Chapter Nine

473 14 0
                                    

Ready na ang surprise ni Maddie para sa boyfriend niya. She was about to tell him something. Hawak niya ang ultrasound report.

Yes, she is pregnant. Naroon ang picture ng baby nila. Six weeks pa lang ang dinadala niya. The baby looked like a tiny ball in the ultrasound picture. Paano ba namang hindi sila makakabuo gayung hindi na siya tinantanan ni Cyrus. Namula ang mukha niya nang maisip iyon.

Halos gabi-gabi itong natutulog sa bahay niya. They even did it once in his house. Dinala siya minsan nito sa bahay nito. Nagkataon naman na wala noon si Caitlyn sa bahay at ang ama ng mga ito ay ilang buwan na ring namamalagi sa ibang bansa. Ang mga kasambahay lang ang naroon.

He wanted to marry her. Pero vocal siya sa pagsasabi rito na kapag handa na siya, sasabihin niya agad dito.

Nang malaman niyang buntis siya, walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. She instantly loved the baby. Hindi niya rin akalain na mamahalin niya si Cyrus ng ganoon katindi.

Maaga siyang nagpunta sa bahay nito para sabay na silang pumasok sa opisina at para maiabot niya agad dito ang sorpresa niya. Agad siyang pinapasok ng kasambahay nito dahil kilala naman siya nito bilang kasintahan ni Cyrus.

Napangiti siya nang maulinigan na naliligo ang lalaki sa bathroom sa loob ng silid nito. Wala sa loob na napapikit siya. His masculine smell lingered inside the room. She felt the urge to hug him. Gagawin nya iyon pagkalabas nito sa banyo.

Nang maupo siya sa gilid ng kama nito, may nahagip ang mga mata niya. Pile of papers iyon na nasa ibabaw din ng kama nito. Dinampot niya iyon. Of course, she wasn't going to read those. She values confidentiality.

Aayusin niya lang iyon at ibabalik sa folder doon dahil mukhang disorganized na iyon.

"Shit!" she uttered nang dumulas sa kamay niya ang isang pahina ng mga dokumento. She was about to pick it up when her heartbeat raced uncontrollably. Her heart pumped really hard that she almost couldn't breathe. She felt numb. That paper was an affidavit of detachment. Hindi niya sana pagkakainteresang basahin iyon kung hindi lang nadaanan ng mata niya ang pangalan ni Richard in bold letters.

It was an affidavit freeing the suspect from the hit-and-run crime. Nais niyang magwala nang makita ang pangalan ni Caitlyn roon.

She was the criminal!

Paanong naabswelto ito sa kasalanan nito nang hindi man lang niya nalalaman? Nakapirma rin doon ang stepmother ni Richard.

Now, that makes sense.

Nagpabayad ito nang malaki sa pamilya ni Caitlyn kapalit ng pagsasarado nito sa kaso. Wala na siyang pakialam sa confidentiality. Tiningnan niya ang lahat ng dokumento roon. Naroon din ang mga larawan niya. Stolen shots iyon ng pagdalaw niya sa puntod ni Richard. So Cyrus knew it all along? Hindi kaya sinadya lang din nito ang pagpasok sa buhay niya? Siguro ay inuusig ito ng konsensya nito dahil sa ginawa ng kapatid nito. At ang naisip nitong paraan ay pasayahin siya at pilitin siyang kalimutan si Richard.

She couldn't stand the betrayal. It's as if the whole world conspired against her. Ang tanga-tanga niya! Nasa paligid niya lang ang mga taong sangkot. They were breathing the same air. Pero bakit wala siyang napuna? Masyado niya bang inilugmok ang sarili niya sa pagluluksa kaya hindi man lang niya nahalata?

Ngayon niya unti-unting naaalala ang paulit-ulit na pag-assure sa kanya ni Rose na malabo ng malaman kung sino ang nakasagasa kay Richard. Ang assertive way ng pagdedeklara sa kanya ng mga pulis na case closed na ang kaso. Iyon naman pala ay closed na nga talaga dahil natapatan na ng pera, hindi dahil sa lack of evidence.

CHASING MADDIE By AnrolsWhere stories live. Discover now