TAV~One

921 19 0
                                    

The Artist's Vixen

1-I got the crown, he got disqualified

I was nine when our mom died. Cervical cancer at malala na iyon ng nalaman namin. She was a loving mother and to top it all of, I adored her so much that I cried for months. Hindi ko matanggap na wala na akong nanay noon sa ganoong edad.

Ako ang pinakabunso sa lahat. Kaya baby na baby ako ni Mom noon. She would spoil me. Dad was against the spoiling kaya malayo ang loob ko sa kanya.

Kaya nga ng mamatay si Mom, si Ate Deina at Kuya Bleau lang ang natatakbuhan ko kapag pinapaiyak ako ng mga kaklase ko. They were both high school that time when I was in elementary.

Me, Veena Kamil Bishamonte being the youngest. Deina Miara Bishamonte at the middle and Bleau Alezandro Bishamonte, the eldest of us. Dalawang taon ang agwat nina Ate Deina at Kuya Bleau at sa akin naman ay nearly four and six years ang agwat nilang dalawa sa akin.

My Dad was a cold man. Kahit noong namatay si Mom ay hindi siya umiyak man lang. He stayed normal for that whole duration. Kaunti akong nagalit sa kanya dahil doon, it seemed like he didn't care about Mom.

Nang nagcollege ang dalawang kong kapatid ay naging mas malungkot ang buhay ko. First year high school, I felt lonely. It was hard for me to cope up that I no longer have anyone I can ran into, except my Dad.

Dalawa nalang kami sa bahay noon at ang mga katulong nalang ang kasama namin. Kung mag-uusap man kami ay nagtatanong siya kung kamusta ang pag-aaral ko at kapag nasagot ko na iyon ay tatahimik na siya ulit.

Siguro nga isa iyon sa mga dahilan kung bakit bumaba ang mga grades ko. When I turned grade 9, I was transfered to the lower section. That was our school's rule. Mula section one ay napunta ako sa section three.

I didn't have any friends until Kuen approached me. She's a petite girl with long lashes. Maganda ang korte ng mata niya. Unlike, my friends at section one Kuen's a bit dumb but she's real.

Mabait siya at totoo. Yung mga kaklase ko kasi dati, they think too low of me dahil bumaba ang grades ko. Doon ko nasabing hindi sila totoong kaibigan. Because if they were, hindi magiging ganoon kababa ang trato nila sa akin.

Grade 10, I joined a pageant. Ako ang representative ng year namin. It was a pageant for the school's Mister and Miss. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang napili at hindi si Finny na ipambabato sana instead of me.

"Kinakabahan ako, Kuen." Pag-aamin ko. First time ko at kahit na anong practice namin ng mga co-candidates ko ay iba parin ang kaba ko.

"You can do it, Veen. Ikaw pa! Kung hindi mo talaga kakayanin, reach for Warren's hand!" Natatawa niyang sabi.

Good thing Kuen is here to support me. Si Ate at Kuya ay busy sa school works nila at nang sabihan ko si Dad tungkol dito ay sinabihan niya lang ako ng "Do your best." Then he smiled and left for work.

Kahit papaano ay nalakasan ako ng loob.

"Sira!" Warren is my partner. He's from section one. Gwapo siya at matipuno, not to mention mautak din iyon kaya hindi maipagkakaila na siya ang ginawang representative.

Napalinga-linga ako. Speaking of which, I haven't seen him. Kanina pa nag-uumpisang ayusan ang ibang contestant at hindi ko pa rin siya mahagilap.

"Kuen, have you seen Warren? Hindi ko pa siya nakikita eh." Tanong ko.

"Hmm? Oo nga no? Ay wait, ask ko yung organizer kung nakita niya." Sabi niya at lumabas ng prepping room.

Lumipas ang thirty minutes at pumasok na siya ulit sa kwarto. May kasama siyang lalaki, he looked familiar. Mataas siya at bagsak ang buhok niya kahit na maikli lang ito. May salamin din siya.

"Nakita mo ba siya, Kuen?" I asked.

Umiling si Kuen. "I'm sorry. I called him pero hindi daw siya makakasali dahil may chicken pox daw siya."

Dahil sa gulat napatayo ako. Paano na to ngayon, kung wala kaming ipapalit kay Warren, we'll get disqualified.

"Wait, Veen! Kalma lang." Pagpigil ni Kuen. "Here...this is Xenon. Remember mo? He's your classmate from section one!" Pakilala ni Kuen.

Napataas ako ng kilay. "Siya ipapalit natin?"

Tumango si Kuen. "Matalino siya at mukha namang..." she leaned closer to my ear and whispered. "...gwapo."

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Napatingin ako kay Xenon at parang wala siyang pakialam. Bumalik ulit ang tingin ko kay Kuen na tumatango-tango.

Bumuga na ako ng hangin. "Okay lang ba sayo, Xenon?" I asked him.

He just shrugged.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil parang wala siyang pakialam.

"Ano to, Kuen? Walang paki?" I asked Kuen.

"Huh? Uhm..." Tumingin siya kay Xenon. "Xenon, upo kana dito. Ayusan ka na." She tried so hard to smile.

Umupo na si Xenon at inumpisahan na siyang ayusan. I was left dumbfounded. I highly doubt that he'll take this seriously.

Mas lalo pa akong napanganga ng makita ko siyang rumampa. He's different from the way he normally walks. Hindi tinatamad at marami ang naghihiyawan dahil sa pagrampa niya.

"Veen, ikaw na." Tawag ng organizer.

When I stepped out marami ang naghiyawan. Madami ang nagpalakpakan dahil marami ang nakakakilala sa akin.

Pagbalik ko sa backstage. "Sure win na tayo, Veen." Sabi ni Kuen.

"Ikaw na talaga! Shhh. May Q&A pa." Saway ko.

"You'll definitely ace it. Trust me! You once belong to section for nothing." Pagtataas ni Kuen sa confidence ko. "Umupo ka muna doon sa tabi ni Xenon.

Tumango ako at umupo sa tabi ni Xenon. He seemed so calm at parang wala lang sa kanya ang nangyaring pagrampa niya kanina.

Those were two categories: School Uniform and Street wear. Pagkatapos ng category na iyon ay ang talent at ang long gown together with the Question and Answer portion.

Ngunit kahit kalmado lang siyang tiningnan sa malayo ay ganoon din kalakas ang paghinga niya. He's nervous alright.

"Are you okay, Xenon?" I asked him.

"Do me a favor..." He huskily said between his breaths.

"Hmm? Sure...anythi-"

And with that, I concluded my first kiss has been stolen.

To top it all of, I got the crown and he got disqualified.

But then the look on his face was priceless.

God. That boy is pissing me off.

The Artist's VixenWhere stories live. Discover now