Chapter 5

395 55 37
                                    

NAPASIGAW AKO SA TUWA, "Jenna!" at napalakas ata yung sigaw ko dahil napalingon sakin yung mga taong nasa harapan ko. Hindi ko na sila pinansin dahil sinugod ko na ang daan papunta kay Jenna habang hawak parin si Zeke sa kamay.

"Zeke dali, dito tayo." senyas ko sa kapatid ko na nagulat din sa akin.

"Excuse me... Padaan po..."

"Sino yan ate?" tanong ni Zeke nang medyo malapit na kami at natatanaw na namin ang malalaking ngiti ng babaeng 'to. Hindi pa siya kilala ni Zeke pero nakwento ko na si Zeke sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkagalak at ganun din naman ako. I felt relieved, para bang nawala yung kaba sa dibdib ko na kanina ko pa binibitbit.

I hugged Jenna tight as soon as I got into her, "Oh ano? Okay ka lang ba?" sabi ko saka umupo sa bakanteng upuan. "Si Zeke, kapatid ko, nakwento ko na siya sa'yo dati."

"Zeeeke! Ang kyut kyut mo ngaaa aaah!" gigil na gigil na bati ni Jenna sa kapatid ko na bigla niya ding niyakap. Nakatingin lang si Zeke sakin habang kinukurot ni Jenna ang kanyang mga pisngi. "Abaa, gwapo rin 'tong kapatid mo. Paglaki neto—my god, for sure pagpipilahan 'to." mungkahi ni Jenna saka ginulo ang buhok ni Zeke.

Natawa ako sa reaksiyon ni Zeke. Halatang ayaw niyang ginaganyan siya pero pinilit niya pa ring ngumiti. "Hoy ano ka ba, 'wag mo ngang turuan." biro ko.

"Anyway..." panimula niya at hinarap na ako, mukha niya pa lang parang ready na siya para sa isang mahabang chikahan. Inayos niya yung glasses niya sa kanyang ilong saka siya nagbuntong-hininga. "Jusko, muntikan na akong mamatay beh, alam mo ba..."

Nakangiti ako saka tumango. Sa aming dalawa siya talaga yung makwento. Ito ata dahilan kung bakit kami mag best-friends ngayon, kasi siya ang unang pumansin sakin noon sa 7th grade pa lamang kami.

Habang nagkukwento sya, may napansin akong pamilyar na tao sa kanyang likuran, nakasuot sya ng army green na bomber jacket at naka-airpods, nakapikit ang mata at naglilipsync sa tinutugtog niyang music. Medyo may kalayuan siya samin, mga sampung upuan mula samin, pero alam ng mga mata ko na si Jake ito.

"So ayun nga beh, so diba yung lola ko dinala sa hospital kagabi, tapos naiyak nga ako 'nun, binigay niya sakin yung necklace niya para daw kasama niya ako kung san man ako mapunta..."

Habang nagkukwento si Jenna ay kumukuha ako ng chansa upang sumilip sa kanyang likuran, inobserbahan ko si Jake at habang tinitingnan ko siya ay naaalala ko yung encounter namin sa school kahapon.

"Tapos beh, sabi ni lola, wag daw muna ako mag boboyfriend habang di pa sya namamatay."

Hindi ko mapigilang hindi mapansin ang kanyang side profile. Napaka... inosente.

"Tapos niyakap niya ako beh... pero like nagdadalawang isip ako kasi naman diba..."

Ilang sandali ay bigla niyang binuksan ang mga mata niya at tumingin sa gawi ko na para bang alam niyang kanina pa ako nakatingin.

"Gago!" napamura ako at bigla akong napatago kay Jenna na nagulat din sakin, akala niya ata minura ko yung kwento niya tungkol sa kanyang lola.

"Jusko naman Eliza, kakagulat ka naman hindi ka naman pala nakikinig sakin sino ba yang tinitingnan mo—" tinakpan ko yung bibig ni Jenna at hinablot siya bago pa man siya tuluyang makita si Jake sa likod at mahalata kami.

"Uy shhh... do me a favor wag kang lumingon nakakahiya." bulong ko sa kanya habang nakayuko. Yumuko din siya sa harap ko para magkarinigan kami.

"Bakit sino ba yan?" bulong din niya pabalik.

"Ate okay lang kayo?" tanong ni Zeke. Tinapik ko nalang siya sa shoulders niya bilang sagot.

ProgenyWhere stories live. Discover now