Chapter 50: bakasyon

4.6K 69 8
                                    

S E P T E M B E R       2 3        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"We're hereeeee!" Tinigil ni Calvin ang sasakyan tsaka pinagbuksan ako ng pintuan at inalalayan makababa bago binuhat si Uno.

"This place is beautiful, Dad!" Namamanghang sabi ni Uno habang nagliliwanag ang kanyang mga mata. Inakbayan ako ni Calvin habang buhat pa rin niya si Uno sa kabilang kamay niya.

"Shall we?" Tanong ko sa kanila. Sabay naman silang lumingon saakin tsaka napasimangot.

"Mommy, dito muna kami. We're still looking at the view." Nakasimangot na sabi ni Uno.

"Ay pasensya naman. O sige na, dito na muna kayo at aasikasuhin ko na muna ang room natin." Paalam ko sa kanila. Tinanguan naman nila ako pareho kaya iniwan ko na sila doon.

Mabuti na lang at inakyat na ang mga gamit namin doon sa room kung saan kami magstay para sa bakasyon na ito.

Masaya ako dahil talagang tinupad ni Calvin ang pangako niya saamin na babawi siya dahil sa ilang araw niyang pagka-busy. Hindi naman ako nagdedemand ng sobra sa kanya. Okay na saakin ang simpleng

Pagdating sa room ay nagpasalamat lang ako sa mga nag-assist saakin at sinimulan na ang pag-aayos.

Ilang saglit lang ang lumipas ay dinig ko na ang tawa ng mag-ama.

"You should have seen his face, Dad. Hindi na maipinta!" Natatawang sabi ni Uno. Humagalpak naman sa tawa ang isa. Para lang silang magbarkada kapag nakikita. Kung hindi lang talaga maliit si Uno.

"Mukhang nagkasiyahan na kayo na wala ako ha?" Kunwari pa akong nagtatampo. Nagkatinginan naman yung dalawa tsaka lumapit saakin at niyakap ako.

"Ikaw naman kasi, Mommy. Bakit kaagad ka umakyat? Kasalanan mo yun." Imbes na ma-tats na ako dahil aa pagyakap nila saakin ay napapokerface pa ako dahil sa sinabi ng anak ko.

"Inasikaso ko pa po kasi yung room at gamit natin kaya hindi ako nakapagstay doon. Naiintindihan niyo po?" Sagot ko naman kay Uno na nagmake face lang saakin. Aba tong bata na to.

"Wag na nga kayo magtalo. We have a week to spend here. Gagawin natin lahat ng gusto nating gawin." Hinalikan kami sa noo ni Calvin.

"Who's hungry?" Kaagad nagtaas ng kamay si Uno. Nginitian ko lang naman si Calvin.

"Kami na lang dalawa ni Uno ang bibili ng food. Magpahinga ka na lang dito. We'll be back in a few minutes." Tinanguan ko lang siya. Habang naglalakad sila palabas ay pinagmamasdan ko si Calvin na pinanggigigilan si Uno sa pisngi.

Lalo ko lang minahal si Calvin mula nang makita ko kung gaano niya kamahal ang anak namin.

Napalingon ako sa bag ni Calvin nang marinig ko ang cellphone niya.

Lumapit ako doon para tignan.

"Genny Calling." Pagbasa ko sa nasa screen. Napabuntong hininga ako tsaka binitawan sa center table ang phone niya.

Alam ko naman na hindi na lang saamin ang oras ni Calvin ngayon. He also have responsibilities to Genny. Kailangan din siya ni Genny at ng anak nila.

Pero mali din ba na huwag ko muna siyang hayaan magbigay ng oras sa iba? Pwede bang saamin muna siya? Ayaw ko siyang ipagdamot kahit alam kong nasa akin lahat ng karapatan. Alam ko ang pakiramdam ng maging isang ina at wala ang ama ng anak mo.

Pero sana kahit ngayong buong bakasyon lang. Saamin muna siya.

Muli kong kinuha ang cellphone ni Calvin tsaka binura ang mga missed calls ni Genny. Pasensya na pero saamin muna ang asawa ko. Saamin muna si Calvin.

Saglit akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napaupo ako sa kama.

"Amber, are you okay?" Napalingon ako sa may pintuan. Nandito na pala sina Calvin at kaagad silang lumapit saakin.

"Yeah, bigla lang akong nahilo." Sagot ko tsaka marahang hinilot ang ulo ko.

"Gusto mo ba pumunta na tayo ng doktor?" Tanong niya saakin na kaagad ko namang inilingan.

"Baka dahil lang ito sa byahe. Napagod lang siguro kaming dalawa ni baby." Sagot ko. Tumayo naman siya tsaka humalik sa noo ko.

"Magpahinga ka na muna habang hinahanda ko ang pagkain natin. Uno, take care of Mommy while I prepare our food." Kaagad namang sumaludo si Uno sa ama niya tsaka tumabi saakin at hinaplos ang tyan ko.

"Baby Dos, are you okay? Nahihilo ka rin ba like Mommy?" Bulong niya sa nakaumbok kong tyan. Pagkatapos ay itinutok niya ang kanang tenga niya na kunwari ay pinakikinggan ang sinasagot ng kapatid niya sa kanya. Napapakunot pa ang noo niya na para bang may naririnig at naiintindihan talaga siya.

"Yes, we will eat soon. Daddy is still preparing our food." Sagot nanaman niya tsaka itinutok ang tenga sa umbok. Nakakatuwa lang talaga siyang pagmasdan. Hindi gaanong halata na excited siya magkaroon ng kapatid.

"Anong sabi niya?" Tanong ko. Ngumiti naman siya saakin bago nagsalita.

"Nagugutom na daw po siya, Mommy." Natatawang sabi niya. Ginulo ko na lang ang buhok niya at sakto namang dumating si Calvin at sinabing kakain na daw.

Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa may dining.

"Nahihilo ka pa ba?" Tanong niya saakin at kita ko talaga sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Okay na ako. Baka pagod at gutom lang ito kaya kumain na tayo." Ngumiti lang siya tsaka na kami nagsimulang kumain.

Trey's Point of View

"TREY!" Napalingon ako sa sumigaw ng napakagwapo kong pangalan.

"Ano nanaman bang kailangan mo ha?" Tanong ko sa kanya tsaka patuloy sa paglalakad.

"Nasaan ba si Calvin? Ilang beses na ako tumawag sa kanya, walang sumasagot." Tanong niya saakin. Nilingon ko siya tsaka sinagot ang tanong niya.

"Nakabakasyon siya ngayon kasama si Amber at ang anak nila. Kaya pwede ba, lubayan mo na ako." Inirapan ko siya tsaka naglakad palayo.

"Saan sila nagbakasyon?" Tanong nanaman niya. Nilingon ko siya.

"Yan ang hindi ko pwedeng sabihin. Lalo na sayo dahil alam ko sa sobrang desperada mo ay baka puntahan mo sila doon at manggulo." Sagot ko at tuluyan siyang iniwan.

Mula nang umalis sina Kapitan Jetblack ay hindi na ako tinigilan ni Genny. Parati niyang tinatanong kung nasaan ba si Calvin. Tatlong araw na rin kasing wala sina boss.

Bakit naman kasi nagpabuntis pa siya sa lalaking may pamilya na? Ayan, nakikihati ngayon sa oras na dapat ay kina Amber lang. Minsan, nakakawalang gana ding isipin na ang daming babae ang desperada katulad ni Genny. Hindi man lang bigyang halaga ang sarili nila.

Girls should always remember that they are worth it. Pinaghihirapan dapat sila at hindi pinapahirapan. Don't worry because I know someone over there is crazy about you. You are enough.

Dahil sa sobrang desperada ni Genny, mas lalo lang siyang nasasaktan sa ginagawa niya. Minsan, nakakaawa pero madalas ang sarap sabunutan nang magising sa katotohanan.

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knOnde histórias criam vida. Descubra agora