Kabanata 38
Whoever she is
----------
Pagpunta namin sa pad ni Jethro ay agad akong naupo sa couch na naroon.
"Buksan ko 'tong TV, huh?" Tanong ko sa kanya habang umiinom siya ng gatorade na kulay blue.
"Go on, darling." aniya ng halos mangalahati ang laman ng ininom niya.
Kinuha ko ang remote na nakapatong sa center table at binuksan ang TV.
Naglipat-lipat ako ng channel hanggang sa mapadpad ako sa ETC kung saan pinalalabas ngayon ang isang TV series na The Vampire Diaries.
Sinusubaybayan ko ito noon kaso ewan ko at bigla nalang akong nawalan ng gana nung nag session two na. Pagnakikita ko pa nga si Damon Salvatore, biglang pumapasok sa isip ko si Adam Pedrosa. Pareho silang mahilig mag suot ng black at lagi silang may mga ngising nakakaloko na parang may binabalak na masama, hindi mapagkakatiwalaan. Ngiti palang alam mo ng pilyo.
"Jethro, nanonood ka ba nit-" hindi ko naituloy ang itatanong ko ng paglingon ko kay Jethro ay nakatalikod siya sa akin at tumambad sa mga mata ko ang kanyang malapad na likuran. Napataas ang isa kong kilay sa kanyang sexy back at kanyang buff butt na dinaig pa ang ibang babaeng walang pwet.
Namilog ang mga mata ko ng humarap siya pero hindi niya ako nakita dahil nakayuko siya. Tila tinakasan ako ng sarili ko ng dumikit ang paningin ko sa kanyang abs na mas lalong nadepina ng mas yumuko pa siya para i-unbutton ang kanyang pantalon.
Mabilis kong inalis ang paningin ko doon at ibinalik sa pinanonood ko. Napabuntong hininga nalang ako para pakalmahin ang tila naghuhuramentado kong sistema dahil sa kakisigan ni Jethro at sa kanyang mapang-akit na katawan.
Habang katext ko si Ern ngayon. Napapigsi ako ng mula sa likuran ko ay ipinulupot ni Jethro ang mga kamay niya sa leeg ko at naramdaman ko ang mga labi niyang hinahalikan ang tenga ko.
"Pwede mo ba akong tulungan i-set up yung video cam?" Tanong niya sa akin sa tila namamaos niyang boses.
Sinuggest ko kay Jethro na ilagay ang kanyang grand piano sa tapat ng window glass wall kung saan kita ang ibaba at labas ng pad niya. Pumayag naman siya at pinagtulungan naming buhatin ang piano niya, pagkatapos ay sinet up ko naman ang video camera di kalayuan sa kanya, basta makukuha ang magandang anggulo niya habang tumutugtog siya mamaya.
Pagkatapos kong maiset-up ang video camera ay naupo na si Jethro at sinimulan pindot-pindotin ang keyboard ng kanyang piano.
Napataas naman ang isa kong kilay ng pasadahan ko ng tingin ang suot niya.
Kupas na denim ripped jeans at puting sando na napakaluwang.
"Hindi ka ba magpapalit ng suot mo?" Tanong ko sa kanya habang nakapamaywang ako.
"Okay naman ang suot ko."
"Hindi ka ba magsusuot ng medyo desente?"
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Darling, hindi 'to piano recital. I want to be casual. Dress who I am."
"Okay. Let's start this."
Naupo na ako sa stool na malapit sa video camera na nakalagay sa tripod at nagthumbs up ako kay Jethro ng mai-play ko na iyon.
Humarap muna siya sa camera at nagsalita.
"Before I play this song. I would like to dedicate this to the most amazing human being that God ever created. To the girl, that perfect isn't enough to describe her...because she's beyond that. I love you, darling."
ВЫ ЧИТАЕТЕ
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Подростковая литератураEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...
