sabi ko

Nagsmirk naman siya alam ko yung smirk na yun hahalikan na sana niya ko ng bigla akong lumingon..

Para talagang hindi si John ang nasa harap ko ngayon.

"Tara na malelate na tayo" sabi ko

Bigla naman akong tinignan ni John yung seryosong tingin tapos bigla siyang nagevilsmile. Medyo kinakabahan ako sa mga kinikilos ni John ah..

Sumakay na nga siya sa motor niya at umangkas na ko.. Naiilang tuloy ako ngayon.

Nakarating kami sa school.. Nagulat na lang ako nung pagbaba namin ni John bigla na lang niya ko hinawakan sa bewang..

"John yung kamay mo" sabi ko

Ngumiti siya

"Anong masama? Diba ang sweet kaya" sabi ng loko

Bigla kong inalis yung kamay niya sa bewang ko.. Naiinis na talaga ako sa lalakeng to ano bang nakain niya at napakapresko niya ngayon.

"Alam mo kanina ka pa! Nakakainis ka na John ikaw ba talaga iyan?! Diyan ka na nga" sabi ko at iniwan siya

Ramdam ko naman na hinabol niya ko..

"Sus.. Galit ka na agad? Sorry na oh pinapatawa lang naman kita akala ko kasi gusto mo na nilalambing ka" sabi niya

Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ko papunta sa room namin..

Nadatnan ko naman si Nash na halatang malayo ang iniisip..

"Uy! Umagangumaga anlayo ng iniisip mo diyan" sabi ko at umupo sa pwesto ko

"Ah Alexa andiyan ka na pala" sabi niya at ngumiti

Napansin ko na may benda pa rin yung side ng labi niya

"Kamusta na pala yung tahi mo?" tanong ko

"Okay na ko" sagot niya

"Talaga? Eh bakit ang layo ng iniisip mo kanina tsaka parang ang lungkot mo ngayon anyare?"tanong ko

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon