Chapter 33

4.6K 96 44
                                    

Hi Guys!! Nakakatuwa namang basahin yung mga comments niyo basta wag masyadong hot ah? NLEX pa rin sa huli :) Keep on Voting and Magcomment Salamat sa lahat ! :) Enjoy this Chapter !

~~~

Normal's POV

Handa na ulit kausapin ni Nash si Alexa ngayong araw nagisip pa siya kung paanong way niya ito mapapakumbinsi at mapapatawad siya.

Medyo late ng nakarating sa school si Nash dahil late na rin naman siyang nagising at nakatulog kagabi.

Habang si Alexa naman hindi pa rin mawala sa isip niya si Nash gustuhin man niyang kausapin ito pero nangingibabaw ang galit niya.

Sinundo naman siya ni John gamit ang kanyang bagong motor.

"GoodMorning Hon" bati ni John sabay halik sa pisnge ni Alexa halatang nagulat si Alexa sa ginawa ni John

"Hon?ah tsaka bakit mo ko hinalikan sa pisnge?" tanong ni Alexa

Napakamot naman si John sa ulo niya..

"Ah sorry mukhang nagulat ka ata Hon yung gusto ko sanang tawagan natin tapos yung kiss sign ng pagiging sweet ko sa iyo ah kung ayaw mo ok lang" para namang batang wika ni John

"I'm sorry nagulat lang ako Hon" nakangiting pahayag ni Alexa para mapangiti rin niya si John kaya diniinan niya yung salitang Hon

"Akala ko ayaw mo tara na Hon" sabi ni John at inalalayan si Alexa sa pagsakay sa motor niya

Napangiti naman si Alexa

Dala ni John ang bag ni Alexa as a sign na pagiging gentleman ayaw niya kasing nahihirapan ang taong mahal niya kaya kinatuwa naman ito ni Alexa kahit papaano.

Magkaholding hands silang naglalakad halos lahat ng estudyanteng madaanan nila ay nakatingin sa kanila.

Hanggang sa makarating na sila sa classroom.

"Early Bird ang bagong lovers natin" sabi ni Andre

"Nilalanggam na ata ako sa sobrang kasweetan niyo" sabi ni Yuri at pinagpag pa ang blouse niya na para talagang nilalanggam

Agad naman nabaling ang pansin ni Alexa sa katabi niyang upuan.

'Sana okay ka lang kung nasaan ka man ngayon alalangalala na ako sa iyo' sabi ni Alexa sa sarili

"Jai papasok na ba si Nash?" tanong ni Kobi

"Hindi ko alam hindi ko nga siya macontact kagabi eh" sabi ni Jairus

"Hala! nasaan na kaya si Nash" sabi ni Andre

Bigla naman napatingin kay Alexa yung tatlong Maria nagkibit balikat lang siya.

Nagpatuloy lang sila sa pagkwekwentuhan hanggang sa dumating na rin ang teacher nila nabahala na silang magkakaibigan lalo na si Alexa kung bakit wala pa ring Nash ang dumarating ngayon hanggang sa kalagitnaan ng Discussion ng teacher nila sa Physics ay may kumatok.

"Mr.Gil? Where have you been? You're 30 minutes late!" sabi ng Teacher nila

"I'm sorry Miss masama po kasi ang pakiramdam ko kaya nalate ako" sabi ni Nash habang nakapamulsa

"And sabi rin ng ibang teachers hindi ka daw pumasok kahapon pagkatapos ng breaktime?! What's the matter with you Mr.Gil?" striktong tanong ng teacher nila nabahala na tuloy yung mga kaibigan ni Nash kaya mabilis na nakaisip ng paraan si Jairus

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon