3 - Loss for Words

63 1 0
                                    

Chapter 3 - Loss for Words

Since Keira left without me, kailangan ko ngayong mag-commute. I sigh. Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep at hindi ko mapigilang mamangha sa dami rin ng pinagbago ng lugar na 'to. Mas marami nang mga buildings along this one street na dadaanan papunta sa main road. Puro apartment halos at mga tindahan. 'Yung isang Bed and Breakfast na naabutan ko pang itayo noon a year before ako umalis ay mas lalong gumanda.

Kailangan kong sumakay sa jeep para pumunta sa MRT Taft Station. From there, I need to ride a train pa-Ayala. Damn. It sounds so tiring, really. Hindi ko pa naman alam ang daan at bababaan if ever na magje-jeep lang ako. I suck at directions and I tend to go for the easier route always.

Sumakay agad ako sa unang jeep na nakita ko na papuntang MRT. Hindi ko agad napansin na kaunti pa lang ang sakay nito sa kagustuhan kong makarating agad. Hinayaan ko na lang na magpuno pa si Manong Barker at Driver habang naglalabas ng pamasahe. Mabuti na lang at marami-raming tao ang pumapasok sa mga kanya-kanyang trabaho tuwing ganitong oras kaya sunud-sunod rin ang pagpasok ng mga tao sa jeep. Wala pang sampung minuto ay napuno rin ito agad.

"Ma, bayad po," sabi ko habang inaabot ang bayad sa harapan. Nakaupo ako sa bandang pasukan ng dyip kaya malayo ako sa driver. Buti at hindi rude ang mga taong kasabay ko at may kumuha naman ng bayad ko para iabot sa driver. Minsan kasi, may nagbibingi-bingihan pa rin sa ganito.

I quite miss this. Walang ganito sa Dubai, e. Sinong mag-iisip na mamimiss ko ang isa sa pinaka-ayokong gawin noon? Ang tamad ko kasi talaga sa pag-commute. Tamad akong umalis lalo na kung marami akong kailangang sakyan bago ko marating ang pupuntahan ko. So I usually just go to malls na madaling puntahan, like Glorietta, Mall of Asia and SM Megamall. Kasama na rin ang Greenbelt at SM Makati dahil magkakadugtong lang naman sila ng Glorietta.

Bumaba ako sa EDSA Taft after 10 minutes. Sobrang tagal no'n, considering na isang straight road lang naman 'yun. Problem? 'Yung traffic pa rin. Sighing, I go up the station only to find a long freaking line sa entrance pa lang.

"Argh! Kung kailan nagmamadali." I fish my phone out of my bag to check the time. Even though medyo maaga pa, male-late ako nito 'pag binagalan ko pa. Dagdag pang hindi ko saulo ang Makati at mangangapa ako mamaya. And that hits me right in the head. What am I doing here sa MRT when I can just grab a cab? Bukod sa mag-aantay ako nang napakatagal, mangangapa pa ako 'pag baba ko sa Ayala.

Napa-face palm na lang ako sa katangahan ko nanaman. So before I slap myself for being such a stupid ass, I immediately make my way out.

Bumaba ako papuntang sakayan ng jeep at taxi. Walang masyadong dumadaang taxi at puro jeep ang nakikita ko na byaheng MOA. Argh!

Marami-rami rin kaming nag-aantay ng taxi rito sa kung saan ako pumwesto, assuming na taxi nga ang inaabangan nila. E, hindi naman kasi sila sumasakay sa mga jeep na dumadaan.

One guy catches my attention. He's wearing light blue long sleeves and black slacks na fit na busy sa phone niya habang nag-aantay. Malakas ang loob niyang maglabas ng phone dito, ah? Wala siyang necktie at bukas 'yung unang butones niya. I keep stealing glances kasi parang hindi siya bagay mag-commute. Nag-i-stand out kasi siya dahil sa aura niya. Mukha siyang mayamang businessman dahil sobrang linis ng itsura niya. His hair is short sa sides kaya kitang kita ang mukha niya pero medyo makapal sa bandang gitna. Not super thick, but just enough to say na hindi military cut. 'Yun yung length na naaayos mo pa. He's wearing shades so I can't see his eyes but the nose is to die for. Ang tangos ng ilong pwede ka nang tumawid, my golly!

Great! Check him out pa nang ma-late ka.

I seem to come to my senses so I focus on searching for a cab. My eyes light up at the sight of one coming this way. Siyempre pinara ko agad. Dali-dali pa akong bumaba sa elevated bangketa at papalapit na ako sa taxi nang makita ko agad ang pasakay na lalaki.

Of Choosing YouWhere stories live. Discover now