Chapter 17

66.1K 1.4K 113
                                    

Frances P.O.V.

Kinabukasan nagreready na kami para sa 3 days and 2 nights swimming namin sa Batangas, sa rest house nina Tiff kami magstay.

Dinala ko yun sexy 2-piece black bikini ko and iba pang important things.

Yun Grandia nina Nathan ang dadalhin namin para isang sasakyan na lang kami.

4am pa lang ay lumakad na kaming 8, of course kasama din si Migs and Louise.

"Close na kayo ni Louise, how come diba gf sya ni Migs"? Bulong sakin ni Tiff habang nasa byahe kami.

Ang nasa unahan ang driver na si Nathan at katabi si Enzo, sa likod nila kami ni Louise, ako at si Tiff. Sa likod namin naupo sina Amanda, Migs, at Tracy. Gusto nga ako tabihan ni Migs kaya lang mabilis akong hinila ni Louise sa tabi nya.

"Louise is...let's just say, somehow interesting. And I found out na parents lang pla nila ang may gusto na magkaroon sila ng relasyon." sagot ko sa kanya na pubulong din.

Kasalukuyan natutulog si Louise, nakahilig sya sa balikat ko.

Super adorable kanina ko pa nga gusto ihug at ikiss.

Shes wearing a khaki short and white shirt. Kahit ano ata isuot nya ang bagay sa kanya at ang sexy pa din nyang tignan. Kagaya ko, for sure nakasuot na din ang 2-pc bikini nya sa loob.

Kagabi kasi napuyat kami dalawa sa kakatelebabad, wala naman kami ginawa kundi magkulitan.

Nagrequest ulit ako na kantahan nya ko kagabi, kinanta nya sakin yun "I miss you" ng Klymaxx.

Ang ganda ng boses nya kaya super kilig ko kagabi. Habang tumatagal ay mas lumalalim yun feelings ko sa kanya.

Alam ko naman na ganun din ang nararamdaman nya. Naalala ko yun isang part ng song sabi dun "I miss you, there's no other way to say it and I can't deny it," o diba miss nya na ako agad kahit araw araw kami nagkikita at nagkakasama. Ang sweet nya.

Nilinga ko si Tiff sa tabi ko tulog na sya, pati sina Enzo at yun mga nasa likod ko tulog. Kaya naisipan ko na pasimpleng nakawan ng halik ang "Mine" ko.

Tsup!

Isang panakaw na smack na mabilis.

Nakahilig pa din sya sakin at naramdaman nya siguro yun ginawa ko kaya medyo napadilat sya at nagsmile.

Halos matunaw naman ang puso ko sa kilig.

4 hours ang byahe namin. Nang nakarating na kami sa Batangas ay ginising ko na sina Louise at Tiff.

Binaba na namin yun mga gamit namin at pumasok sa loob ng rest house.

Malaki ang rest house nina Tiff, up and down na may 4 kwarto at 2 bathroom.

Kumpleto sa gamit, may tv, ref, microwave, pati supplies kumpleto din.

Mabilis ko hinila si Louise sa isang room, gusto ko na kami 2 ang magtatabi.

Dala dala nyun mga gamit namin binuksan ko ang unang room na nakita ko. May king size bed sa gitna ng kwarto, may malaking dresser at may sarili din toilet. Pumasok ako saka humiga sa kama, nakakapagod din yun byahe.

Ibinaba ni Louise ang bag namin saka sya tumabi na humiga sakin. She intertwined our hands while staring at me.

"Sarap ng tulog mo kanina, tumulo pa nga laway mo." Pagbibiro ko sa kanya.

"Haha funny. Yun isa nga dyan nagnanakaw pa ng halik. Akala nya hindi ko alam." sagot naman niya while smiling knowingly.

"Ah ganun ha.bakit ayaw mo ba? Sige dun ka na sa boyfriend mo magpakiss!" kunwari'y nagtatampo ako. Inalis ko din pagkakahawak nya sa kamay ko.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon