TAV~Sixteen

604 12 0
                                    


The Artist's Vixen

16- Mornings

"Isn't obvious? I want you. I love you." Iniangat niya ang ulo niya at tinukod ang siko niya habang nakatingin sa akin na nakahiga parin. He cupped my chin.

I blinked. "P-Paano sina Lin at Aleane?"

Nakita kong kumunot ang noo niya. "Ano naman ang pakialam ni Lin at ni Aleane sa atin?" Nagtatakang tanong niya.

"Well, I just can't find the chance to believe in you. Lahat ng tao, sinasabi nilang ikaw ang tatay ni Zean. Na...na ikaw ang nakabuntis sa kanya." Nag-aalangan kong sabi.

Umiwas siya ng tingin sa akin. His jaw clenched and his attention came back to me. "You're going to believe them more than me?" Kalmado ngunit parang galit na sabi niya. Umupo siya at tumalikod sa akin. Napahilamos siya.

Napabangon na ako at inabot ang balikat niya. "Just...Just tell me why. Bakit ganoon ang sinasabi ni-"

"I was the one who helped Lin when she was still pregnant. I told you my Dad's a womanizer. Hindi alam ni Dad na nabuntis niya si Lin, so I helped her. Hindi ko naman kayang pabayaan si Lin dahil pagbaliktarin man natin ang mundo, kapatid ko yung dala-dala niya. Kung may magagawa naman ako para tulungan siya, gagawin ko. Kaya ginawa ko ang lahat para matustusan si Lin." Paliwanag niya.

"But...But you told me you ran away from home. P-Pera mo ang ginamit mo para tustusan sila-"

"Yes! Damnit! I have the money to help them. If I can help, I'll help. No questions ask." Humarap na siya sa akin. He cupped my face again. "Believe me, Veena. My family is complicated." He let our foreheads meet. "Ano pa ang tanong mo? I'll tell you everything. Lahat basta magtiwala kalang sa akin."

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko. I can see he's sincerity. I licked my lips. Umiwas ako sa kanya.

"B-Bakit mo ako gusto?" Tanong ko sa kanya.

"Veena, I like you since then. Pero hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon dahil mas matimbang sa akin ang pamilya ko. My mother needed me. Later that I knew, that my Dad only want me because I'll be his successor. Ayoko no'n. My heart belongs to art and so was my mother's. Sakin kampi si Mama. Kaya hindi tinulungan ni Dad si Mama noong nagkasakit ay para wala akong kakampi. Na sa kanya ako sasandal, but he failed." Pagkukwento niya sa akin habang umiiyak.

"Xenon..." Hinaplos ko ang likod niya.

Tumingin siya sa akin. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala sa akin. Can't you see? I'm reaching out to you but you're the one who is pushing me away."

Napalunok ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko. "I-I'm sorry." Nauutal kong pasensya sa kanya.

"I can't believe you'll listen to those rumors. Ikaw lang Veena. I was hooked by you. The pageant and the kiss, it all meant something to me." Sabi niya.

My heart skipped a beat.

"I already told you that I am not the kind of guy that does sex for nothing. I make love. Sa tingin mo, sa isang lalaking katulad ko na lumaki na hindi kumpleto ang pamilya ay kayang gawin ang ginawa ng tatay ko?" Tanong niya sa akin.

I felt bad. I feel bad for judging him without thinking. I was tactless with those accusations. I underestimated his love for me. Nakuha ko na, mahal niya ako.

Tulala lang ako sa bedsheet. Xenon loves me. I should be happy then why am I so devastated?

Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa higaan. Napaangat ang tingin ko sa kanyang likod.

"Xenon!" Tawag ko sa kanya. Napabalikwas ako at tinamaan ng kaba.

He stopped and swifted his look to me. His eyes were bloodshot. Umiyak siya. He cried because of me, because I hurt his feelings.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pinulupot ko ang kumot sa aking katawan. Nanginginig ang aking bunganga. "I'm sorry, Xenon." Napaiyak na ako ng masabi ko iyon. "Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Naguguluhan lang kasi ako kung ano tayo. Tatlong buwan palang ang nakalipas ng nagkita tayo ulit, hindi ko alam kung anong nangyari say-"

"Shhhhh." He wiped my tears. I dived in him for a hug. Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko ng mahigpit niya akong yakapin pabalik. "I want to hear one thing from you. Kakalimutan ko ang lahat ng pagmamaliit mo sa pagmamahal ko sayo. Say it, Veena." He whispered.

"I like you since then. I was hurt when you left high school, I missed you." Bulalas ko.

Tumawa siya sa sinabi ko. "Cute. I missed you too but that's not what I want to hear."

Kumalas ako sa yakapan namin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "I love you, Xenon." I said and sealed it with a kiss.

Most of my mornings, ay problema ang laman ng isip ko. Kung may pagkukuhanan pa ako ng pera sa susunod na buwan. Kung magkakatrabaho pa ako pagkatapos ng contractual kong trabaho. But that was before I met Xenon.

Pagmulat ko ng aking mata ay nakayakap sa akin si Xenon. He's arms and legs are wrapped around me. Napangiti ako. I feel safe.

After last night's confession, we just went to bed and talked. Nagkulitan at harutan kami. It was pure cuddling and giggling. Hindi ko inaasahan na may ganitong side si Xenon.

Humarap ako sa kanya at muntik na siyang magising. I saw the rubberbands tied in his long hair. I supressed my laugh. Napagdiskitahan ko siya kagabi dahil sa haba ng buhok niya.

Nanggigil ako at napayakap sa dibdib niya. I can hear his heartbeat. Its like music to my ears. Napakacorny ko ngayong umaga.

So, this is the feeling when you're inlove. Butterflies in your stomach, fast heartbeats and smiling for no reason. Parang baliw!

"Ang aga mo pang nantsansing ha." Nagulat ako ng magsalita siya. Napatingin ako sa kanya. Nakatukod ang siko ko sa higaan.

Tumaas ang kilay ko bilang reaksyon sa sinabi niya. "Look who's talking. My breasts has been swelling because you're busy cupping them last night! Sino ang nanantsing sa atin?"

Napahalakhak siya. "Tsansing yung nagtatalik tayo."

"Ahhh, ganoon? Eh anong yung paghipo-hipo mo? Anong tawag do'n?" Paghahamon ko.

Hinaplos niya ang braso ko. "Pure touches." He smirked.

"Pure seducing touches?" I corrected him.

Imbes na sumagot ay hinila niya ako at pinadapa sa ibabaw niya. Parang hindi siya nabigatan. In fact, nakuha niya pang ngumiti. Ang kamay niya ay nasa beywang ko. "I don't mind waking up early if I have to see a beauty like this."

Aaminin ko. Kinilig ako sa sinabi niya. I agreed and answered. "Waking up beside you would be my favorite mornings."

Mas lumawak pa ang ngiti niya.

The Artist's VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon