TAV~Twenty-two

463 7 1
                                    


The Artist's Vixen

22-Pathetic asshole

Pumayag si Celine na mag-usap kami. Sa restaurant kami nagkita mga bandang hapon na kung saan wala ng gaanong tao.

Nakita ko sa may salamin ang pagpark ng sasakyan niya sa parking lot. Lumabas siya at naglalakad na papasok sa restaurant. Tumayo ako para salubungin siya. I smiled at her at binalik niya din iyon.
Umupo kaming sabay at magkaharap kami. She's still smiling and then spoke. "Shall we order?" Ngiti niya.

Umiling ako. "Hindi na Celine. Madali lang ito at sana pumayag ka sa gusto ko." Seryoso kong sabi.

"Oh, ano ba yun? Anything for you, Ate." She sweetly said.

"I want you to stop your childish acts." I said.

Tumaas ang kilay niya. "What childish acts?" Painosente niyang tanong.  

"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko Celine." Sagot ko sa kanya.

She chuckled. "Hindi ko nga alam ang tinutukoy mo, Ate. Tell me, para maexplain ko sayo."

Kumuyom ang kamao ko na nasa ilalim ng lamesa. She's playing innocent here and it irritates me. Bakit hindi niya nalang ako diretsuhin na alam niya naman?

I sighed in defeat. "Lin. Give her job back here at the restaurant, Celine."

"Oh. That." She smiled and crossed her legs. "Alam mo na pala?" She asked me.

"Oo. Alam kong ikaw ang babae ng tatay ng boyfriend ko and now, what's this? Tatanggalin mo sa trabaho si Lin? Para sa ano? Hindi pa ba sapat sayo na ikaw na nga ang binibigyan ng pera ngayon? And let's not forget that incident where you hurt her and her son." Diretsong sabi ko.

Her lips twitched then bitterly smiled again like she's enjoying what she was doing. "Dapat lang iyon sa kanya diba? Besides, she should know her place. Alam mo ba ang ginawa niya?"

Napaatras ako at umiling.

"Well, desperada lang naman siya." Panimula niya. "She blackmailed me for what? Dahil ako ang pinili ni Anton at hindi siya? Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung mas maganda at sexy ako sa kanya." She shrugged.

"I don't believe you. Why would she blackmail you? Ano bang ginawa niya, huh?" I asked her.

"Oh, Ate. You're so naive. So naive!" Humalakhak siya. "Ayaw sa akin ng boyfriend mo para sa ama niya. Kaya ng hindi ako matinag ni Xenon ay siya ang umarisgadang kalabanin talaga ako. She said that she'll tell everyone that I'm a prostitute. Natawa naman ako sa kanya. So what? Diba? Tanggap ko naman pero ang sampalin niya ako sa mga business associates ni Anton? Oh she crossed the line, honey." Kwento niya.

"Pero hindi dapat iyon rason para tratuhin mo siya ng ganoon. You're being unfair!" I slammed the table.

"Bakit? Hindi ba unfair ang ginagawa ng boyfriend mo sa iyo? Isa pa yang Xenon na iyan eh. Shall I bruise your ego with the info I got about him?" She said.

Naguluhan ako. What information is she talking about? And bruising my ego? What the heck?

Natawa siya. "Oh yes, sinabi ko nga diba? You're too naive not to notice. You think it was love? Shall I tell you or keep you sinking in that lovehole?" She dared.

Hindi ako makapagsalita. Ano ba ang sinasabi niya? Wala na kami sa topic tungkol kay Lin. This is all about me and Xenon!

"But since I owe you too much back then, sasabihin ko nalang. Namulat pa kita sa katotohanan na hindi ka mahal ng Xenon na yun." Singhal niya.

Umiling ako. "Ano ba yang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oh my God! Wake up, will you? Sa tingin mo, bakit alam ni Xenon kung nasaan ka noong unang gabi mo sa pagiging cigarette girl sa bar? Coincidence? No. Hindi. Alam niyang pupunta ka doon, because he's been following you since then. And the paint job? Ito ang mas nakakatuwa. Why would a world-renowned artist enroll himself in a petty art school kung magaling na din naman siya hindi ba? You think." Siwalat niya.

"Celine...A-Ano bang-"

"At hanggang ngayon ay binabalewala mo ang tatay mong nasa ospital ngayon dahil sa kanya? Your father hired him to look for you in exchange for a position in the arts department in your company. Ang tatay mo ang nagpaaral sa kanya dati. Wow. Double it all, dapat niya palang gawin ang pagpapauwi sa iyo sa bahay niyo dahil kapag napauwi ka na niya ay may posisyon na siya sa kompanya at naibalik niya na ang utang na loob sa tatay mo. Its like...uhm...hitting two birds in one stone! And you are the stone! Bato ka lang? A damn pitiful bait for Xenon-" she gasped when I slapped her face.

My palm stung because of the pain. Tumutulo ang luha ko sa mga sinabi niya. No. Its not true. Its not true that he used me just to earn a position in my Dad's company. Hinihingal ako habang tinititigan si Celine na may pulang marka sa pisngi.

Pumikit siya ng mariin at napatingin sa akin. "That hurts, and also the truth. Bruised ego, yes. Masakit talaga iyan." Tumayo siya at kinuha ang bag niya. "Now, ask yourself. Sino ba talaga ang kakampi mo?" Sabi niya at umalis na palabas ng restaurant.

Ayaw kong maniwala. Ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Celine is such a bitch for telling that lie.

Mahal ako ni Xenon. Alam ko yun! Naramdaman ko iyon. For once, I felt that I was safe and secured. Yun ang naramdaman ko! Yun iyon! Napaiyak nalang ako sa sakit ng biglang tumunog ang cellphone ko.

It was a text from Xenon.

Xenon:

Nasa labas na ako ng restaurant. I'll wait for you, baby. I love you.

Parang piniga ang puso ko sa huling tatlong salitang sinabi niya. A part of me wants to ask him if its true and a part of me just wants to forget that fucking theory that Celine told me. Its killing me but damn, why is this killing me?! I should not, right? Hindi dapat dahil alam ko sa sarili ko na mahal ako ni Xenon.

Pinunasan ko ang mukha ko dahil sa luha kong umagos kanina. Umiling ako at napahinga. "Hindi totoo yun." I calmed myself.

Lumabas ako ng restaurant na nakangiti at buo ang loob. Nakita ko siya sa hindi kalayuan and my heart ripped again. Napahawak ako sa dibdib ko ng papalapit ako sa kanya.

Kumunot ang noo niya at nag-alala ang mukha niya. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "What's wrong? What happened?" Nag-aalala niyang tanong.

I want to ask him. Fuck. But I'm afraid that he'll only say the truth.

Sino ba talaga ang kakampi mo?

Celine's question flew inside my mind again. I bit my lip. I gathered all my courage. What the hell, Veena? Should I even question his love for me? Kung peke ba ito o totoo?

"Did...Did you even love me?" I asked him.

"What are you talking about, Veena? Of course, I do." His brows met. "Ano ba ang nangyari? You're confusing me."

"Really? Or did my Dad offered you something that you can't even say no to it?" I asked him again. Fuck.

Napaatras siya at nawala ang kamay niya sa balikat ko. Napapikit ako ng mariin, tumulo ang aking luha. Sa reaksyon niya palang alam ko na. Shit. "So its true?"

"Veena...let me explain-"

"Totoo talaga? You're just using me?!" I screamed.

"Calm down, Veena-"

"How can I fucking calm down if the guy I loved for a long time turns out to be a user? Para sa ano? Sa isang posisyon sa kompanya ng tatay ko? Pathetic! You're too pathetic!" I shouted. "God. All this time, I fucking chose you over my family. I fucking chose you over my Dad! Shit. Xenon, my Dad! I chose our stupid relationship for this fucking heartbreak? Bullshit!" I slapped him...hard! I hate him, sobra!

Nakatayo lang siya sa harap ko. Hindi siya kumikibo. It only means that he's admitting it. Natawa ako. I am such a stupid woman to fall for his tricks.

"Don't you ever come near me. I don't want to see you again. Asshole!" I pushed him out of my way and called a taxi while crying.

The Artist's VixenWhere stories live. Discover now