Chapter One

1.4K 23 2
                                    

Gusto nang sumarado ng mga mata ni Maddie. Nakasalampak siya sa dalampasigan at walong lata na ng beer ang nauubos niya. Kahit naliliyo na siya, gusto niya pa ring ipagpatuloy ang pag-inom niya. Binigyang-katwiran niya ang sarili niya. Hindi naman niya araw-araw ginagawa ang paglalasing. Actually, this was just the second time since Richard died. Ang una ay noong first death anniversary nito at ang ikalawa ay ngayon ngang dalawang taon na mula nang pumanaw ito. Richard was her long term boyfriend. Halos perpekto ang relasyon nila. Pero nauwi lang sa wala ang lahat. Iyon ang mapait na katotohanan.

"Miss." Iyon ang pumukaw sa atensyon niya. Dahan-dahang lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig.

"Bakit?" Napakunot-noo siya.

"Hi. I'm Cyrus Fabian. Kanina ko pa kasi napapansin na mag-isa ka dito. At mukhang lasing ka na. Do you need someone to talk to?"

"I'm not yet drunk. Kaya ko ang sarili ko." Iniwas niya ang tingin niya rito. Mabilis lang ang ginawa niyang pag-aanalisa sa pisikal na anyo ng lalaki sa tabi niya. She can describe him in just two adjectives – handsome and sexy.

Hindi niya alam kung bored lang ang lalaki o kung talaga lang makulit ito. Hindi nito pinansin ang sinabi niya bagkus ay prenteng umupo pa ito sa buhanginan sa tabi niya.

"Hindi ako magaling magpayo. But I can assure you, I'm a very good listener." Nanghihikayat ang tinig nito.

When she looked into his eyes, she saw a glimpse of sincerity. Of passion to help.

Siguro nga ay kailangan niya ng makakausap. Someone who doesn't know her. Someone who will do nothing but listen. Lahat kasi ng nakakausap niya, pare-pareho ng sinasabi. Mag-move on na daw siya. Kalimutan niya na daw si Richard. Hindi raw tamang mabuhay siya sa nakaraan.

"Naranasan mo na ba ang sakit na dulot ng pag-iwan sa iyo ng taong mahal mo?" Tinungga niya ang ika-siyam na lata ng beer sa tabi niya. Alam niyang mali na kausapin niya ito. Hindi ba't isa lang naman ang kabilin-bilinan ng mga magulang niya simula pagkabata niya? Don't talk to strangers. Pero dahil siguro may tama na siya sa nainom niya, hindi niya na nakontrol ang dila niya sa pagsasalita.

"I guess so," matipid na tugon nito sa tanong niya.

"I don't know how to move on. Wala kaming closure. He just died. He was killed. No goodbyes. Just nothing."

"Gaanong katagal na siyang wala?" tanong ng lalaking nagpakilala sa kanya bilang Cyrus. Seryoso itong nakikinig sa bawat sabihin niya. Dumampot din ito ng beer at sinamahan siyang uminom.

"Two years na. Sabi nila, it's not normal to grieve for two years. Usually daw ay one year lang. Pagkatapos daw ng babang-luksa, moving on stage na. But who are they to tell me that? Grieving is a process, a personal journey. Sa umaga hanggang hapon, nagagawa kong maging busy. Nakakangiti ako. Gusto kong isipin nila na okay na ako. Pero sa gabi, nalulungkot ako kapag mag-isa na ako. I always read his last text messages, I always listen to his voicemails. Lahat ng ala-ala na naiwan niya sa cellphone ko, hindi ko binubura."

"He is a lucky guy," komento nito.

"I don't know. If he is lucky, then why did he have to leave me? Why didn't he fight for his life? Why did he heave his last breath?" Hindi niya na napigilan ang mapasigok.

"Maybe you'll kow someday."

"Kailan ko pa malalaman ang sagot sa mga tanong ko? He's so unfair. He promised me that we'll grow old together. He promised me." Tuluyan na siyang napahagulgol habang paulit-ulit niyang sinasabi ang mga katagang 'He promised me.'

CHASING MADDIE By AnrolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon