Chapter 46

41.1K 956 162
                                    

Frances P.O.V.

"Tulungan mo ako makaalis dito at makabalik ng Manila."

Nagulat sya sa narinig at tila nag iisip.

"Please Matteo....ayokong pilitin nila akong magpakasal kay Migs." nagmamakaawang sabi ko. Wala na akong ibang choice kung hindi umalis sa lugar na ito. Kung hindi lang naman dahil kay Dad ay wala sana ako dito, hindi ko kasi alam na may iba palang pinaplano si Mommy pagpunta namin dito.

"I don't know Frances...i think you should talk to your parents first." naiiling na sagot nya.

"Narinig mo naman ang sinabi ni Mommy kanina diba?" Kailangang makumbinsi ko siya, wala na ako maisip na ibang pwedeng tumulong sa akin. Ayoko naman papuntahin si Louise dito para tulungan ako, ayokong madamay o mapahamak pa sya. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan nya.

Hindi ko din kasi alam kung anong pwedeng gawin ng parents ko sa kanya, lalo na hindi pa din tanggap ni Mommy ang relasyon naming dalawa.

Tahimik lang si Matteo, halatang nagdadalawang isip pa din.

Pakiramdam ko tuloy ay parang hopeless na makaalis pa ako dito.

"Ok...salamat na lang kung hindi mo ako matutulungan, mag iisip na lang ako ng ibang paraan para hindi nila ako pilitin na magpakasal sa taong hindi ko gusto." tumayo na ako para pumasok sa kwarto ko.

Nakakailang hakbang na ako ng—

"Ok...Ok Frances, i'll help you.." narinig kong sabi nya.

Nagliwanag ang mukha ko at mabilis akong lumingon "Are you sure..??" sabi ko habang naglalakad palapit at naupo ulit ako sa tabi nya.

"Actually, hindi ako sigurado...pero hindi ko ata maatim na maging miserable ang buhay mo at wala akong ginawa para tulungan ka."

"Salamat Matteo..." parang nabunutan ako ng tinik. Mabuti kahit paano ay may kakampi na ako.

"Pero sa isang kundisyon..."

Mabilis akong napatingin sa kanya "Ano yun?"

"Sabihin mo muna kung sino ang Louise na tinutukoy ng Mommy mo.."

Natigilan ako ng marinig ang sinabi nya, sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo? Paano kung hindi nya din maintindihan ang relasyon namin ni Louise?? Baka biglang magbago ang isip nya at hindi na ako tulungan pa.

Tila nabasa naman nya ang iniisip ko "Don't worry, tutulungan pa din kita kahit malaman ko na kung sino sya sa buhay mo."

"Si Louise ay...ay..." umiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya sa sasabihin ko.

Nakatingin lang sya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Louise is my girlfriend." at seryoso akong tumitig sa kanya.

"What do you mean girlfriend? ....You mean..??" halatang nagulat sya.

"Yeah, i'm a lesbian..." pinilit kong ngumiti. Hindi ko naman kinakahiya kung ano ako at ang relasyon namin ni Louise.

"Whoa...Frances, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko akalaing—"

"Ako din naman, hindi ko inexpect na maiinlove ako sa kapwa ko babae. But guess what? Hindi ako nagsisisi at masayang masaya ako sa kanya."

"Kaya pala obvious na ayaw na ayaw sa kanya ng Mommy mo.."

"Hindi nila matanggap kung ano talaga ako at yung ang kinakasama ng loob ko. Iniisip pa din nila, lalo na ni Mommy na magbabago ako kaya pinipilit niya ako kay Migs...Pero hindi eh, kahit anong gawin ko ay si Louise lang ang nilalaman nito."

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon