Chapter 3

565 69 42
                                    

HANGGANG NGAYON, hindi pa rin ako makapaniwala na napag-iwanan na ng ibang mga bansa ang Pilipinas sa pag-unlad. Isang dekada na ang nakakalipas matapos mangyari ang pinakamalaking pandemya na naging problema ng buong mundo, isa ang Pilipinas sa lubos na naapektohan dahil sa kapabayaan ng administrasyon sa panahong iyon.

"Nang nakatanggap na ng lunas, nahirapan tayong bumawi."  ito ang sabi sakin ni Daddy nung bata pa ako.

Nahirapan ang bansa na ireconstruct ang nasirang ekonomiya ng bansa. Nakabawi nga pero hindi agad agad. Nakabawi, pero hindi sapat. Dahil dito, hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong isang third-world country.

Ang nakakainis nga lang, sa dinami dami ng mga handang bansa upang gawing sentro ng isang posibleng alien invasion. Bakit dito pa? Bakit hindi nalang sa Europe? or sa US? Alam kong masamang humiling ng problema para sa iba pero ang unfair lang kasi talaga. Bakit dito pa sa bansang halatang hindi handa? Hindi sapat ang mga depensa dito kung may magaganap man na panganib.

O baka naman pinili kami ng mga alien na yan, kung sino man yan sila, ay dahil alam nilang mahina kami.

Nakatago kami ngayon dito sa likod ng gate ng aming bahay, sa ilalim ng malaking puno. Nagtatago baka may makakita sa amin mula sa itaas. Baliw isipin pero sa mga nangyayari ngayon ano pa bang hindi pwedeng paniwalaan. Lahat na ata ng imposible ay posibleng mangyari.

Nandilim ang paligid nang lumabas ang parang itim na maliliit na tiles mula sa mothership. Mothership ang tawag dito sa movies kaya ito nalang din ang tawag ko dito. Mukha kasi itong parang yung base nila.

Mula dito ay unti unti itong kumakalat, tinatakpan ang kalangitan hanggang sa wala ka nang makitang visble sky. Para isang dead pixel sa isang laptop screen na lumalaki habang tumatagal, parang cancer cells sa katawan na hinahawa ang katabi nitong mga cells din. Dumadami. Kumakalat.

Ito ang nangyari sa langit. Ngayon, kung titingala ka sa taas, isang napakamalawak na itim nalang ang makikita mo.

Ang iniisip ko, baka gumagawa ito ng boundary, baka kinukulong na nila kami. Wala na bang makakalabas at walang na ring makakapasok? Anong silbi ng mga yan? Anong mangyayari kung babarilin ang maitim na parang holographic tech na yan, masisira ba yan katulad ng pagkasira ng dome sa Hunger Games nang pinana ito ni Katniss?

Napakadilim ng paligid. Mabuti nalang at may ilaw pa mula sa mga fuel generated electricity.

Although nakakatakot ang mga pangyayari. Tahimik lamang na nakalutang ang mothership sa itim na kalangitan. I wonder kung anong sunod na atake nito.

Ano ba kasi ang pakay nila sa amin? Naubos na ang resources namin dito sa bansa. 300 years kaming sinakop ng mga Kastila noon bakit sinasakop na naman uli kami? Bakit lagi nalang kaming nagpapasakop? Kailan kami matututo?

Lumipas ang isang isang oras at wala nang nangyari ulit na masama. Nakatago pa rin kami sa ilalim ng puno at walang nagsasalita. Tiningnan ko si Papa na hinahawi ang buhok ni Ezekiel, ang kapatid ko, na natutulog sa kanyang lap.

"Nasugatan ka." sabi ni Mama sakin kay naibaling ko ang tingin ko sa kanya. Nakalimutan ko na na may sugat pala ako. Nadala ako sa aking mga iniisip.

"Okay lang, 'di na rin naman masakit." sagot ko.

"May betadine dito sa bag. Nagligpit kami ng nga gamit nang makita namin ang balita bago lumindol." kinuha niya yung bag na nasa tabi ng puno at hinanap yung mga kailangan na gamit. Nilabas niya ang isang radio at ibinigay kay Papa. Maya maya ay inabot na niya sakin ang isang piraso ng cotton ball at bote ng betadine.

Progenyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें