TAV~Nineteen

561 10 0
                                    


The Artist's Vixen

19-Protect

I bit my lower lip when I saw the message he sent me. Off ko na sa trabaho at uuwi na ako sa unit niya. Halos mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko.

Xenon:

I think I'm going crazy. I can't work well, your scent surrounds my studio.

"Ang lawak ng ngiti natin ah!" One of my co-workers teased.

"Oo nga, Veen. Ang blooming mo ngayon!" Dagdag pa ng isa.

Binelatan ko lang sila at ngumit habang nagtitipa ng reply kay Xenon.

Ako:

Off ko na. Where are you?

I hit send and grabbed my spare shirt. Nagbihis na ako sa banyo at nag-ayos. Pagkalabas ko ng banyo ay kinuha ko na sa locker ang bag ko.

I checked my phone to see if Xenon replied. Napanguso ako ng wala akong nakitang reply galing sa kanya.

Nagpara na ako ng taxi. My feet are killing me. Kanina kasi maraming tao sa restaurant kaya hindi na namin nakayang magbreak kahit limang minuto.

Bumaba ako sa tapat ng building ni Xenon. I smiled at the receptionist because she already know me, she smiled back. Pinindot ko ang elevator ng bigla itong bumukas.

Nagulat ako ng makita ko ang kapatid ko.

"Kuya..." I said.

Nakathree piece suit siya at halatang gulat din siya ng makita ako. What is he doing here? The last time I saw him, sinabi niya sa akin na inatake si Dad.

I...I don't even care.

I should not care.

Napalunok ako ng lumapit siya sa akin. Napaatras ako ng mas lalong malapit na siya.

"What are you doing here, Veena?" Nag-aalalang tanong ni Kuya sa akin.

"Uh..." He can't know that I live with Xenon. Gagawin nila ni Dad ang lahat para lang bumalik ako sa kanila at magkakalayo kami ni Xenon.

I need to protect our relationship and also Xenon. Yun ang sa tingin ko ay ang tama.

"I'm here to apply, Kuya." Pagsisinungaling ko.

Napataas ang kilay niya. "Bakit? Matatapos na ba ang kontrata mo sa restaurant na yun?"

Umiling ako. "No. I just want extra income."

"Veena, you don't have to do this. Sa bahay, prinsesa ka doon. You're an heir. Hindi...Hindi yung ganito-"

"And what? Ignore everything Dad made me feel back then? Like I was some kind of puppy?" Tanong ko sa kanya.

He sighed. "Hindi mo pa rin talaga siya napapatawad. Kahit nga ng sabihin ko sayo na inatake na, hindi mo pa nakuhang bisitahin man lang siya." Malamig na sabi ni Kuya.

I was about to cry but then I remembered that I need to be strong. I can't let him see that I am weak. "P-Para ano pa? Don't parents should choose their kids before their own happiness?"

Natahimik si Kuya sa tanong ko sa kanya. I've guessed right, naramdaman din ni Kuya ang nararamdaman ko. And I'm sure si Ate Deina rin but they were too forgiving like Mom.

Well, I'm not like them.

Umalis na ako sa harap ni Kuya at pumasok na sa elevator. Nakaharap pa rin sa elevator ang likod niya. Nakayuko at nakita kong nakayukom pa ang kamay niya. Before he could turn his head back to me, sarado na ang pinto ng elevator.

The Artist's VixenKde žijí příběhy. Začni objevovat