Le Final

9.9K 443 128
                                    

"Scattered all over the place, not knowing how to start
Breathing at a pace, almost scarring me at heart.

Staring at the dusking sun, a little broken and marred
You came in and held me despite my darkest art

You, chipped, flawed, jaded, masterpiece
Broken and shattered but I'll never miss..."








Le Final


Ilang araw na ba ang lumipas? Ilang buwan? Ilang taon? Hanggang ngayon naaalala ko pa. Sa bawat pagsikat at paglubog ng araw ang naaalala ko lang ay siya. Minsan naiisip ko sana may repeat button ang mga tao para sa isang pindot lang, kaya na nating balikan ang lahat. Gusto kong paulit ulit na balikan kung paano kami nagsimula, muntik magtapos at heto nga, sinisimulang buuin ang pang habambuhay. Haaay. Ako si Ana Karylle, Padilla sa ngayon pero maiiba na yan mamaya. Wait, eto na, Viceral here I come!



"Ready brad?" The way Vhong patted his shoulder seemed to have calmed him. Ang daming tumatakbo sa isip niya but they were all from excitement. Gusto na niyang makita ang kaniyang soon to be.

Sa pagtango ni Vice ay sinimulan na ang pagtugtog ng orchestra, thus marking the start of the wedding.

Classical music was being played as guests started to walk down the aisle. Kitang kita ang mga ngiting kumikislap sa mga labi ng mga kapatid ni Karylle. Sinundan nila Nadine at James, Kathryn at Daniel at ang mga lumuluhang sina Ryan at Gabbi. Ang Team Karylle who became part of their relationship.

Sumunod na naglakad ay si Arianne, Karylle still insisted for her to be part of the ceremony.  Kasama niya ay si Billy, isa sa matalik na kaibigan ni Karylle at ngayon ay ni Vice na rin. He will always be part of Vicerylle.

Vicerylle, ang love team name na nabuo ng Team Karylle bago ang kasal. #VicerylleWedding nga ang pauso ng mga ito sa social media. It shockingly trended. They never thought that people were actually following their love story from the beginning.

Behind Arianne walked Anne, Karylle's matron of honor, who is guiding a one year old Alfonso na natututo pa lang maglakad. The couple chose Alfonso to be their ring bearer. Tumakbo pa si Vhong, Vice's best man, upang samahan ang kaniyang mag-ina. A photo of a perfect family. A family that became the biggest instrument para magtagpo ang dalawa at magsama.

Matapos ang tawanan nang magsimulang habulin ng mag-asawa si Alfonso ay biglang tumahik ang buong simbahan. Lights went dark at the back of the church at nagsimula ng maglakad ang flower girl, it was Zia, Arianne and Dominic's daughter. Vhong went back to his place and patted Vice at tinuro ang ama nito.

Sir Carlos Viceral, still in a wheelchair grabbed the hand of his son at nang yumuko si Vice ay niyakap niya ang kaniyang anak.

"I am so proud of you at sigurado akong sobrang saya rin ng Kuya mo ngayon para sa'yo! I can tell that he's beaming in heaven in glee seeing you like this. I'm very glad that you found your true happiness."

Sa sinabing iyon ng kaniyang ama ay nagsimula ng tumulo ang luhang kanina niya pa tinatago. Pupunasan na sana niya ang kaniyang mata nang biglang lumapit sa kaniya si Baby Z at may inabot na panyo. Natawa si Vice sa note na nakasulat along with it.

For your tears. Bakit ka umiiyak? Bakla ka ba?— AKV

Malakas talaga ang sapak ng nobya—magiging misis niya.

Piece by PieceWhere stories live. Discover now