Chapter 7

410 48 22
                                    

NAGISING AKO SA ISANG malakas na pagsabog. Kasabay ng pagdilat ng aking mata ay ang pagkabagsak ko sa sahig na para bang may tumulak sa akin ng malakas mula sa likod.

Sinubukan kong humawak sa seatbelt pero bago ko paman ito mahawakan ng mahigpit ay bigla itong napigtas. Malakas ang pagkabangga ng aking braso sa sahig habang niyuyugyog ako ng gumagalaw na sasakyan. Huli na ng makasigaw ako dahil sa biglaang mga pangyayari.

Napakabilis ng lahat ngunit kitang kita ko ang malalaking apoy at usok na bumabalot dito sa loob. Pinilit kong pinroseso kung ano ang nangyayari sa amin ngunit hindi ako makapag-isip ng matino dahil kumikirot ang aking natamang mga sugat sa binti. Para akong nabugbog ng ilang beses ng dahil sa sakit.

Naramdaman kong umiinit na ang sahig at kung hindi ako makakalabas dito ay alam kong masusunog ako ng buhay. Kaya naman gamit ang natitira kong lakas ay sinubukan kong tumayo. Mahapdi yung sahig dahil sa init ngunit tiniis ko na lamang ito. Nasaan ka na Jake? bigla ko'ng naisip.

Tumingin tingin ako sa paligid ngunit wala nang tao. Nag-iisa ako dito sa loob ng ngayon ay wasak na na cabin ng C130, napapaligiran ng usok at apoy. Napaubo ako ng madami kaya napatakip ako ng bibig dahil parang tinutusok yung lalamunan ko sa hapdi. Sinubukan kong maglakad ng dahan dahan papunta sa pintuan ng eroplano, mabuti na lamang at nakabukas ito.

Pinulot ko ang isang mahabang kahoy na nakita ko sahig habang naglalakad papunta sa nakabukas na pinto. Ginamit ko ito upang alisin yung mga debris mula sa pagsabog. Lubha akong nagulat dahil hindi nasunog ang bandang ito ng C130, hindi ako mahihirapang lumabas.

Gabi ang sumalubong sa akin nang makalabas ako ng sasakyan. Puno ng mga bituin ang kalangitan at napakatahimik ng gabi. Isang malawak na disyerto ang binagsakan namin. Walang puno at napakatuyo ng lupa. Lumingon ako sa likod upang pagmasdan ang naganap na pagbagsak ng C130. Pagkalingon ko ay biglang umulan, at ikinagulat ko ulit ito. Hindi ko ma-explain ang nangyayari sa akin ngayon na para bang nasa isang panibagong dimension ako. Para bang hindi natural ang mga pangyayari.

Ang mga makakapal na usok na lumalabas mula sa loob ay unti unti nang napapanaw dahil sa pagbuhos ng ulan. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking mga damit at ng kulay brown ko na buhok. Bawat patak ng ulan ay parang yelo sa sobrang lamig.

Nakarinig ako ng may tumawag sa aking pangalan. Boses ng isang lalake. Hinanap ko ang pinanggalingan nito at nakita ko si Jake na tumatawag sa akin. Mga limang metro ang layo namin sa isa't isa kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

Palapit ng palapit at unti unti ko nang napansin ang kanyang kalagayan. Napahinto ako bigla nang dahil sa takot. Nakasuot siya ng puting sando at itim na pantalon, ngunit punit-punit ito at madumi. Puno ng gasgas ang kanyang mga braso at sunog ang kanang bahagi ng kanyang mukha, sa sobrang lala nito ay para bang lalabas na ang kanyang mga mata. Sabay na dumadaloy sa kanyang katawan ang patak ng ulan at ang mga dugo mula sa kanyang mga sugat.

"J-jake? A-ako 'to, anong nangyari sayo?" nauutal kong pagtawag sa kanya habang dahan dahan akong naglakad papalapit. Nakangiti lamang siya at deretsong nakatingin sa akin, parang wala lang sa kanya ang lahat. Kinilabutan ako ngunit patuloy akong lumapit.

"Eliza! 'wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang lalake mula sa aking kanan. Napahinto ako at kaagad na napatingin sa kanya, kaagad ko siyang nakilala sa sandaling nagtama ang aming mga tingin. Walang nagbago sa mukha niya, ang moreno niyang kompleksiyon, ang madilim niyang mga mata na para bang nanghihila, ang makapal niyang mga kilay at ang medyo kulot niyang buhok. Lahat ito ay naaalala ko pa.

"Leo?" pagtawag ko sa kanyang pangalan. Bigla akong nakaramdam ng parang kurot sa'king puso, kasunod nito ang pamumuo ng mga luha sa'king mga mata. Hindi ko inakalang mababanggit ko ulit ang pangalan niya matapos siyang mawala dalawang taon na ang nakakalipas.

ProgenyWhere stories live. Discover now