Kabanata 45

9.7K 205 24
                                        

Kabanata 45
Equal

----------

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang magandang standard motorcycle ni Adam na kulay itim at nakaparada di kalayuan sa kotse ni Timothy. Agad sinakyan ni Adam ang motor niya at inabot sa akin ang isang itim na helmet.

Pag-abot niya sa akin non ay hindi ko naman iyon isinuot agad, nakatingin lang ako sa kanya na isinusuot ang kanyang helmet na kulay itim din.

Ang hilig niya talaga sa itim. Animo lagi siyang nagluluksa, ni minsan nga ay hindi ko siya nakitang nagsuot ng makulay na damit, most of the time ay white at black ang suot niya.

Tulad nalang ngayon, dahil nakapagpalit na siya ng uniform. V-neck shirts na fit na fit sa katawan niya ang suot niyang pang-itaas ngayon at pati suot niyang skinny jeans ay itim rin, pati ang kanyang sapatos.

"EA, sakay na." Pang-aaya niya na pumukaw sa akin mula sa pagsisipat ko ng tingin sa kanyang itim na outfit.

"Hindi ka naman galit sa itim no?" Sarkastiko kong tanong sa kanya pagsakay ko at saka ko isinuot ang helmet na inabot niya sa akin kanina.

Tumawa naman siya sa sinabi ko at saka niya binuhay ang makina ng kanyang motor.

"Hold on tight, mabilis akong magpatakbo. I'm into drag racing."

Nagtaas lang ako ng kilay at hindi sinunod ang utos niya. Hinding-hindi ako hahawak sa kanya no. Baka kung ano pang isipin ng iba sa amin, ngayon pa nga lang na nakasakay ako sa motor niya ay nakikita ko na ang mga malisyosang tingin ng mga schoolmates namin.

"I'm gonna die! I'm gonna die! I'm gonna die!" paulit-ulit kong sigaw habang pikit mata akong nakayakap sa likod ni Adam.

Totoo nga ang sinasabi niyang mabilis siyang magpatakbo. Para siyang nakikipag karera kay kamatayan sa bilis niya. Oh dear God!

"Adam, please slow down! Damn you, asshole! Ayoko pang mamatay! Pag namatay ako dadalawin kita!"

Panay lang ang tawa ni Adam habang tila nagdedeliryo na ako dito sa likuran niya sa sobrang takot o baka nag-eenjoy sa yakap ko ang isang 'to? But I have no choice kung di ang yumakap ng mahigpit sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas. Huminto kami ni Adam sa tapat ng isang restaurant na may malaking A sa gitna at sa ibaba non ay mababasa ang Anzani.

"Walangya ka! Sasakay nalang ako ng taxi pag-uwi. Ayokong sumakay sayo." Singhal ko kay Adam pagbaba ko ng motor niya, pinaghahampas ko pa siya sa braso niya pero parang balewala lang iyon sa kanya.

Wala man lang akong naririnig na daing sa kanya, kung di pagtawa. Palibhasa'y ako pa nga ang nasasaktan dahil ang tigas ng braso niya. Halata naman kasing nahulma at nabatak yon sa pag gi-gym kaya ganoon katigas.

"Ihahatid kita sa inyo at nag-enjoy ka naman diba? Nakapa mo pa nga yata ang abs ko." Nakangising sabi ni Adam sa akin.

Sakalin ko kaya ang damuhong to?

"Excuse me, pero wala akong pakialam sa abs mo. May ganyan din si Jethro and...I prefer his abs than yours." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko tanda ng pamumula non.

"So, nahawakan mo na ang abs niya? Ilang beses na, EA? Wag mong sabihing ginagawa niyo narin yung-"

"Hindi no!"

Humalakhak si Adam. "EA, nangangamatis na ang mukha mo."

"Ewan ko sayo!" Tinalikuran ko siya at pinagkrus ang mga kamay ko.

"Tara na nga at naghihintay na sila sa loob." Kasunod ng paghawak niya sa pulsuhan ko at hinila niya ako papasok ng restaurant.

"Sila? Sinong sila?"

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Where stories live. Discover now