Chapter 33

47.9K 951 28
                                    

Louise P.O.V.

Mabilis lumipas ang ilang linggo..pagkatapos ng ilang araw na therapy ay naging normal na ulit ang pagkilos at paglakad ko.

Ang sugat sa tiyan ko ay unti unti na din naghilom..nakabalik na ko sa school.

Naging usap usapan sa school ang nangyari pagkakabaril sa akin pati ang pagkakahuli kay Leila. Tumagal din ng ilang linggo ang usap usapan sa amin pero ng magkaroon na ng ibang topic na pagtsismisan ay unti unti din nila nakalimutan ang balita about sa amin.

Bumalik na din sa normal ang lahat. Masaya ulit kami magkasama ni Frances araw araw..sabay kami lagi pumasok sa school. Ako na sumusundo sa kanya sa bahay nila.

Naging busy din si Frances sa pag prepare ng nalalapit nya na debut. Kahit ang Mom nya ang punong abala ay hindi din naman sya makakapayag na wala syang say sa debut nya, like yun motif or theme, decorations, mga gowns na isusoot nya at ang souvenirs.

Malapit na din kasi, ilang weeks na lang. Syempre invited mga friends namin atilang kamag anak nya. Invited din maging si Alexis.

Ayaw nya kasi ng maraming bisita o magarbo, gusto nya medyo intimate ang dating.

Powder blue ang napili nyang motif, ang location sa malawak nilang lawn..nakahanda na din ang 3 damit na pagpapalit palit nya suotin. Pati nga yun gown na isusuot ko ready na din, si Frances mismo ang pumili nun. Ang sweet nya diba?

Kasalukuyan kami nasa loob ng kotse ko on the way na sa school.

"Mine excited ka na ba sa birthday party mo?" Pukaw ko sa kanya. Tahimik din kasi nya mukhang may malalim na iniisip.

"Ok lang naman..." maikli nyang sagot. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana.

"What are you thinking? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ko sa kanya, saglit akong lumingon sa kanya bago binalik ang tingin ko sa daan.

"Mine out of town naman tayo...tayong dalawa lang, sa mga nangyari ng mga nakaraang buwan gusto ko muna ng break..masydo kasi traumatic yun nangyari." malungkot na sabi nya.

Hinawakan ko muna ang kamay nya bago ako concerned na sumulyap sa kanya. "Sige Mine pag usapan natin later.." sabi ko dahil naiintindihan ko naman ang nararamdaman nya ng oras na yon, kahit ako naman hindi pa masyadong nakakamove on sa nangyari. Masyado kasing traumatic at dahil muntik na akong mamatay noon.

Pagdating namin sa school ay sabay na kami bumaba ng kotse and guess who kung sino ang nakita namin nag aabang? Si Nathalie.

"Louise I've heard what happened..I'm glad you're ok now." salubong nya sakin sa may parking area. Sa expression ng mukha nya akala mo ay talagang concerned sa nangyari.

"6 weeks ago na yun nangyari masyado ka na ata huli sa balita." taas ang isang kilay na pagtataray na sabi ni Frances.

"Frances.." saway ko sa kanya, hanggang ngayon mainit pa din ang dugo nya pagdating kay Nathalie..inirapan nya lang and she crossed her arms.

Alam ko iniisip nya na baka si Nathalie ang nagtsismis about sa amin kay Leila kaya nagkaidea ito na may something sa amin dalawa ni Frances. Kilala ko naman si Nathalie..I'm sure hindi nya magagawa yun sa akin.

"Ok naman ako..thanks for your concern.." l said and I just gave her a soft smile.

Frances rolled her eyes saka inis na tumalikod para mauna ng pumasok ng classroom.

Mabilis ako nagpaalam kay Nathalie bago patakbo kong hinabol ang gf ko.

Wow GF ...ang sarap naman ulit ulitin sabihin.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon