Kabanata 43

10.5K 212 18
                                        

Kabanata 43
Dirty little secret

----------

"Why did you say that to her?" Tanong ko kay Jethro ng paandarin niya na ang kanyang kotse.

"Nakakairita kasi ang mga sinasabi niya." Sagot naman niya sa akin ng hindi niya ako nililingon. Naka-focus lang ang tingin niya daan.

"Pero, Jethro. Mag-iisip na naman ng kung ano yon si Lav. Iisipin non na may itinatago nga talaga ako sa kanila at may alam ka doon."

"Isipin na niya kung ano ang gusto niyang isipin. I don't care. Alam mo, mas maganda ngang malaman na niya eh, para hindi kung anu-ano ang pinagagawa niya sayo. Ikaw naman 'tong sunod ng sunod sa kanya."

"I'm just protecting this whole relationship."

"Just let it out."

"Ayoko! Jethro, okay na kayo ni papsie, diba? Gusto mo bang bumalik na naman kayo sa dati pagnalaman niyang pumapatol ka sa akin, sa sarili mong pamangkin? Jethro, mag-isip ka nga. Kapag nalaman ng lahat na may namamagitan sa atin, hindi lang sila magagalit. Pwede rin na paghiwalayin nila tayo."

"And I will never let it happen."

"May mga bagay na kahit anong pilit mo na wag mangyari. Mangyayari, Jethro. Kasi yun yung nakatakda."

Napansin ko ang pagdiin ng mga kamay niya na nasa manibela. Ang kanyang mga panga ay nag-iigting na naman.

"Handa na ako sa mga mangyayari, EA. Handang-handa na. Handa akong iwan lahat, kalabanin lahat, lahat ng tatapak sa atin. Lahat ng sisira. Mawala man lahat ng meron ako, wag lang ikaw."

Napakasarap sa pandinig ng mga sinasabi ni Jethro. Halos magtatalon ang puso ko dahil sa tono pa ng boses niya, damang-dama ko roon ang paninindigan niya. Sa diin ng bawat salitang lumabas sa bibig niya, naroon din ang tibay nun na mas lalo kong hinahangaan sa kanya.

Sana ganoon din ang paninindigan ko. Sana ganoon din ako kahanda na ipaglaban siya, pero wala ako nun sa ngayon. Takot ang parati kong nararamdaman, takot na lumalamon sa buo kong pagkatao.

Sa totoo lang, hindi ko kayang talikuran ang lahat para sa pag-ibig na'to. Kaya natatakot ako na dumating yung araw na malaman ng lahat ang tungkol sa amin. Ayokong pumili, hindi ko kaya.

Saglit na itinigil ni Jethro ang kotse niya sa gilid ng tahimik na daang tinatahak namin.

"Walang halaga sa akin ang lahat kung wala ka, EA." aniya kasunod ng paglingon niya sa akin at ng magtama ang mga paningin namin ay kitang-kita na nananalaytay sa bawat sulok ng kanyang mga mata ang tapang at katotohanan sa mga sinabi niya.

"If this love can destroy everything, then let it be 'cause I am willing to destroy myself by loving you."

Hinaplos niya ang pisngi ko at napapikit naman ako, kinuha niya rin ang isa kong kamay kaya napadilat ako. Hinalikan niya iyon at itinapat niya sa kanyang puso na napakabilis ng tibok, katulad ng tibok ng puso ko.

"Hindi ko alam kung kailan ang eksaktong araw na naging ganito kabilis ang tibok ng puso ko. Basta isang araw na-realize ko nalang na dahil yon sayo."

Napangiti ako at ikinapit ang mga braso ko sa leeg niya para yakapin siya. "I love you. I love you. I love you." Paulit-ulit kong usal habang yakap ko siya, wala kasi akong ibang salitang mahanap para tugunin ang mga nakakataba ng pusong sinasabi niya.

"Noon, hindi ako takot mamatay." ani Jethro, kinalas ko naman ang pagyakap sa kanya at hinawakan naman niya ang magkabila kong pisngi. "Pero ngayon, natatakot na'ko, kasi hindi na kita makikita, hindi na kita mapoprotektahan, maalagaan. You know what," inilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga tumakas na buhok na humarang sa mukha ko. "I can't stand the thought of you with someone else in your life, without the picture of me. I really can't, darling."

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Where stories live. Discover now