Kabanata 19

11.1K 240 11
                                        

Kabanata 19
Bracelet

----------

Tahimik lang ako rito sa table namin habang panay ang kain ko ng pulutang inorder ng mga pinsan ko, while I'm drinking mindoro sling. Para lang naman palang juice ang inumin na'to, it's a red orange cocktail drink na may pinaghalong soda, rum, vodka at hindi ko na alam ang iba pang nakalagay dito, may ilang slice pa nga ng apple so it taste sweet, hindi ko na halos malasahan ang alcohol na nakahalo. Hindi ko alam kung paano nasabi ni Easton at ng kaibigan niya na matapang ang alak na 'to, maybe masyado lang talagang marami ang nainom ng kaibigan niya o baka mahina ang kanyang alcohol tolerance.

Pangalawa palang na bar itong pinapasukan namin ng mga pinsan ko at parang ayoko ng umalis sa bar na kinaroroonan namin ngayon, because I like how the dj play the music, bagong-bago sa pandinig ko ang mga beat. Kahit nakaupo lang ako rito ay napapaindak ako.

Siguro kaya hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik ang mga pinsan ko rito sa table namin dahil nag e-enjoy sila sa pagsasayaw.

Although, masyadong crowded ang bar na ito, mausok at saan mang sulok ka tumingin ay tipsy na ang mga tao, yung iba nga ay lasing na talaga at bumabagsak na kahit sa sarili nilang upuan. Maririnig mo rin ang murahan ng marami, sigawan at naghahalong amoy ng alak at sigarilyo, pero hindi alintana sa akin lahat ng yon. I still want to stay in here dahil parang kumportable ako sa lugar na'to.

Nainlove yata ako sa trance music na nililikha ng dj.

"EA, why don't you dance?" Napalingon ako kay kuya ng tanungin niya ako.

"I'm not in a mood."

"I know how you love to dance. Come on, have fun!"

"Ikaw? Why don't you dance?"

"You know that I don't dance."

Tumaas ang kilay ko at nginitian ko si kuya. Tutal ay kami lang naman ang naiwan dito sa table, hinila ko siya patayo sa high stool chair na inuupuan niya.

Nakita ko sa mga mata niya ang pagbababala but I don't care. We're at the bar at bawal ang kill joy.

"Emilia Azalea!" Saway niya sa akin habang ibinibigay ko lahat ng lakas ko para pwersahin siya sa paghila.

Sa huli ay nagpatianod narin siya sa panghihila ko sa kanya hanggang sa makarating kami sa dance floor at sinimulan ko siyang sayawan.

"Come on, dance brother!" Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni kuya at ginalaw-galaw ko yon, itinaas ko pa ang isa niyang kamay at umikot ako roon.

Parang puno si kuya na nakatayo lang at nakangiti habang pinanonood ako.

"Kuya! Galaw-galaw naman dyan."

"I told you I don't dance."

Inilagay ko ang mga kamay niya sa baywang ko at ako naman ay inilagay ang mga kamay ko sa kanyang balikat.

"I thought you're not in a mood?" Tanong niya sa akin.

"Nasa mood na'ko, basta ikaw ang kasayaw ko. Kuya, everybody can dance."

"But not me."

"Come on." Tinitigan ko siya. He really looks like dad when he was young.

Makapal ang eyebrow ni kuya pero bumagay sa mga mata niyang malalalim at nangungusap. May spanish descent kami kaya matatangos ang ilong naming mga Elizconde. Bagay na bagay kay kuya ang kanyang chiseled jaw line na asset din ng mga pinsan kong lalaki, even his cheek bone is absolutely amazing.

Iyon ang laging napapansin ni Cheska noon kay kuya. Ang kanyang magandang cheek bone na kapag maliwanag ay kitang-kita ang pamumula nito. Maputi kasi si kuya.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora