Chapter 5

68.2K 1.4K 236
                                    


Frances P.O.V.

Mabilis lang dumaan ang weekends, sa umaga pumunta lang ako ng school para sa cheerdance practice namin nina Amanda.

Hinayaan ko muna siya mag instruct sa routine namin kasi wala pa din ako mood dahil sa nangyari kahapon.

"Girl ok ka lang ba dyan, kanina ka pa tahimik ah?" tanong sakin ni Amanda habang umiinom ng bottled water. Kakatapos lang ng practice at kasalukuyan kaming nakaupo sa bench ng gym.

"Ok lang naman, madami lang ako naiisiip, about dito sa steps and routine natin, projects sa school..tapos naiisip ko pa si Migs, dumaan nga sya samin kagabi kaso wala ako." nagbukas ako ng coke in can bago ininom.

"Oh really, where were you then?" Nagtatakang tanong nya. Hindi ko kasi nasabi sa kanya na natuloy ang pagkikita namin ni U.C. para gumawa ng "project". Bumalik na naman sa alaala ko yun halik na nangyari kagabi. Wala sa loob na napahawak ako sa labi ko.

"Frances?" hinihintay pala nito ang sagot ko.

"Ahh hmmm...nagkita kami ni Louise, you know magpartner kami sa project diba, we discussed lang yun outline ng gagawin namin." mabilis na paliwanag ko.

"Ahh yeah...that girl Louise Lavapiez? So close na kayo now? I thought you didn't like her cause shes like a threat to your popularity?" Alam kasi niya na inis ako sa babae na yun, lalo na mukhang magiging kalaban nya pa sa pagiging Queen bee ng school.

"Of course not!" depensang sagot ko. "Kinikilala ko lang ang kalaban ko, para alam ko kung pano sya pababagsakin. You know.." paliwanag ko pa.

Tumingin siya sa akin at ngumiti "That's my girl, hindi lang kagaya nya ang tatalo sayo. So what did you find out? Did she get bitchy on you and you guys went physical? " Natatawang sabi nya.

Alam kasi nya may ugali ako na maging physical lalo na pag bitchy din ang kaharap ko. Like nun last year, isang co-junior student ang nagkakalat ng masamang balita sakin. Sa inis ko pinuntahan ko sya sa classroom nya saka sya pinalo ng thick history book sa ulo. Ayun ang laki ng bukol.

How physical nga yun nangyari sa samin ni Louise? Kung alam lang nya ..

Kinabukasan, Sunday, nagstay lang ako sa bahay maghapon. nanood ng movies, katext ang mga friends ko at nag aantay baka sakali mapadaan si Migs..kaso wala eh. Baka busy, dinalaw siguro yun lolo niya sa hospital.

Naisip ko itext si Louise pero ano naman ang sasabihin ko?

Uy kamusta kana .. nagenjoy ako sa "kissing session" natin last time.

Ewwww ang awkward naman nun.

Pero madalas ko pa din maisip yun maamo nyang mukha, at yun nangyari sa amin. Sobrang bilis kasi ng pangyayari. Hindi ko pa nga alam pano ako kikios sa harap nya bukas. Play it cool na lang siguro, yun parang walang nagyari.

Maaga ako nagising kinabukasan, hindi ko na inantay tumunog ang alarm at bumangon na ko. Mabilis ako naligo, nagtoothbrush, at nagpatuyo ng mahaba kong buhok. Nagsuot ng uniform, nagpowder at nglagay ng lipgloss. Nacheck ko na din ang mga gamit ko at mabilis na bumaba.

Nakahain na si manang ng breakfast pagbaba ko. "Manang si Dad?" tumusok lang ako ng hotdog saka kinagat.

"Naku señorita maaga po umalis, may grand opening ata restaurant sa bayan imbitado sya for ribbon cutting." inabot sakin ni Manang yun allowance ko, binulsa ko saka ako lumabas.

Nag aantay na yun driver paglabas ko, pinagbuksan ako ng pintuan ng van saka ako pumasok.

I checked my phone, ang dami ko pla messages.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon