Chapter 15

59.5K 1.2K 130
                                    

Frances P.O.V.

"Amanda please wait!!" habol habol ko siya papunta ng main area.

"Can you please stop?!" Hinihingal na sabi ko, napapagod na ko sa bilis nyang maglakad.

Saglit syang tumigil saka lumingon, sinamantala ko na yun para hilahin sya sa lugar na walang masyadong tao.

Nakacrossed arms siya na nagsalita "What the hell was that?" Paasik nyang tanong.

"First inagaw nya si Migs sa'yo and now she's turning you into.....a lesbian? My God Frances!" Halos pasigaw na sabi nya.

"Shhh calm down and please hinaan mo lang boses mo, let me explain ok?" Halos sumigaw na din ako, naiinis ako baka mamaya may makarinig pa ng mga sinabi nya.

Lumingon muna ako sa paligid ko para matiyak na walang ibang makakarinig sa amin.

Humugot muna ako ng hininga bago nagsalita "I had a change of plan ." sabi ko while closing my eyes, hindi niya pwede malaman kung ano mang attractions ang namamagitan sa aming dalawa ni Louise.

I know she wouldn't understand, dahil kahit ako mismo ay naguguluhan din. I must think of something, yun pwede maging dahilan ko bakit nya kami naabutan sa ganung "awkward" na posisyon kanina.

"What do you mean?" Taas kilay na sabi nya pagmulat ng mga mata ko.

I sighed.

This is it.. I'ts now or never.

"Well I realized kasi na hindi umubra yun master plan ko na pag awayin sila dalawa sa pamamagitan ng selos nag isip ulit ako ng plan b... and since lately I've noticed that Louise seemed interested with me and that gave me an idea na she might be a bi, you know ..maybe into girls too?..." kinakabahang paliwanag ko.

"And...?" parang hindi pa rin sya kumbinsido. Knowing her being a smartass alam ko kailagan mas convincing ang sasabihin ko.

"And ...I've decided na iseduce sya, you know, to make her fall for me...". ang lakas ng tibok ng puso ko na halos marinig ko na ito.

"Then pag inlove na siya sa akin I'd drop her like a hot potato. After that saka ko irereveal na hindi ko sya minahal at ginawa ko lang yun dahil kay Migs." parang ang bigat bigat ng dibdib ko ng sinasabi ko ito sa kanya but I had no choice.

I really hate myself right now. Alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun sinabi ko, but what can I do? I need an escape plan, ayokong pag isipan niya ako na may namamagitan na sa amin dalawa ni Louise. Hindi pa ako prepared dito.

"How sure are you na babalik sayo si Migs if ever makipagbreak sa kanya si Louise? Pano kung nalaman nya ginawa mo, baka kamuhian ka pa nya?" taas kilay na tanong nya.

"Madali naman magtwist ng story, i would tell him that Louise was the one who tried to initial thing, the one who told me that she liked me, i'd tell him that I turned her down once I found out her feelings for me..I'm sure sa akin lang maniniwala si Migs." mahabang katahimikan ang namagitan samin dalawa.

Matamang syang nag isip bago nagsalita "Really Frances, you went to that extent talaga just to get your man back?" Hindi pa din siya makapaniwala sa plano na sinabi ko.

"I told you before na kukuhanin ko si Migs no matter what diba? and I think so far so good naman." Pangungumbinsi ko pa sa kanya.

She looked at me dead in the eye.

"And why you didn't inform me about your change of plan? diba partner in crime tayo?" parang biglang nagtatampo pa.

Medyo nakahinga ako ng maluwag, Mukhang medyo naniniwala na siya sa akin.

"At first syempre ayoko aminin o malaman mo na pumalpak yun unang plano ko, kaya ng nakaisip na ko ng back up plan ay hindi ko muna ininform sa'yo hanggang wala pang progress...balak ko naman sabihin sayo sooner or later hanggang sa naabutan mo na kami ni Louise kanina." I think i deserve an award sa acting ko.

She smirked.

"Wow that plan is just so evil, it's just so so you. bilib na talaga ako sa iyo Frances, imagine naisip mo akitin ang gf ng ex mo para lang maghiwalay sila. That is so brilliant!" tuwang sabi nya.

"Wala ka kasi bilib sakin." sabi ko na best actress na tono.

"Alam mo ba nakahinga na din ako ng maluwag, akala ko kasi kanina may namamagitan na sa inyong dalawa." biglang napalitan ng worryness ang boses nya.

Parang nabunutan ako ng tinik nang nakita ko na naniwala na sya sa mga sinabi ko, but a part of me felt bad for lying to her. Kasi naman hindi pa kasi ako ready ipagtapat at malaman nya yun.

"Of course not, last time I checked I'm still straight as a pole." in my I'm-so-damn-sure tone... I mentally rolled my eyes..yeah right Frances.

"Good to hear that girl." nakasmile na sabi nya bago ako niyakap.

Guilt ang naramdaman ko sa oras na yun. Naisip ko si Louise, alam kong kakamuhian nya ko oras na malaman nya yun mga sinabi ko kay Amanda.

"Hey guys uuwi na daw tayo." si Enzo yun papalapit sa amin "At last, I'm dying of boredom here." dugtong pa nya.

"Ok , lets go." aya ko kay Amanda, nauna na ko naglakad palapit sa nag aanatay na parents namin.

Palihim na hinanap ng mata ko si Louise. Nakita ko siya malapit sa exit katabi ng Dad nya, halata sa mukha nya ang pag aalala.

Nagpaalam muna kami sa birthday celebrant at iba pang guests bago sabay sabay na papunta ng exit.

Napansin ko si Louise na papalapit sakin.

"Frances...." mahinang tawag nya sakin at tipong aabutin ang braso ko.

"Don't .." yun lang nasabi ko sa kanya habang umiwas sa paghawak nya sa akin at patuloy pa din na naglakad.

Hindi nya na ako tinangka pang habulin o kausapin. Sabagay mas mabuti na din yun.

Nagpaalam na ako sa mga friends ko bago pumasok sa van, nauna na sa loob sina Dad.

Sumakay na ako bago napasandal sa head rest ng sasakyan. Parang pagod na pagod. Pagod ang isip at puso.

Hangang hindi ko namalayan nakatulog na ko.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon