Chapter 3: Calvin Natividad?!

6.9K 132 16
                                    

M A Y       2 8       2 0 1 7
----------------------- 💎 -----------------------

Amber's Point of View

Nakarating na kami dito sa apartment namin kaya kaagad akong nagpunta sa kwarto ko. Medyo slow motion nga lang ang paglalakad ko dahil MASAKIT NGA!

"Mukha kang tanga maglakad, Amber. Anyare sayo?" Tanong ni Nico saakin. Umiling lang ako at tuluyan ng pumasok ng kwarto ko.

Sana naman hindi sila makahalata na napakaweird ng kilos ko ngayon. Actually, nawiweirduhan na pala sila saakin. Aish! Sana na lang wag na sila magtanong ng magtanong.

Naligo na muna ako ng mabilisan at nagbihis ng PJs ko. Gusto ko pa matulog since hindi naman na kami papasok.

Bukas na siguro kami makakapasok.

OoooOoooOooo

Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko at bumungad naman saakin ang bedside table ko kung nasaan ang orasan.

2:00 pm

WHAT?!

2:00 na?! Ang tagal naman ng tulog ko! Hindi pa ako nagbreakfast at naglunch! Jusmiyo, Amber!

Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko na kumakain pa lang sina Nico.

"Amber, gising ka na pala. Kumain ka na. Sabay ka na saamin ni Nico. Kagigising lang din namin eh." Ohh...baka nakatulog lang din sila ulit. May hang-over din kasi sila.

Nagpunta naman ako sa kitchen at nakita ang ulam at kanin dun. Wala pa ako sa mood ngayon pero gutom na ako.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ko ay tumabi ako kay Nico. Nakagitna siya saamin ni Monique. Nanonood kami ng tv habang kumakain ng tahimik.

Hindi ako sanay na sobrang tahimik.

May problema ba?

"Guys, hindi me sanay na tahimik. What happened?" Mabuti na lang talaga at nagtanong si Nico.

"Hindi pa ako nakakaget-over sa nangyare kagabe. Chaka parang feeling ko pagod pa rin ako. Iba pa rin talaga yung tulog sa gabi kahit matulog ka buong araw." Bagsak balikat na sagot naman ni Monique.

"Ikaw Amber? Share naman! Hindi na kita napansin kagabi eh. Where ka nga ba nagpunta?" Baling nila saakin. Napatigil naman ako sa pagnguya ko at diretso lunok dun sa kanin.

"Uhh..." Parang nalunok ko yata yung dila ko. I want to tell them about what happened last night. They're my best friends. I should trust them. Hoo! "May nangyare kase..." Nanlaki naman mata ni Monique at Nico.

"MAY NANGYARE?!"

"Anong nangyare?"

OA na tanong nila at inalog pa ako ni Nico.

"Shhh! Patapusin niyo kasi ako. Okay?" Kunwari naman ay zinipper nila yung bibig nila at nagthumbs up.

Kinwento ko lahat sa kanila yung nangyare. As in everything! Mula nung nagpunta ako dun sa may bar. Tapos nung nilapitan ako ni C. Then dun sa vip room. After naman nun ay wala na akong gaanong matandaan. Blur pa lahat ng nakikita ko.

"WHAT?! You had a one night stand with a stranger?" Inilapag ni Monique yung plato niya sa center table. Tinanguan ko naman siya.

"Oh gosh, Amber! Maiintindihan ka namin eh kaso hindi mo man lang kilala yung guy? Jusmiyo anong pinasok mo?" Napasalo pa sila sa noo nila.

"Girl, hindi siya ang pumasok. Pinasukan siya." Binatukan pa ni Monique si Nico.

"Gaga! Ang ibig kong sabihin ay kung anong gusot ang pinasukan niya. Tanga mo porebs." Umirap pa si Nico.

he's my daddy?! // knTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang