TAV~Ten

704 12 0
                                    


The Artist's Vixen

10-One night stand

Napakamot ako ng ulo ko, kanina pa ako dito sa banyo ng pinagtatrabahuhan ko. Kanina pa ako wala sa sarili. Inisiip ang mga 'what if's'.

Come to think of it, may girlfriend siya! May girlfriend siya at may nangyari sa amin! God. Ano ba itong pinasok ko?

Okay.

Napahawak ako sa dalawang pisngi ko. "May nangyari sa amin..." Uminit nanaman ulit ang pisngi ko.

Parang mababaliw na ako kakaisip kung paano ko haharapin mamaya si Xenon! Its Friday at may trabaho ako sa kanya mamaya. Nakakailang!

Kanina pagkagising ko, mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nakayakap pa siya sa akin kaya kinuha ko ang kamay niya para makapag-ayos na ako dahil may trabaho pa ako. Iniwan ko siya doon.

Nakahubad.

at mahimbing ang tulog.

Eh, ano ba ang gagawin ko after a night of sex? First time ko iyon at hindi ko alam kung ano ba ang mga ginagawa!

Hindi na nga ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa kakaisip ko sa kanya. Baka pagdatin ko doon sa studio niya, pag-initan ako. Nakakatakot pa naman iyon magalit.

Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto. "Veena, okay kalang ba?" Rinig kong tanong ni Lin.

At isa pa yan, naalala ko kagabi na hindi gumamit ng proteksyon si Xenon. Paano kung mabuntis ako? Madadagdagan ang mga panganay ni Xenon? Lahat ba ng nagtatrabaho sa restaurant na ito, tutuhugin niya?

Tumikhim ako at lumabas ng banyo. "Lin." Ngiti ko.

Nag-aalala ang kanyang mukha. "Okay kalang ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Okay lang ako." Lumabas na ako ng cubicle. "Halika na, hinahanap na tayo doon."

Natapos ang trabaho ko na pagod at okupado ng nga gawain sa restaurant. Mabuti na rin na hindi ko hinayaan na isipin ko ang nangyari sa amin ni Xenon dahil kung hinayaan ko, paniguradong pinaulanan na ako ng sermon ni chef.

Nauna na akong lumabas ng restaurant. Baka magkayayaan pa, tanungin nila kung bakit ako tumatanggi. Half of me wants to go home and hide, the other half wants to see Xenon.

What happened between us has a meaning, right? I mean, if it was a one night stand he wouldn't even dare to cuddle me. Pero nagcuddle siya! Pagkagising ko nakayakap siya sa akin, there should be a meaning.

I'm not sure if my feelings for Xenon was gone or it didn't even faded away. That infatuation during high school was still there, I think.

Napahinga ako ng malalim ng nakarating ako sa studio ni Xenon. Pagkababa ko ng taxi ay dumiretso na ako sa lobby ng studio.

Nginitian ako ng receptionist. "Miss." Tawag niya sa akin at pumunta ako sa kanya. "I'm sorry po, if we got on the wrong foot the last time we saw each other." Nagulat ako sa paghingi niya ng pasensya sa akin.

Napangiti ako. "Ano ka ba! Okay lang yun, medyo sanay na din ako."

Lumiwanag ang mukha niya. "Thea." Pakilala niya pagkatapos ay kumunot ang noo niya. "Si Sir Xenon ba?" Tanong niya.

Tumango ako.

Napakamot siya ng ulo. "Hindi kasi siya pumunta ngayon dito eh. Nagtaka nga ako eh kasi diba may appointment ka sa kanya every weekends?"

Hindi kaya nakalimutan niya na may trabaho ako sa kanya ngayon? Don't tell me he's at his condo, still lying in bed.

Nagpaalam ako kay Thea at pumara na ng taxi para makapunta ako kaagad doon. When I got there, sumakay na ako sa elevator. I pushed some buttons at mabilis akong nakarating floor ng unit niya.

The Artist's VixenWhere stories live. Discover now