Chapter 6

415 48 35
                                    

SA TANANG BUHAY KO ay hindi pa ako kailanman nakasakay ng kahit na anong aircraft, kahit mismong airplane man lang ay hindi rin. Hindi din naman kasi kami mahilig mag travel abroad kasi wala naman kaming business sa labas, saka isa pa, napaka-expensive din ng plane tickets. Kung may pupuntahan man kaming lugar dito sa Pilipinas, nagbabarko lang kami o di kaya ay gamit yung sasakyan ni Papa. Mas masaya si Papa sa mga roadtrip kasi daw mas nakakapagbonding kami.

Huli ko na narealize na nakataas pa pala yung kamay ko dahilan sa nangyari kanina. Nang makapasok na sa loob ay binaba ko na ito. Hindi ko inexpect yung mga nakita ko sa loob ng C130 na aircraft. Nakita ko na ito sa pictures at sa mga pelikula noon pero hindi ko inexpect na makakasakay ako ngayon dito. Kahit natatakot ay hindi ko mapigilang mapamangha.

Akala ko may mga passengers seat ako'ng maabutan sa cabin katulad ng sa mga normal na airplanes pero dito sa sinasakyan namin ay wala, nasa magkabilang corners ito nakapwesto. May mga military supplies at mga karton naman na naka tambak sa gitna na hindi ko na talaga tuluyang napansin dahil mindali na akong maghanap ng mauupuang seat ng isa sa mga kasamahan nung tumutok sa akin ng baril kanina.

Malabo yung paningin ko pero na-manage ko'ng makakita ng mauupuan. Sa dulong bahagi ng kaliwang corner ng cabin ay may dalawang bakante, kaya agad akong  dumeretso doon at umupo sa isa. Katabi ko ay isang babaeng nakaupo, mas bata ito sakin, gusto ko siyang kausapin pero mahimbing na yung tulog niya. Pagkaupo ko ay kinalabit ko yung seat belt mula sa likod ng upuan saka ito nilagay sa akin, dahil sa sikip nito ay naramdaman ko yung pagkabog ng puso ko, yung mabibigat at mabibilis nitong pagkibo. Huminga muna ako ng malalim, saka pumikit. Sinubukan kong kumalma. Hindi ito ang tamang panahon para mag break down, inisip ko sa sarili ko, kaya kayanin mo nalang please.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-memeditate ng may biglang tumapik sa'king balikat. Nasa state na ako ng parang makakatulog na sana kaya nahirapan akong idilat yung mga mata ko. Lumingon ako sa kung sino yung tumapik sa'kin, isang matangkad na lalake, kumakaway. Pinikit pikit ko yung mata ko ng ilang ulit bago ko na-realize na yung taong kumakaway sa ay si Jake pala. Alam ko kaagad na siya ito dahil naaalala ko pa rin yung suot niya kanina, army green na bomber jackets at itim na tshirt sa loob.

Imbis nakalma na ako ay bumalik ulit ako sa state-of-panic na naramdaman ko kanina. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit nininerbyos ako sa kanya. Napaka awkward din naman kasi nung first encounter namin, yun kaagad yung naalala ko kapag nakikita ko siya. Yun na yung tumatak sa isipan ko.

"Uy, a-anong ginagawa mo dito bakit nandito ka?" sabi ko habang pilit na ngumingiti, sana hindi siya awkward kausap, kundi ikakamatay ko itong byaheng ito.

"Ha?" gulat niyang sagot, "Ah ano, natagalan lang ako kasi bigla nila akong ni-rush sa clinic para gamutin sugat ko sa binti, hindi naman malala pero they needed to cover it because it's bleeding, so ayun, after nun, hinatid na nila ako dito. Then I saw you here and may bakanteng seat sa katabi mo kaya lumipat nalang ako. Okay lang ba... tumabi?"

"Ah." nag-isip kaagad ako ng sasabihin. "...and yeah okay lang, actually it's better to have company, lalo na sa mga nangyayari ngayon." dagdag ko pa, inayos ayos ko yung seatbelt ko dahil nagfifidget yung kamay ko. "Wala ka bang kasama? Yung parents mo? Ba't ka nga pala may sugat?"

"Ako lang... my parents, well, sa ibang facility daw sila dadalhin according dun sa military. Ewan ko nga rin kung bakit? I mean, di ko ma-gets yung reason nila. Wait---bakit ang dami mong tanong?" tumawa siya ng mahina saka siya umupo sa tabi ko. "Pinagpapawisan ka din, okay ka lang? A-ano nga ulit yung pangalan mo? Jenna right?"

Bigla akong hindi makasagot dahil sa sinabi niya. Napalunok ako ng laway. Halata na ba talaga akong natataranta? "Ah ano, ang init kasi sa labas, tapos stress siguro, basta ang hirap din kasi iprocess ng lahat alam mo yun?" walang saysay na sagot ko, "'Saka, Eliza yung pangalan ko, si Jenna, name yun ng hinahanap ko nung nasa school tayo, nagmamadali kasi ako nun." dugtong ko saka tumawa upang mawala yung awkwardness.

ProgenyWhere stories live. Discover now