Chapter 21: back to Manhattan

6.3K 112 12
                                    

J U N E       1 9      2 0 1 7
hulaan bat may ud
ngayooon hoho
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Paalis na sina Calvin dito sa bahay. Ayaw pa nga niya dahil gusto pa daw niya kaming makasama kahit ilang oras pa.

"Why don't you just stay here for tonight, Calvin?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Daddy.

"Dad!" Bulong ko sa ama ko.

"What? Aalis na kayo bukas ni Uno. Why not just let Calvin stay with you guys tonight. What do you think, Uno?" Baling naman niya kay Uno na may abot tengang ngiti na ngayon.

"I would love that, Lolo'ddy!" Sagot pa niya na lalong ikinatuwa ni Calvin.

"Cool. So, spend the night with Amber and Uno, Calvin. Doon ka na matulog sa room nila. And besides, we have our flight later. Mas mapapanatag kami kung ikaw ang kasama nila dito sa bahay." Napapikit na lang ako saka bumuntong hininga dahil sa sinabi ni Daddy.

Oo nga pala, mamayang 1 o'clock ng umaga ang flight nila papuntang Vancouver. Walang maiiwan saamin.

"Thank you, Tito Kenneth!" Tuwang-tuwa talaga su Calvin.

Ugh!

Makakasama ko nanaman siyang matulog for the second time.

Teka, second time nga lang ba?

Aish! Ewan!

Tuluyan ng nagpaalam saamin sina Tita Casey at Tito Nikko.

Umakyat na rin naman sina Mommy at Daddy dahil mag-aayos pa daw sila ng gamit na dadalhin nila para sa business trip nila. One month ang business trip nila kaya hindi rin makakasama saamin si Mommy sa Manhattan.

"Let's go upstairs, Dad!" Hinila na ni Uno si Calvin paakyat ng hagdan at tumuloy sa kwarto.

Ano nanaman itong pinasok ko?

Goodluck to me!

OoooOoooOooo

"Mabuti na lang talaga at prepared ako. Nagdala talaga ako ng damit ko ngayon." Nakangiting sabi pa ni Calvin. Natutulog na si Uno sa kama namin pagkatapos siyang kantahan ni Calvin.

"Prepared? Ang sabihin mo pinlano niyo nina Daddy ito. Asungot ka talaga eh no!" Hinampas ko siya sa may braso niya. Imbes na dumaing ay tinawanan pa niya ako.

"Amber naman kasi, eh kung pumayag ka na lang na magstay dito, edi mas masaya tayo?" Napahilamos nanaman ako ng mukha gamit ang palad ko.

"Calvin, ang kulit mo talaga." Frustrated na sabi ko sa kanya.

"Marry me, Amber. Let's build a family together. Tho, may anak na nga tayo. Pwede pa naman nating dagdagan." Nanlaki ang mga mata ko saka ko nanaman siya nahampas sa braso niya.

"That was not a good joke." Nakakunot noong sabi ko sa kanya.

"I'm serious, Amber. I want to marry you." Sabi pa nito. Saglit akong napatitig sa kanya. Maya-maya ay naramdaman ko na ang awkward atmosphere sa pagitan namin kaya umiwas na ako.

"Matutulog na ako. Maaga pa ang alis namin ni Uno bukas." Pumihit na ako patalikod saka tumabi kay Uno. Pinatay ko na rin ang lamp na nasa gilid ko at ipinikit ang mga mata ko.

"Good night." Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko bago siya tuluyang nahiga sa kabilang gilid ng kama.

Palihim kong hinaplos ang dibdib ko.

he's my daddy?! // knTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang