Chapter 1

2.5K 91 60
                                    

"Mahigit pitong araw nang nawawala si President Alvaro nang mawala ang sinasakyan nitong private jet na papunta sana ng Germany."

BIGLA AKONG NAPAHINTO nang marinig ko ang isang news nang makadaan ako sa harap ng isang TV repair shop. Napakunot-noo ako sa aking narinig. "Grabe seven days na pala?" pabulong kong sabi. Ngayon lang ulit ako nakarinig ng balita tungkol sa kanya, hindi kasi ako mahilig manood ng news.

"Ang private jet A12Z ay napag-alamang nag 'short-cut' raw sa Northen Part ng Pacific Ocean. Ngunit ayon sa recent findings, maari itong nagkaproblema dahil sa bagyong Lita..."

Habang naghihintay ng masasakyang jeep, chineck ko yung relo ko at tiningnan yung oras. "Ayan na ma-lelate na 'ko, Mama naman kasi e." napakagat ako ng labi dahil sa inis.

"Samantala... pasintabi lamang po, ito po ay nakakagulat. Ngayon lang po ay kasalukuyang tinutukoy ng mga experto ang biglaang pagkawala ng inaasahang bagyo! Ang bagyong Lita ay isa sa mga pinakamalakas na bagyo ngayong taon pero bigla itong nawala ayon sa data mula sa satellite images..."

"Ha?" bigla kong nasabi. Napalingon ako pabalik sa TV monitor sa loob ng shop ng wala sa oras.

"...makikita po natin sa isang video na inupload ng isang netizen ang mistulang pag-iba ng panahon—"

Biglang naputol yung report dahil naging static yung TV. Tumingala kaagad ako sa langit upang ma-check ang kung ano mang pagbabago ng panahon ngunit parang wala naman.

"Ma'am sorry po naputol po yung antenna. Nanood kayo?" biglang bungad sakin ni Manong nang mapansin ata akong nakatingin sa TV monitor ng shop niya.

"Ay- ah... wala manong. Hindi po." sabi ko saka pasimpleng ngumiti. Tumalikod ako saka pinara yung papalapit na jeep.

"Manong sa Uni po." sabi ko sa jeepney driver nang makaupo ako sa bakanteng upuan sabay abot ng bayad. Siksikan ang mga pasahero sa loob, lahat ay may kani kanilang agenda. Lahat ay nagmamadali.

Napaka-weird. Pero sa dami ng mga kakaibang nangyayari araw araw, hindi ko alam kung kailangan ko pang maalarma dun. Baka climate change lang. Saka, may bagyo man o wala, may pasok pa rin sa university namin.

Habang inaayos ko ang ang aking pagkakaupo, inayos ko rin ang pagkakapwesto ng aking mask sa bibig ko. Ilang minuto naman ay umandar na ang jeep.

Halos labinlimang minuto ang byahe ng jeep dahil traffic sa kalsada. Nang makarating na ang jeep sa tapat ng school namin ay pumara na ako, nagbayad, at bumaba.

"Shit shit shit late na ako." sabi ko habang tinatanggal ang suot kong mask.

Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang makaabot ako sa gate. Napa-roll ako ng eyes ko dahil si Ate Chiwi ang naka duty ngayon.

"Oh late ka na," bati niya sakin. "Bakit ang iksi ng palda mo? Ginupitan mo ba yan? Bawal yan!"

"OA mo talaga Ate Chiwi," pabiro k'ong sagot. "Wag ka nga today please malelate na ako sa class ni Professor 'Lock-the-Door'"

Tumawa si Ate Chiwi, yung tawang nakakairita. "Uy uy uy! Alam ko yan sino yang tinutukoy mo ah? Sumbong kita kay Mr. Ocampo, naku! Kayo talagang mga bata kayo." inikutan ko lamang siya nang mata, sa lahat ng guard dito sa campus, si Ate Chiwi yung pinaka-'friendly'.

"Oh... akin na nga yang bag mo, 'batang to. Next time ayusin mo yang palda mo ha, bigyan na talaga kita ng violation slip—"

"Oo na, eto naman ih parang di kilala ate Chiwi." sabi ko at kinalabit na ang bag matapos niya itong tusukin ng stick niya.

ProgenyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant