TAV~Seven

679 12 0
                                    


The Artist's Vixen

7- White

Dalawa ang kwarto sa condominium unit ni Xenon. Malaki ang kwarto ni Xenon kumpara sa bakanteng kwarto na tutuluyan ko. Pagkauwi ko sa unit niya dala ang mga gamit ko ay nag-ayos na ako sa bakanteng kwarto.

Pagkatapos kong mag-ayos sa kwarto ay wala na akong gagawin pero ng makita ko ang laundry room ng condominium ni Xenon, talagang sinipa ako ng kasipagan. Tambak na parang bukid ang mga damit niyang hindi pa nalalabhan. Pero infairness naman at hindi ito mabaho. Kaya inamoy ko pa talaga iyong puting sando niya.

Walang hiya! Ang bango, sobra! Parang pwede pang isuot ng limang beses.

Halos lahat ng damit niya ay puti. Puting v-neck t-shirts, puting sando at puting muscle tees. Kaya nga nagmumukha itong canvas dahil lahat ng mantsa sa mga puti niyang mga damit ay iba't ibang kulay ng pinta.

Isinalang ko sa washing machine ang mga damit niyang madudumi. Shirts, sandos, muscle tees, shorts at ang pinakamabigat sa lahat- ang leather jackets niya. Pero kung may pinakamabigat, meron talaga nakakahiyang labhan.

Namula ako ng makita ko ang briefs at boxer shorts niya. Checkered lahat ito, uniform designs. Hindi ko maconclude kung OC ba siya o sadyang adik lang sa pareparehas. Kasi kung OC siya, wala itong bundok na labahan!

Habang namumula ay nilagay ko na ang mga underwears niya sa washing machine. Iniwan ko muna ang washing machine at kinuha ang vaccuum cleaner at feather duster niya.

Nagsuot ako ng apron at tinali ang buhok.

This means WAR!

Sinimulan kong linisin ang mga furnitures niyang hindi naman ganoon ka dami pero madami ang alikabok. Ang nagpaganda ng living room ay ang mga trophies niya. Halos lahat ng trophies ni Xenon ay galing sa mga international competitions. Ganoon siya kagaling at nakakaabot pa siya Europe dahil sa galing niya.

Ang lubos na ipinagtataka ko ay, bakit kailangan niya pang mag-apply sa isang art school sa Paris kung ganito na siya kagaling? Weird.

Nagkibit balikat ako at binalewala nalang ang inisip ko. Maybe he just wants to gain new learnings kaya siya mag-aapply sa art school.

Pagkatapos kong kunin ang mga alikabok ay pinunasan ko ito ng basahan para kuminang pa lalo ang mga trophies niya.

Narinig kong huminto na ang washing machine kaya kinuha ko na ang mga damit niya at dinryer para maplantsa ko na pagkatapos kong magvaccuum sa buong bahay niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang orasan niya. Alas cinco na ng hapon at hindi ko namalayan na ang bilis bilis ng oras. Hindi pa nakakalubog ang araw pero hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko.

Iniwan ko muna sa dryer ang mga damit ni Xenon at sinimulan ng magvaccuum para pagdating ni Xenon ay masayahan naman siya dahil malinis na ang condominium niya, taasan niya pa ang sweldo ko. Nakuha ko pa talagang magbiro.

Sinimulan ko sa living room, sunod ay sa mga kwarto. Inuna ko ang kwarto ko at sinunod ang kay Xenon. Gaya ng sabi ko, malapad ang kwarto ni Xenon.

Malawak ang kama niya pero hindi katulad ng nasa living room ay, puti lang ang kulay ng pader niya. May accents ng dark brown furnitures kaya mukhang hindi napleplain ang itsura ng kwarto niya.

Halatang paborito niyang kulay ang puti. Halos lahat ng gamit at damit niya ay puti.

Sa gilid ng kama niya ay ang nakatungtong sa side table ang isang picture frame. Tiningnan ko ito at nakita ko si Xenon kasama ang mga magulang niya.

He looks so young in the picture, more like ten to twelve yeara old. Sobrang saya niya sa litrato. I can't help but to want to see that smile in his face again.

"What the hell are you doing here?!"

Nagulat ako at napalingon kay Xenon na pulang-pula sa galit.

"X-Xenon-"

"Get out!" Sigaw niya sa akin kaya natakot na ako.

"P-Pasensya na Xenon, naglilinis lang ako sa kwarto mo dahil yun naman ang dapat kong gawin-"

"My room is off limits, Veena! Get out!" Sigaw niya kaya tumakbo na ako papalabas, hila-hila ang vaccuum cleaner.

Pagkalabas ko ng kwarto niya ay sumunod ang malakas na pagsira ng pintuan niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapatili.

"Imbyerna." Ani ko.

Problema no'n. Aba't ako pa talaga ang pinagbubuntungan niya ng galit ha. Pasalamat siya, pagod akong makipagtalo sa kanya at natakot nalang ako dahil kung hindi, nabigwasan ko na ang gagong yun!

7:30PM na ako nakatapos sa paglilinis. Naplantsa ko na din ang mga damit ni Xenon at pansamantalang inilagay muna iyon sa cabinete sa laundry room habang hindi niya pa ako pinahihintulutan na pumasok sa kwarto niya kasi nga 'off limits' daw. Hmm, tse!

Kumalam na ang sikmura ko kaya naghanap na ako sa refrigirator ni Xenon ng maluluto. May nakita akong manok sa freezer. Meron ding hilaw na papaya sa ilalim. Tinola ang niluto ko, like it was destined.

Inayos ko ang lamesa para makakain na kami ni Xenon. Habang nagluluto ako kanina, iniisip ko kung ano ba ang nagawa kong mali at bakit nagalit talaga siya sa aki . Sumagi sa isip ko na ang pagpasok ko sa kwarto niya ang nagawa kong mali. Syempre, ano niya ba ako at basta-basta nalang akong papasok sa kwarto niya? Kaya heto ako't nagluto para peace offering na rin. Mali rin naman ako at isa pa, gaya ng sabi ko pagod akong makipagbangayan sa kanya.

Kinatok ko ang pintuan niya para yayain siyang kumain. "Xenon? Kain na tayo. Nagluto ako." Napakagat ako ng labi ng hindi niya ako pagbuksan o inimik. "Xenon, sayang naman yung niluto ko. Sige na, kain na tayo." Pangalawang subok ko pero wala pa rin. Napanguso ako. Walang pag-asa itong ginagawa ko. 'Lang hiya, hindi nagpapadala sa lambingan at suyuan ang gagong 'to ah!

I walked inches away from the door and counted from one to twenty quietly.

"One, two, three, four, five..." I started while roaming around his living room. "...eleven, twelve, thirteen..." I continously counted. "...eighteen, nineteen..." I smirked. "...twenty. Time's up. " Bulong ko. "AAAAAAAAAAAAAAAH! Xenon!" tawag ko sa kanya.

"What the hell, Veena? What's wrong?" Bakas sa mukha niya pag-aalala at gulat paglabas niya ng kwarto niya.

I grinned mischievously and ran towards him. "Kain na tayo?" I smiled sweetly.

Furious was written all over his face while I laugh my ass out.

The Artist's VixenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ