Chapter 5

8.7K 326 19
                                    

"We bury things so deep we no longer remember there was anything to bury. Our bodies remember. Our neurotic states remember. But we don't."
—Jeanette Winterson



5





She was trying to walk not minding her trembling knees. She's not drunk but she is tipsy. She tried to sleep but she couldn't so she just decided to stay awake along the shores just to take her mind off of that kiss.

Pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya muna iiyak. Ceasefire muna sila ng lacrimal gland niya. She was just trying to enjoy her view. Mabilis lumipas ang oras at napagpasyahan niyang bumiyahe pabalik ng maynila.

Nahimasmasan naman na siya, hindi na siya lasing kaya sa tingin niya ay safe na siyang makakapagdrive.

Habang binabaybay niya ang daan pauwi ay pinagmamasdan niya ang marahang pagsikat ng araw. For some it is a sign of hope, of new beginnings and of new chances to take. Pero para sa kaniya, sunrise is another sign of prolonged agony.

Si Karylle ay anak sa pagkadalaga ni Esperanza Padilla na siya ngang CEO ng PEC. Ang kaniyang ama ay si Modesto Tatlonghari, na nakilala na lang niya nang siya ay nagdalaga na. She never got his surname dahil inilayo siya ng kaniyang ina dito. It was never an issue for her because she was not fond of her father during those times anyway.

Growing up she was used to having everything her way, nasanay na siyang laging wala ang kaniyang ina sa kaniyang tabi dahil nga busy ito bilang isang singer at bilang isang artista. She never had a problem with it dahil nga kasama naman niyang lumaki ang mga pinsan niyang sila Arianne at Anne and they were all spoiled by their mangga.

It was when her mother told her that she was having a sister and her mom was getting married that she started to find her place in her own family. Yun ngang sila lang ng mommy niya ay kulang kulang na ang oras nito for her, ngayon pa kayang bubuo na ito ng pamilya in which she feels she never belonged to?

Nang lumabas ang mga kapatid niya, she was already about to venture in her teenage years. Kahit dumadating sa punto na nagselos ito, she didn't love them any less. In fact, she grew very fond of them. Paminsan minsang naiinis pero she will always give way for them dahil yun na rin ang turo ng mommy niya. Mabait na bata si Karylle, she was mature for her age. She was very understandable with her busy mom and noisy sisters. Bawing bawi naman kasi siya ng pagmamahal ng Lolo, Lola at mga pinsan niya kaya hindi na niya ininda iyon.

Pero siyempre minsan dumadating din siya sa punto na tinatanong niya ang kaniyang ina tungkol sa kaniyang ama lalo na everytime she sees Zia and Coco with their dad. Zsazsa remains mum about Modesto. May namumuo pa rin kasing galit sa puso nito nang iwan siya ng dating nobyo matapos malaman na buntis nga siya. Nananatili siyang tahimik tungkol sa tatay ni Karylle dahil ayaw naman niyang siraan ito sa sarili niyang anak. She was not that kind of person. Alam naman niyang one day he will come back and decide to be a part of K's life. Hindi naman siya hahadlang rito, she will let Karylle decide and judge her own father. At hindi nga siya nagkamali, he did came back at sa di kalaunan, because of his availability and presence ay mas naging close pa nga si Karylle sa tatay niya. They were inseparable. Laging magkasama, laging magkausap. Mabilis na napatawad ni Karylle ang kaniyang ama.

She was a very jolly individual, napakasayang bata, madalas iniispoil ang mga kapatid, she grew closer with her mom and her step father rin at maaga siyang naging entrepreneur. At a young age of 23 ay nagkaroon na ito ng sarili niyang negosyo, it was her father's gift to her. She was living her life, she is a theater actress, she was about to release her album and she has her own cafe shop na iniregalo ng kaniyang Daddy sa kaniya.

Piece by PieceWhere stories live. Discover now