Chapter 2: Something happened

8.9K 149 23
                                    

M A Y      2 6        2 0 1 7
---------------------- 💎 ----------------------

Amber's Point Of View

Wala akong pasok ngayon for unknown reason. Pero yung dalawa kong kaibigan ay pumasok. Kaya nandito ako ngayon sa apartment namin, bored na bored.

I decided to go out. Kailangan ko talagang aliwin ang sarili ko dahil baka mabaliw ako mag-isa dito. Kinakausap ko na nga yung tv at yung mga libro ko eh.

Mahirap na at baka lumala pa ako.

Nagbihis ako ng simpleng dress at kaagad kinuha yung car key ko. Dalawa yung car namin at iniwan na nina Monique yung isa saakin in case daw na may lakad ako today.

Bahala na kung saan ako mapapadpad.

OoooOoooOooo

I felt my phone vibrate kaya kinuha ko kaagad yon sa purse ko.

From: Monique
Hey, it's Andrea's birthday today. Come over! Dito sa bar nila.

To: Monique
What time?

From: Monique
9:30 pm

To: Monique
Okay. I'm at the mall. I guess I'll buy her gift na lang dahil nakakahiya naman kung pupunta tayo dun ng walang dala.

From: Monique
Okay!

Hindi na ako nagreply dahil kapag ginawa ko yun ay hindi na mapuputol pa. Madaldal kasi yang bespren ko.

Nagpunta na ako sa isa sa mga boutique dito para bumili ng ipagreregalo ko. Hmmm...

Ano ba ang bibilhin ko para dun?

She already have lots of dresses, shoes and bags. Ano pa ba ang wala sa kanya? Hay.... Bahala na kung anong makita ko.

OoooOoooOooo

I'm on my way to Andrea's bar. It's already 10 o'clock PM. Oo, late na ako ng super. Binaha na nga ako ng text messages nina Nico at Monique.

Finally, nakarating din ako sa paroroonan ko. Kaagad kong kinuha yung gift na pinawrap ko na kanina sa mall then kinuha yung purse ko and patakbong pumasok dun sa bar.

Tinanong saakin nung receptionist kung anong pangalan ko at madaling-madali ko namang sinagot.

"Okay na, Ma'am..." Ugh! Malalagot nanaman ako sa mga kaibigan ko for being late. I hate this!

"Sorry I'm late!" Yan kaagad ang sabi ko nang marating ko ang table nila.

"It's okay. Sanay na kami sayo, Amber." Napasimangot naman ako.

"Maupo ka na nga gurl. Para kang hinabol ng sampong aso." Natatawang sabi ni Nico kaya inirapan ko siya.

Kaagad ko namang nakita si Andrea na naglalakad palapit saamin.

"Happy birthday, Ands!" Niyakap ko siya at inabot yung gift naming tatlo.

"Wow! Nag-abala pa kayo. Thanks anyway!" Ngumiti lang ako.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now