Chapter 64.5: reasons

6.1K 101 35
                                    

N O V E M B E R      1 0       2 0 1 7
ready na kayo malaman
side ni Calvin?
don't hate him naaaa.
Hahahahaha!
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

"Ang hina talaga ng diskarte mo, tol. Tsk tsk tsk." Umiiling na sabi ni Trey saakin. Nandito kami ngayon sa bahay ko at kasama ko silang lahat. Busy sina Uno at Dos makipaglaro kina Austin at Gino na anak nina Ira at McCoy. {ehem}

"Paano ko naman uumpisahan yun kung ako nga mismo ang nagtapos?" Nakakunot noong tanong ko sa kanila tsaka kinagatan ang barbaque na tira ni Dos kanina.

"Ipaliwanag mo kasi sa kanya ng maayos, tol. Wag kang bading." Natatawang sabi ni Yule kaya kaagad ko siyang inambahan ng suntok.

"Sinong bading ha?" Maangas kong tanong sa kanya. Kaagad naman niyang tinuro si Trey.

"Siya. Wala kasing girlfriend to eh. Bading." Natatawang sabi niya kaya nag-umpisa nanaman silang magbangayan ni Trey.

"Wala akong girlfriend dahil ayaw ko ng sakit sa ulo, tol. I love being single. I got to buy everything I want, I got to do everything I want without someone who will nag at me. And, I can have all the hot girls anytime I want." Dinig kong sagot ni Trey kay Yule.

"Alam mo bro, tama ka dyan eh. Hindi nakakasakal noh?" Pagsang-ayon naman ni Leo. Oo tama, kasama namin ang sekretarya ni Amber. Naging malapit na rin kasi kami sa kanya dahil kadalasan, sa kanya ko tinatanong si Amber.

"Ayaw niyo bang maranasan ang may asawang inuuwian ha?" Tanong ni McCoy tsaka kinuha ang isang bowl ng mixed nuts sa lamesa.

"No need. Marami akong babaeng pwede uwian. Honestly, I still don't want to settle down." Nakangising sabi ni Trey na kaagad namang binato ng mani ni McCoy.

"Mabalik nga tayo kay Calvin, ano na ba ang plano mo tol?" Tanong saakin ni Yule.

"Actually, wala pa. Basta ang alam ko lang ngayon, masaya akong kasama ang mga anak ko every Sunday." Sagot ko tsaka pinagmasdan si Uno at Dos habang nagtatawanan.

"Kuntento ka na sa ganun, tol?" Tanong naman ni Leo saakin. Uminom muna ako ng iced tea bago siya sinagot.

"Oo naman. Okay kami ni Amber at okay din naman kami sa pamilya namin." Sagot ko. Ewan ko ba pero sa kaloob-looban ko, sana hindi na lang pala kami pinahintulutan ng mga magulang namin na maghiwalay. Sana tumutol na lang sila.

"Nakukuntento ka na sa panonood sa kanya mula sa malayo, Kapitan Jetblack?" Napapailing na tanong ni Trey sabay hablot ng mixed nuts kay McCoy.

"Oo." Maikling sagot ko sa kanya.

"Matanong nga kita, Calv, when is the last time you had s-ex with a woman?" Napangisi ako nang dahil sa tanong ni McCoy.

"Kailan nga ba kami huling naglambingan ni Amber?" Napaisip ako saglit. Tagal na rin pala. "Nah, can't remember." Napapailing na sabi ko. Kaagad ko namang naramdaman ang pagbato saakin ng mani ni Trey at pare-pareho silang humiyaw.

"Ang hina mo talaga, tol. Isipin mo, natagalan mo ang walang kinakama for how many years? Pshhh boring!" Natatawang sabi naman ni Yule na akala mo talaga ay parating may naiuuwing babae sa condo niya.

"You should get back to Amber, tol." Tinapik ako sa balikat ni McCoy.

"And for what? S-ex?" Natatawang sabi ko tsaka umiling. "No thanks." Pagpapatuloy ko. Hindi lang naman iyon ang habol ko kay Amber.

"Of course not! We knew you're still into her, bro. Alam mo, kung noon pa man ay ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat, edi sana maayos na kayo ngayon." Uminom si Yule sa baso niya. Saglit sumagi sa isip ko ang araw ng paghingi ko ng annulment kay Amber.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now