Epilogue

54.5K 1.2K 169
                                    


Frances P.O.V.


"Nakakatuwa sila 'no?" tuwang tuwa kong pinagmamasdan ang dalawang bata na naglalaro. Sina Love at Kenjih, parehong 4 na taon, kasalukuyan ay busy sa paglalaro ng habulan sa malawak na garden namin.

"Yeah.." sabay baling ng katabi ko sa'kin "....just like us before." Dugtong naman nya.

Tumingin ako sa kanya kanya at saka sumang ayon. Tama sya.. ganito din kami noong maliliit pa kami. Ang hilig maglaro, laging magkasama at hindi halos mapaghiwalay.

Pagbalik ng tingin ko sa mga bata ay nakita ko na lang na nadapa si Love at saka umiiyak, tutulungan ko na sana pero mabilis naman nakalapit sa kanya si Kenjih para alalayan syang tumayo.

"Shhhh don't cry.." pag aalo nito sa umiiyak na si Love bago sya tinulungan pagpagin ang tuhod nito na nalagyan ng lupa at damo.

Sigok lang ang sagot ni Love, pero pagkatapos ng ilang sandali ay parang walang nangyari at deretso ulit na naglaro ang dalawang bata.

"Ganyang ganyan din tayo dati diba.." komento ulit ng katabi ko saka sinabayan ng malakas na tawa.

Lumingon ako "Oo pero madalas na ikaw yung umiiyak.." sagot ko naman na may halong pang aasar. Naglakad ako pabalik sa pwesto ko kanina at saka naupo.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sementong upuan dito sa ilalim ng mayabong na puno ng mangga. Ang presko dito, ang sarap ng simoy ng hangin..kaya kahit ganitong oras ng hapon ay hindi naman maalinsangan.

Napangiti sya, marahil ay naalala din yung tinutukoy ko "No..umiiyak lang ako noon kapag mas pinipili mo si Louise para maging daddy sa laro na bahay-bahayan natin." pagtatanggol nya pa sa sarili.

Isang tinig ang biglang sumingit sa usapan naming dalawa "Come on Migs, aminin mo na..you're just a cry baby back then.." saka naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin, paglingon ko ay ang nakangising si Louise ang nabungaran ko.

"Shut up Luis!" sagot naman ng tila napipikon na si Migs at dahil sa maputi sya ay visible agad yung pamumula ng pisngi nya..

Sabay kaming natawa ni Louise sa nakita, parang nagblush si Migs. Ayaw na ayaw nya kasi na tinatawag syang iyakin kahit noong maliliit pa kami. Kasi naman kahit anong gawin nya ay hindi nya matalo si Louise na 'Luis' pa noon, kahit anong laro namin ay lagi syang umuuwing luhaan. Maging patentero man nya, luksong tinik o taguan. Ang flexible at ang liksi kasing kumilos ni Louise kaya lagi nyang nauunahan si Migs na medyo lampa noong maliliit pa kami. Palibhasa may pagka mama's boy kasi sya at lagi nakaalalay ang nanay nya sa bawat kilos kaya lumaking ganun si Migs.

"Admit it, naaalala mo ba yung umakyat ka one time sa puno ng mangga? Umiyak ka din noon kasi hindi ka na makababa." Patuloy pa din ang pang aasar ni Louise sa kanya.

He just sighed. Kahit kailan talaga, kahit sa pang aasar ay hindi sya mananalo dito.

Lihim ako natutuwa habang nakatingin ako kay Migs. Alam ko naman na deep inside he's really a nice guy, yung mga hindi magandang nangyari sa amin before ay dala lang siguro ng pagiging mapusok at bugso ng damdamin nya saka dahil na din siguro na immature pa sya ng time na yun.

Sino nga ang mag aakala na pagkatapos ng mga nagawa nya, nila ni Mommy dati, ay babalik ulit kami sa pagiging matalik na magkaibigan? Kahit ako nga mismo ay hindi ko inasahan na magiging Ok ulit kami. Pero ika nga ni Louise ay past is past. Hindi na namin mababago pa yung mga nangyari na, pero ang mga mangyayari pa sa hinaharap ay pwede pa natin piliin na mabago o maitama.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon