Chapter 18

5.9K 84 9
                                    

Alexa's POV

Hindi ko pa rin matanggap na nagtagpo kami ulit ng lalakeng minahal ko? Should I say Kinamumuhian ko! classmate ko si Nash muli siyang nagbalik..Nananahimik na nga ang buhay ko tapos bigla na lang siyang susulpot ano na naman bang balak niya!

Teka! Bakit nga ba parang affected ako eh hindi naman dapat diba matagal na kong nakamoveon diba! Matagal na! Kaya hindi ko na kailangan pang problemahin yun pero kahit na di ko pa rin maiwasan na isipin kung anong mayroon sa amin noon.Hay! bahala na nga andrama drama ko umagangumaga nagdadrama ako!

"Alexa ayos ka lang?" tanong sa akin ni Francis na siyang kasama ko ngayon sa may cafeteria

"Ah Oo naman" sagot ko

"Kung ganoon ano sa tingin mo may posible kayang maraming sumali sa basketball this year?" tanong ni Francis

"Ha? Ah.. Siguro" sabi ko

Wala talaga ako sa mood ngayon. Di pa rin ako mapalagay hay!

Biglang hinawakan ni Francis ang noo ko labis na pinagtaka ko.

"Hindi ka naman nilalagnat ah? Ano bang nangyayari sa iyo ah?" tanong ni Francis

Bigla kong tinanggal yung kamay ni Francis..

"Wala lang talaga ako sa mood ngayon" sabi ko sabay iwas tingin sa kanya

Alam kong tinititigan niya ko.

Kung minamalas ka nga naman biglang dumaan si Nash sa harap ko kasama niya sina Jairus.

Napatingin ako sa kanya͵Napatingin rin siya sa akin pero bigla kong iniwas agad ang tingin ko..

"Tara na punta na tayo sa room" sabi ko kay Francis

Di ko na siya nilingon basta tuloytuloy lang ako sa paglalakad.

Someone's POV

Nagsimula na ang klase nila di pa rin makapagconcentrate si Alexa pero pinipilit niya naiinis na siya sa sarili niya lalo na't katabi pa niya si Nash.

Napasabunot si Alexa sa inis kaya napatingin naman si Nash sa kanya.

"Ui Okay ka lang?" sabi ni Nash

Bigla naman nahiya si Alexa at inayos yung buhok niya.

"Ah wala nangangati lang kasi yung buhok ko" sabi ni Alexa

"Ganoon ba? Akala ko kasi kung napano ka" sabi ni Nash

Ngumiti na lang si Alexa

Mayamaya nagring na rin yung bell nila means Snacks na nila.

Agad na tumayo si Nash at pinuntahan sina Jairus habang si Alexa ay pinuntahan si Jean͵Marz at Yuri.

"Tara na Girls!" sabi ni Jean

Nagsimula na silang maglakad papunta sa Cafeteria napansin ni Jean na lutang si Alexa. Bigla naman niya itong tinapik sa balikat.

"Oh problema mo?" tanong ni Alexa

"Eh kasi kanina ka pa lutang diyan ano bang problema mo ha?" tanong ni Jean

"Wala!" matipid na sagot ni Alexa

Tinaasan siya ng kilay ni Jean.

"Wala nga sabi" sabi ni Alexa

"Pssh.. Okay" sabi ni Jean

Nakarating na sila sa cafeteria nagorder na sila ng pagkain pagkatapos ay umupo na sila sa table nila.

Nagsimula na silang kumain ng biglang dumating si Francis.

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon