Chapter 12: still hoping

6.2K 118 11
                                    

J U N E       0 6       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Nag-umpisa na ang trabaho ko dito sa New York. Dumating din si Mommy kahapon para siya ang umasikaso kay Uno habang nagtatrabaho ako. Siya ang nasa bahay ngayon kasama ang huli. Isang linggo na rin kami dito sa Manhattan ni Uno.

"Engr. Jimenez, Ms. Salazar is waiting for you at the lobby." Dinig kong sabi ng sekretarya ko sa may intercom.

"Tell her I'm on my way." Sagot ko. "Yes, Engr." Sagot niya. Sinarado ko na muna ang laptop ko saka inayos ang suot ko bago lumabas ng office ko.

May project ako ngayon dito sa Manhattan at iyon ay ang bagong branch pala ng bangko ni Monique dito. Kung napapansin niyo, engineer ako. Civil engineering ang natapos ko sa Pilipinas. Pero ako rin ang may hawak sa iilang business ni Daddy. Yung iba kasi ay siya pa rin ang may hawak. Lahat lang ng mga Engineering and Architecture firm niya sa buong mundo ang hawak ko.

Nakarating ako sa lobby ng building namin at nakita ko naman si Monique na prenteng nakaupo sa malambot na couch habang nagbabasa ng magazine at nakakunot pa ang noo.

"Monique." Agaw ko sa atensyon niya. Pinasadahan lang niya ako ng tingin saka ibinalik sa magazine na binabasa niya.

"Hoy Monique!" Kaagad niyang isinarado ang magazine na binabasa niya saka binalik sa lalagyan. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Anong mukha yan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Binabasa mo ba yang mga magazines na nandito sa lobby?" Tanong niya saakin saka na ako hinila palabas.

"Nope. Wala akong time magbasa niyan, Monique." Sagot ko sa kanya.

"Ano ba nakita mo dun at ganyan yang reaksyon mo?" Tanong ko sa kanya.

"W-wala." Nag-aalangan pa siyang ngumiti. Ipinagwalang bahala ko na lang iyon.

Nagpunta kami sa site kung saan itatayo ang bangko niya. Malaki rin kasi ipapatayo nila. Ito ang pinakamalaking branch sa lahat ng branch nila sa buong mundo.

Inexplain muna ng architect yung ginawa niya saka ako nagsalita. Magaan naman katrabaho si Walter. Siya ang architect na katrabaho ko mula pa nasa London kami.

"In three days, ipepresent niyo to sa board members." Sambit ni Monique. Tinanguan naman namin siya.

After nun ay umalis na rin kami dahil tumawag si Mommy saakin at hinahanap daw ako ni Uno.

Mabuti na lang at tapos na rin ang trabaho ko para sa araw na ito. Hindi naman kasi malayo ng matagal saakin si Uno. Sinasabi lang niya na big boy na siya pero hindi naman niya kayang mawala man lang ako sa paningin niya.

Nang makarating ako sa bahay namin ay sinalubong naman niya ako habang namumula ang kanyang mga mata.

"Oh, what happened to you?" Lumuhod ako sa harapan niya para makapantay ko siya.

"Mommy, I accidentally broke one of my toys." Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya kaya lalo itong namula.

"What toy? May I see?" Umalis naman siya saka bumalik na dala na si Raven.

"Lolo'ddy might get mad at me because I broke Raven." Tinignan ko ang laruan niyang eroplano. Nabali yung left wing.

"Mommy can fix this. Stop crying na.." Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.

"Thank you, Mommy." Niyakap niya ako saka binigyan ng halik sa pisngi.

Kinuha ko sa mga gamit ko ang glue saka dinikit iyon. Madikit naman iyon kaya hindi na mababali pang muli yung isang wing.

"What did you do at nabali yan?" Tanong ko sa kanya saka hinipan kung saan ko nilagyan ng glue.

"I was just playing then I suddenly stepped on it." Nakasimangot niyang sabi. Napatitig ako sa kanya. He looks exactly like Calvin.

Isang bagay na kinakatakot ko kapag umuwi kami ng Pilipinas, malaman kaagad nila na ang ama ni Uno ay si Calvin. Sobraaaa silang magkamukha. Walang duda.

"Done. Be gentle with it muna, okay?" He smiled at me and nodded. "Thanks Mom! You're the best Engineer in the whole world!" Niyakap pa niya ako ng mahigpit kaya natawa na lamang ako.

"Mommy will change her clothes muna. Dyan ka lang ha?" Tinanguan naman niya ako saka naupo sa sahig ng bahay.

I'm sooo exhausted. Gusto ko na lang matulog.

"Hey, hon." Nakasalubong ko si Mommy. Humalik naman ako sa pisngi niya.

"What do you want for dinner?" She asked me. Wala naman akong maisip. Basta ang gusto ko lang ngayon ay matulog.

"Anything, 'mmy.." Sagot ko.

"You look so tired. Ipagtitimpla kita ng gatas mo para mahimbing ang tulog mo." Tinalikuran na niya ako saka nagpunta ng kitchen.

Pumasok naman ako sa kwarto saka naghilamos at nagpalit ng damit.

Calvin's Point of View

"Sir, may lunch meeting po kayo with Mr. Cooper sa Lux Hotel." Tinanguan ko lang ang sekretarya ko saka pumasok ng office ko.

Napakaraming trabaho ang dapat tapusin. I pursued my dream to be a Pilot and at the same time, ako na ang namamahala sa lahat ng pagmamay-ari ng pamilya ko.

I quit show business few months after Amber left. Naisip ko na dapat noon pa ginawa ko na iyon. I have a lot of regrets mula nang umalis si Amber.

Ngayon, wala akong balita sa kanya kahit isa.

Sana pala pinaglaban ko na siya noon pa man. Hindi ko kaagad naisip na nasasakal lang ako dahil sa career ko noon. Naisip ko na hindi naman talaga iyon ang gusto ko.

Nagalit saakin ang mga magulang ko. Ilang taon din akong hindi umuuwi sa bahay namin at hindi nagpapakita sa kanila. Pinag-aral ko ang sarili ko gamit ang mga naipon kong pera sa pagigung artista hanggang sa makatapos ako.

Makalipas ang ilang taon, nagkaayos din kami ni Daddy at Mommy.

Ngayon, eto mag-isa pa rin ako. Walang lovelife. Maraming nagtangka pero lahat sila walang nagtagal. Naiintimidate siguro sila saakin.

"Sir, remind ko lang po na after your lunch meeting with Mr. Cooper is your flight to Hong Kong at 7 o'clock in the evening." Tinanguan ko na lang ulit ang sekretarya ko at kaagad naman itong umalis.

I kept myself busy. Ito na lang ang tanging paraan para hindi ko lunurin ang sarili sa alak at depress. Parati kong naaalala ang ngiti ni Amber. Panay kong naalala ang pagsusungit niya saakin noon.

Totoo nga na nasa huli ang pagsisisi. Nandyan na, pinakawalan ko pa. Ang sabi ng marami, hindi mo daw malalaman kung ano ang meron ka hanggat hindi ito nawawala sayo. Pero sa tingin ko, alam mo naman kung ano ang meron ka, hindi mo lang inaasahan na maiwawala mo ito.

I was so confident that Amber will never leave me. I thought she will always be there for me. But it turns out, napagod na din siya at sumuko.

It was my fault though. I told her that she was just a friend. Sa sobrang kagustuhan kong huwag mawala saakin ng career ko noon, siya ang naiwala ko. Masyado kong inisip ang sarili ko. I was so selfish.

Now, I don't even know how is she. Or kahit nasaan man siya. I pursued the job of being a pilot because I am still hoping na baka maging pasahero ko siya or mapadpad man lang ako sa bansa kung nasaan siya.

I'm still hoping that I will see her again. Alam ko magkikita pa kami ulit. I can feel it.

And that hope is making me stronger everyday. It is my motivation that I should keep going because someday, I want her to be proud of me.

Wala na akong pakialam kung may iba na siyang mahal. As long as mahal na mahal ko siya, mapapasaakin siya.

I am Calvin Natividad. Hindi uso saakin ang salitang pag-suko. Hinding-hindi na!

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knWo Geschichten leben. Entdecke jetzt