Chapter 36

40K 906 70
                                    

Frances P.O.V.

Amanda invited them? But why? Close na ba sila?

May pagtatakang tumingin ako kay Amanda..pero hindi man lang sya sumulyap sa akin, dineadma lang ako. She told Nathalie and her friends na kumain muna saka niyaya palapit sa table ng pagkain.

Tumingin ako kay Migs na nakaupo sa kabilang table but he just shrugged. Mukhang wala din syang idea sa ginawa ni Amanda.

What is happening? Tama bang kumampi na sya sa mga taong kinaiinisan ko?

Ang daming tanong na naglalaro sa utak ko. Kailangan kong makausap ang bestfriend ko. Pero paano busyng busy sya sa pakikipag usap kina Nathalie sa kabilang table.

Tinignan ko ng masama si Nathalie..kahit kailan ka talagang babae ka. Kailan ka ba mawawala sa landas ko? Isa kang malaking tinik sa lalamunan ko.

Napansin ko din si Tracy na masama ang tingin kay Nathalie..oo nga pla naging item sina Enzo and Nathalie kailan lang noong nasa Batangas kami.

"Mine, ok ka lang ba dyan?" Pukaw sa akin ni Louise..napansin nya siguro na kanina pa ako tahimik.

"Paano ako magiging ok kung nandito yang witch na yan tapos ang bestfriend ko pa pala ang dahilan kaya siya nandito!" nahihigh blood na ako. Uminom muna ako ng tubig, parang natuyo bigla ang lalamunan ko.

"I have to talk to Amanda later, I have to know what's going on." sumulyap ulit ako sa direksyon nina Amanda at Nathalie. Parang close na sila kung mag usap, tila nagtatawanan pa ata.

"You better be..masyado ka na kasing bothered dyan." concern na sabi nya. Hinawakan pa nya ang kamay ko bago pinisil, bumalik ang tingin ko kay Louise saka gumanti din ng pisil.

Nang napansin ko papasok na ng bahay ang bestfrined ko, baka pupunta ng Comfort room. Nagmamadali akong tumayo, nagpaalam kay Louise saka hinabol si Amanda. Naabutan ko na sya sa may entrance ng bahay nina Migs.

Hinihingal ko syang tinawag "Amanda!" Napalingon siya sa akin, saka ko sya hinila sa loob ng bahay.

Habol ang hiningang tinignan ko sya, luminga muna ako para matiyak na walang ibang tao sa paligid.

"What's happening? Bakit mo sila ininvite and kailan pa kayo naging close ni Nathalie?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanya at hawak sya sa magkabilang balikat nya.

"Oh well, after you abandoned me because of your new-found-friend, I met a lot of other people..isa na doon si Nathalie and her friends." sagot nya habang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa balikat nya.

Gulat na napatitig ako sa kanya. I didn't know na may sama na pala siya ng loob sa akin.

"No I didn't abandon you... are you mad at me?" Hoping she would say no.

Pero bago pa siya makasagot ay may nagsalita.

"Hey Amanda tara sayaw tayo sa labas." isa sa mga kaibigan ni Nathalie, I think her name is Lea. Hindi ko namalayan na katabi na pala namin sya. Masyado kasi akong engrosse sa pinaguusapan namin.

"Can't you see we're talking?" Asik ko sa kanya, walang manners ang babae na to na bigla na lang sisingit sa may nag uusap. Bumangon ang inis ko sa dibdib.

"Come on Lea..we're done talking Frances." tumalikod na sa akin si Amanda bago hinila na palabas si Lea.

Naiwan akong nakatulala. Hindi ako makapaniwala na iniwan ako ng bestfriend ko. Hindi ko alam na malaki na pala ang sama ng loob nya sa akin.

Parang gusto ko maiyak. Importante sa akin si Amanda, matagal na kami magkakilala. Madami na kami napagdaanan together at feeling ko I'm slowly losing her.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon