Chapter 2

722 65 67
                                    

ILANG SEGUNDO MUNA akong nakatangin sa kanila bago ako nabalik sa aking pandama at agad na napatago sa gilid ng glass panel ng pinto.

Sumilip ako kung ulit para malaman kung kakilala ko ba yung dalawang studyante na nag-uusap sa loob.

"Jake listen to me please!" sigaw ng pamilyar na boses ng isang babae.

Jake. Si Jake na football captain ang kausap niya. Sikat si Jake Gregory sa campus dahil isa siyang jock. Typical jocks. Yung kapag nakakasalubong mo sa hallway hindi mo maiwasang mailang dahil sa physical attributes niya. Yung kulay brown niyang mga mata at ang mahaba niyang pilik-mata ang isa sa mga una kong napapansin. Siya yung kinukuha na model para sa Uni namin.

"Shit, bakit kayo dito nag-uusap," bulong ko sa sarili ko. Nakinig muna ako ng maigi para makakuha ng tyempo upang pumasok.

"Kelly I thought we're just flirting? Bakit ka naghahanap ng label ngayon?" medyo naiinis na sagot ni Jake sa kung sino man yang Kelly na yan. "You know what? you're wasting my time. Mabuti pa umalis na tayo dahil may emergency."

"Jake please." her voice sounded like she was begging. "Why can't you just settle nalang sakin? Let's make it public."

"Seryoso ka ba Kelly? Alam mo namang hindi talaga ako papayag. Akala ko ba alam mo yung talagang habol natin sa isa't isa? Hanggang 'dun lang tayo Kelly, at isa pa, we agreed on this sa simula pa lang, diba?"

Hindi ako makapaniwala sa pinag-uusapan nilang dalawa ngayon. Sabagay hindi ko din naman talaga kilala si Jake, ibang iba sa first impression ko. Dahil sa mga narinig ko, nakalimutan ko yung totoong pakay ko dito. Tinapik ko yung ulo ko. Napaka-chismosa ko talaga minsan.

Looking through the glass panel. Nakita ko ang pag-grab ni Kelly sa mga braso niya. Tinutulak siya ni Jake palayo pero hindi nagpapigil si Kelly. Maya maya pa ay akma nitong hinalikan si Jake sa labi.

Napailag ako ng tingin.

Napailag ako ng tingin dahil inaasahan ko na sasaktan siya ni Jake dahil sa ginawa niya. Pero ilang segundo ang nakalipas ay wala akong narinig na sigaw mula kay Kelly.

Nang tumingin ako ulit ay nagulat ako. Naghahikan na pala ang dalawa. Kainis. Looking at them, mukhang nag-eenjoy talaga silang dalawa at parang hindi sila matatapos kung hindi ko sila pipigilan.

Kailan ko sila pipigilan? Kung mamamatay ako ngayon ayokong mamatay na dito kasama sila.

Huminga ako ng malalim. Naghahalikan pa rin sila na parang katapusan na ng mundo. Nakakainis lang, katapusan na nga pala ng mundo.


Kelly's arms are now wrapped on Jake's shoulders while Jake on the other hand is caressing her legs. Nagulat ako, pwede bang 'wag nalang dito sa loob ng classroom, maawa naman kayo sa picture ni Rizal at Jesus na nakatingin sa inyo sa loob.

Hindi dahil mag-eend of the world na ay may pass na kayo para gawin yan dito. Although wala akong pakealam sa ginagawa nila ay nainis ako dahil nagmamadali na ako. Kung kasama ko si Jenna ngayon, ginulat na niya ang kaluluwa ng dalawa by barging in.

Sana kasama ko si Jenna. Wala akong choice ngayon dahil ako ang magiging party-pooper sa ginagawa ng dalawang 'to.

Nakaplano na ang gagawin ko sa aking isipan. Huminga ako ulit ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto, linakasan ko talaga ang pag-ikot sa door knob para masiguro na mapansin nila ang pag-open nito, nang makapasok ay umakting ako na parang nagulat ako sa aking naabutan at hindi ko sila ineexpect.

ProgenyWhere stories live. Discover now