Chapter 24

5.5K 90 23
                                    

Alexa's POV

Nagising ako sa Alarm Clock ko 6:30 na pala agh! Napasarap na naman yung tulog ko kagabi agad akong bumangon at naligo na pagkatapos ay nagbihis at nagayos na.

Nadatnan ko naman kumakain sina Mommy͵Daddy at Bugoy na kumakain.

"GoodMorning po" sabi ko sa kanila at humalik sa pisnge nila

"Napasarap ata ang tulog mo Lexa?" tanong ni Mommy Kath

"Opo eh medyo pagod po kasi ako sa practice kahapon" sabi ko

"Kumain ka na anak" sabi ni Daddy DJ

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Hindi maiwasan ang mahabang kwentuhan habang kami'y kumakain.

Saktong natapos ako ng biglang may nagdoorbell.

"Ako na po" sabi ko

Kabukas ko ng gate...

^_^ ~~~~~~~ O_O

"GoodMorning Beautiful Lady" sabi ni Francis

"GoodMorning Alexa My Loves!" sabi naman ni Nash

Sabay nilang sinabi yang magkaibang line na iyan at nakangiti.. Shocking talaga anong ginagawa ng dalawang mokong na to.

"Anong ginagawa niyo dito?!" tanong ko

Nagkatinginan naman sila sa isa'tisa na para bang may galit o alitan na di ko alam kung bakit.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko ulit napatingin na sila sa akin

"Sinusundo ka!" sabay nilang sabi at nagkatinginan

"Ano ba talaga? Kailangan ba talagang sabay?!" tanong ko

"Nandito ako para sunduin ka Alexa" sabi ni Nash

"At Nandito rin ako para sunduin ka" sabi naman ni Francis

Tinignan ko silang pareho parehas na nakangiti ang mga mokong.

"Magcocomute na lang ako baka magaway pa kayo pag isa sa inyo sumabay ako" sabi ko

"Hindi sa akin ka na lang sumabay Alexa dala ko yung sasakyan ko" sabi ni Nash

"Sa akin ka na lang sumabay Alexa dala ko yung Motor ko" sabi ko

"Hindi sa akin siya sasabay delikado pag sa iyo siya sumakay mas safe siya kung sa sasakyan ko na lang siya sumakay" sabi ni Nash

Napatawa naman si Francis "Kung iniisip mong delikado pag sa akin siya sumabay nagkakamali ka hinatid ko na siya kahapon gamit yung motor ko tsaka may helmet naman" sabi ni Francis at ngumisi kay Nash

I Smell War na talaga dito...

"Pwede ba tumigil na kayo" sabi ko

"Sorry Alexa ako naman talaga nauna makarating dito" sabi ni Nash

"Psh" sabi ni Francis

"Ganito na lang tutal si Nash nauna sa kanya ako sasabay mamayang hapon na lang ako sasabay sa iyo Francis" sabi ko

Bigla naman napangiti si Nash at yung isa syempre halatang dismayado.

"Ano okay ba iyon?" tanong ko

"Sige kung iyan ang gusto mo basta mamaya susunduin kita" sabi ni Francis

"Oo sige" sabi ko

"Tara na baka malate tayo nito" sabi ni Nash at inalalayan na ko papunta sa kotse niya

Hinintay muna kaming makaalis ni Francis.. Habang nasa sasakyan..

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon