Chapter 38: broken

5K 82 16
                                    

A U G U S T       1 1       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Medyo kinabahan ako dahil sa sinabi ni Calvin. Nagdalawang isip pa akong pumayag at sabihin na marami akong ginagawa kahit wala naman talaga. Kaso, um-oo na ako sa kanya. Wala ng bawian.

"Leo, labas muna ako ha? Ikaw muna bahala dito." Nag-okay sign lang naman saakin si Leo dahil masyado siyang busy sa laptop niya kaya tumalikod na ako't lumabas ng building.

Kapag ganyan ang kinikilos ni Calvin, kinakabahan na ako kaagad. Sa tono pa lang ng boses niya kanina, ramdam ko na may problema na.

Kaagad ko namang tinawagan si Yaya.

"Ya, kamusta si Uno?" Tanong ko sa kanya. Baka naman tungkol kay Uno. Bakit hindi man lang ako tinawagan ni Yaya.

"Ayos naman po siya, Ma'am. Naglalaro po sila ni Austin dito kina Ma'am Ira." Sagot niya. Medyo napanatag naman ako at kaagad na nagpaalam kay Yaya.

Kung hindi tungkol kay Uno, panigurado namang hindi din tungkil sa kumpanya niya dahil alam niyang wala naman akong alam tungkol aa mga aircraft o airline na yan.

Ibig sabihin lang niti ay personal itong problema niya.

Paksyet talaga ang lalaking yun! Hindi ba siya aware na masyado niya akong pinapakaba?

Pagdating ko sa building ng kumpanya niya ay humugot muna ako ng buntong hininga. Nandito na ako. Malalaman ko na kung ano ba ang problema niya.

Naging nerbyosa na rin ako mula nang makasama ko na si Calvin. And I hate that.

Pagdating ko sa receptionist ay kaagad naman nila akong pinapasok dahil ineexpect daw ako ni Calvin.

Pagdating ko sa floor kung saan ang opisina niya ay kaagad kong nakita si Trey na nakakunot ang noo. Nabaling saakin ang paningin niya kaya napansin ko ang panic sa mga mata niya.

"Trey, anong problema?" Lakas loob kong tanong sa kanya.

"U-uhm, Amber, pasok ka na lang sa loob. Hinihintay ka ni Calvin." Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan ni Calvin bago naglakad at nilampasan ako.

So, mukhang malaki ang problema kaya ganito sila kumilos?

Dahan-dahan akong pumasok sa opisina ni Calvin. At ang unang beses na nakita ko ay isang babaeng umiiyak habang nakaupo sa harapan ng desk ni Calvin. Sunod ay si Calvin mismo na nakaluhod sa harapan ng babae habang pinapatahan ito.

Naguguluhan ako.

"W-what's this?" Nauutal kong tanong sa kanila. Napalingon sila pareho saakin at kaagad namang tumayo si Calvin para lapitan ako.

"Amber.." Sinubukan niya akong hawakan sa kamay pero kaagad akong lumayo sa kanya.

"Ano to, Calvin? Who is she?" Tanong ko sa kanya. Ramdam ko na nanginginig ang kamay niya na lalong nagpakaba saakin.

May namumuong ideya sa utak ko na ayaw kong paniwalaan. Gusto kong isipin na napaparanoid lang ako. Ngayon ko lang hiniling na sana mali ako. Sana mali ang iniisip ko.

"She's Genny, an-and," A long pause before he heaved a sigh. "And she's pregnant, with my child." Nabingi ako bigla. Parang tumigil ang lahat. Tanging ang pagkawasak lang ng puso ko ang naririnig ko.

Kung kanina hinihiling ko na sana mali ang iniisip ko. Ngayon, mas gusto ko na lang na sana panaginip na lang ito. Sana binabangungot lang ako at gigisingin din ako kaagad ni Calvin at sasabihing hindi totoo ang bangungot na ito.

he's my daddy?! // knحيث تعيش القصص. اكتشف الآن