Chapter 4

465 64 21
                                    

NATUTUNAN KO sa Physics namin nuon ang law of inertia, sabi dito na ang isang bagay na gumagalaw ay mananatiling nakalagaw sa parehong bilis at direksyon maliban na lamang kung may isang unbalanced force ang gagalaw dito.

Kaya naman kung mababangga ang isang sasakyan at biglang mahihinto, any person na nasa loob will continue to move forward dahil walang unbalanced force ang hihinto sa kanila.

Dito na papasok ang kahalagahan ng pagsuot ng seatbelt tuwing nagmamaneho, ang seatbelt ang magiging unbalanced force na 'yon na titigil sa isang moving body once may biglaang pag-iba ng bilis ng sasakyan o sakali itong mahinto. Kasi kung mangyayari man ito, the moment na mahinto yung sasakyan, nag eexert ka ng force sa seatbelt at mag-eexert din ito ng opposite force sa 'yo pabalik.

"Ma... Pa... naka seatbelt na ba kayo?" nag-aaalala kong tanong sa mga magulang ko.

"Ay oo nga pala... Alfred mag seatbelt ka." tugon ni Mama kay Papa. Agad agad namang nag-seatbelt si Papa gamit ang isang kamay habang ang nagmamaneho naman sa kabila.

"Thank you anak, nakalimutan ko na dahil sa pagmamadali," sagot niya sakin, tiningnan niya kami ni Zeke sa rear-view mirror. Niyakap ko ng mahigpit si Zeke dahil walang seatbelt dito sa backseat ng kotse.

Medyo may kabilisan ang pagtakbo ng sasakyan ni Papa. Para bang sumasabay ito sa beat ng music sa speakers. Pero kahit may music ay hindi pa rin nawala ang takot na aking nararamdaman. Hindi talaga ako komportable kapag mabilis ang takbo ng sasakyan. Naiintindihan ko naman dahil may emergency, at may tiwala din ako kay Papa.

Tumingin ako sa labas. Grabe, bumubugso yung ulan at ang lakas ng hangin. Kung normal lang itong pangyayari, iisipin mong bumabagyo lang. Pero malaki ang chansang hindi ito yung bagyong Lita na binalita sa TV kaninang umaga na biglang naglaho. Alam kong kontrolado ang pangyayaring ito. Hindi ko alam kung paano nila nagawa pero alam kong hindi ito normal.

Wala akong maaninag sa labas kundi ulan at hangin at ang makulimlim na panahon. Nasa highway kami ngayon, sampung kilometro mula sa Harrison Airbase na nasa dulong bahagi ng syudad.

Maingay ang kalsada dahil sa preno ng mga sasakyan na nag-uunahan, binabalewala ang speed-limit. May mga sasakyang mas mabilis pa yung takbo kesa sa amin at nalalagpasan na kami. Minsan ay tahimik na napapamura si Papa kapag may biglang nag-oovertake. Kahit mabilis yung takbo ni Papa ay nakasunod pa rin ito sa speed limit, hindi tulad ng iba na wala talagang konsiderasyon.

Pumalit yung music sa 'Zombie' by The Cranberries. Minsan talaga nakakagulat ang playlist ni Papa. Hinayaan na namin ito dahil mas nakaabang kami ngayon sa daan.

Walang nagsasalita sa amin. Dito sa loob, maliban sa bahagyang ingay ng music, tanging ingay ng windshield wiper at patak ng ulan sa sa bubong ng sakyan lamang ang tanging naririnig.

Lahat kami ay kasalukuyang naka-focus sa daan, except kay Zeke na nakatago sa mga braso ko. Nakakapigil hininga ang lahat, na para bang lahat kami dito sa loob ang nagmamanaho. Si mama ay nakahawak ng maigi sa dashboard ng shotgun seat. Mahigpit naman ang hawak ni Papa sa manobela.

Sabi nila, totoo daw ang kasabihan na mararamdaman mo munang may mangyayaring masama bago pa man ito mangyari.

At yung nga ang naramdaman ko. Biglang may lumabas na imahe sa aking isipan. Dalawang malalakas na ilaw ang mabilis na sumalubong sa aking mga mata. Nangyari ang lahat sa isang iglap lamang, sa isang kisapmata.

ProgenyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon