Chapter 23

56.7K 1.1K 106
                                    

Frances P.O.V.

Medyo kabado ako naupo sa gilid ng kama. Nakatungo siya ng nagsalita.

"Nakausap ko na ang parents mo France." seryosong sabi nya bago tumingin sa akin.

Tahimik lang ako naghihintay ng sunod na sasabihin nya.

"Nagpaalam ako na liligawan ulit kita.."

"Migs.." nagulat ako sa sinabi niya, although I expected this before. Kasi kung dati ko pa narinig sa kanya yun baka nagtatalon na ko now sa tuwa... pero iba na kasi ngayon at hindi ko alam kung maibabalik ko pa yun dating sa amin o yung dating ako.

"Alam ko na ako yun nakipagkalas sa iyo dati, pero iba na ang situation natin ngayon at nag iba na din ako. Patutunayan ko na kaya na kitang ipaglaban, pati ang magiging relasyon natin." madamdamin na sabi niya bago nya hinawakan ang magkabilang kamay ko.

Pati ako nag iba na din Migs, hindi na ko ang dating Frances na kilala at minahal mo before..yan ang sigaw ng isip at puso ko.

"Migs kasi-"

"Alam ko nasaktan kita before noong umalis kami, but I can assure you now na hindi na yun mangyayari, hindi na kita sasaktan.

If you just give me another chance..." halos nagmamakaawa na yun boses nya, medyo shaky at akala mo yun tipong maiiyak na.

Tinitigan ko ang gwapong mukha nya, ang mukha ng lalake na dati kong minahal...I still care for him parang hindi ko siya kayang saktan.

I removed my hand from his hold and I slowly touched his face, his eyes were showing pure sincerity. Paano mo magagawang saktan ang taong alam mo na simula pa ng maliliit kayo ay minahal at inalagaan ka na?

No I can't do it.

Naiiyak na naman ako, awa at guilt ang nararamdaman ko.

Pero bigla din pumasok sa isip ko si Louise, pati ang mga masasayang pinagsamahan namin Batangas.

Hayy. Ang hirap ng sitwasyon ko, ano ba 'to napasukan ko?

"France?"

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Pwede ba pagisipan ko muna, iba na kasi situation natin now. Ayoko masaktan muli at alam ng lahat may girlfriend kana." paliwanag ko sa kanya.

Ang tanga tanga mo Frances! Bat hindi mo na lang sabihin sa kanya na wala ka ng nararamdaman sa kanya? Wag mo na sya paasahin.

Ayan na naman ang sigaw ng konsensya ko.

Napangiti siya sa narinig, naging maaaliwalas na ulit ang mukha nya.

"Thanks France, atleast you didn't shut me out. I promise you gagawin ko ang lahat para bumalik uli ang tiwala at pagmamahal mo sa akin." pangako nya at mukhang seryoso siya dito.

Napangiti ako ng pilit.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya baka daw pagod na ako at gusto ng magpahinga.

Pagkahatid ko sa kanya sa labas ay bumalik ulit ako sa kwarto at nahiga sa kama. Parang nanghina ako sa nangyari kanina.

Ano na ba ang gagawin ko?

Ayoko paasahin si Migs....ayoko din naman siya saktan. Pero alam ko naman na masasaktan din sya eventually pag nalaman nya ang totoo...hayyy ano ba talaga?

Eh yun samin ni Louise, ano na ba kami? Magkarelasyon na ba kami? Alam ko she cares for me and she likes me and I feel the same way too but we're not yet official...

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon