Kabanata 16
Sama ng loob
----------
Inaantok pa ako habang pasakay kami ngayon ng eroplano papuntang maynila. There's no flight from Cebu to mindoro kaya kailangan naming bumaba ng maynila para makarating kami ng Puerto Galera, after the plane, we need to take a bus and boat. Well, goodluck for this new adventure trip.
Alas-quatro palang ng madaling araw at alas-dos ako ng gisingin ni mommy para maghanda sa pag-alis namin. Kagabi ay nine ako natulog kaya kulang pa ako sa tulog ngayon. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko dahil sa antok at paulit-ulit pa akong napapahikab.
"Hey, Everyone this is Timothy William Bregonza-Elizconde Jr. and we're here at mactan-cebu international airport going to manila."
Eto na naman si Timothy sa kanyang video blog. Sa tuwing mag ta-travel kami ay lagi siyang gumagawa ng video blog na ina-upload niya sa kanyang sariling youtube channel Ang @TimoLakwatchero.
Bilib nga ako dyan dahil kahit na wala yang tulog ay napakataas parin ng kanyang fighting spirit. Ang sabi kasi ni Lav ay nakipagpustahan pa daw si Timo sa online game na nilalaro nito kaya wala siyang tulog, pero kung titignan mo naman ang pinsan kong hyper ay hindi naman halatang wala siyang tulog and he's handsome as always.
"EA, akin na yung backpack mo." ani kuya.
Mabilis ko namang hinubad ang bag ko na inilagay niya sa lalagyanan ng mga bags na nasa itaas ng uupuan namin dito sa eroplano.
"Upo na dun." sabi naman sa'kin ni Jethro na humawak pa sa balikat ko.
"EA, konting bilis." Reklamo naman ni kuya na nasa likod namin ni Jethro.
Naupo ako sa tapat ng bintana at tumabi naman sa akin si Jethro, pagkatapos ay tumabi sa kanya si kuya. Iyon kasi ang nakalagay sa ticket namin.
Si Ern, Easton at Prima naman ang nakaupo sa unahan namin at sa likod ay naroon si Timothy, Lav at Tommy. Sa tapat ng row na inuupuan namin ni kuya at Jethro ay nakaupo naman sa dulo si Westly, kung saan may dalawang babae siyang katabi na sa tantya ko ay kaedad lang namin, panay pa nga ang tingin ng mga ito sa pinsan kong tahimik na nagbabasa ng libro, and as usual ay with eye glass. Nakasuksok pa nga sa kanyang tenga ang puting earphone.
Sayang at hindi nakasama sa amin si Eira dahil binulutong siya. Iyak nga ito ng iyak kagabi at pinipilit si mommy na pagalingin ang bulutong niya, pero hindi naman talaga gagaling agad yon.
Bago lumipad ang eroplanong sinasakyan namin ay naglakad-lakad naman ang isang flight attendant para paalalahanan ang mga passengers ng ilang rules.
Paglapit sa amin ng flight attendant ay inilibot niya ang paningin niya sa aming magpipinsan, she's checking our seatbelt at sinabi niyang patayin daw ang mga phone namin pero ako ay in-airplane mode lang ito.
Napansin ko pa nga ang pagtitig niya kay Jethro at kuya Luke.
I remember when I was a kid, pangarap kong maging isang flight attendant pero habang lumalaki ako ay mas nagustuhan ko ang arts.
Paglampas sa amin ng flight attendant ay narinig ko na may sinaway siya sa likuran namin.
"Sir no phone please, can you please turn it off." anito.
Narinig ko naman ang boses ni Timothy na nanghihingi ng paumanhin dito.
Napakunot ang noo ko dahil alam ko namang alam ni Timothy na bawal yon, nagpapapansin lang ang lalaking yon sa magandang flight attendant.
"Miss, can I ask you something?" Dinig ko pang sabi ng pinsan ko.
"Ah, w-what is it sir?" Nauutal na tanong naman sa kanya ng flight attendant.
YOU ARE READING
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...
