Chapter Two

589 16 0
                                    

Pakiramdam ni Cyrus ay pagod na pagod siya. Dahan-dahan niyang niluwagan ang neck tie sa pagkakatali nito sa leeg niya. He needed some fresh air. Two weeks na siyang ganito. Aburido. May hinahanap siya pero hindi niya matagpuan.

Natigil siya sa pag-iisip nang may biglang yumakap sa likod niya.

"What are you thinking, my dearest brother?" Si Caitlyn iyon, ang one and only sister niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito sa opisina?" nakangiting tanong niya rito. Kapag kausap niya ito, gumagaang ang mundo niya. Caitlyn was very young, sweet and free-spirited.

"I'm here to start my training as product developer of our company." She smiled sweetly.

"Hindi ko inisip na magsisimula ka na. Akala ko ieenjoy mo muna ang free time mo sa pagliliwaliw pagkatapos ng graduation mo."

"Well, you're wrong. Ayokong masayang ang oras ko." Umupo ito sa swivel chair niya at hinigop ang kape na nasa ibabaw ng mesa niya. "So, you can answer my question now. Ano ang iniisip mo at mukhang balisa ka?"

He sighed. Namulsa siya sa harap ng glass window niya. Wala naman sigurong masama na mag-open siya sa kapatid niya.

"I met a woman."

"Oh." Yun lang ang tanging reaksyon ng kapatid niya. Tila hindi na bago sa pandinig nito na may babaeng nauugnay sa kanya.

"Hindi siya mawaglit sa isip ko," dugtong niya.

"Ang corny mo kuya," natatawang hirit nito. "You're a playboy. Hindi yata ako naniniwala na may isang babaeng nagpapagulo ng isip mo."

Naningkit ang mga mata niya pagharap dito. "Kung ayaw mong maniwala, hindi kita pipilitin."

"Joke lang." Lumapit ito sa kanya at kinurot ang pisngi niya. "Tell me more about this woman." This time, seryoso na ito at hindi na mukhang nang-aasar.

"Na-meet ko siya sa resort natin. Naglalasing siya dahil namatay ang boyfriend niya. I accompanied her. Then the next day, hindi na kami nakapaghiwalay nang maayos. She became distant." Brief lang ang naging pagkukwento niya rito. He skipped the part where he saw the woman's naked body. Magmumukha siyang kiss-and-tell kapag sinabi niya iyon. He would just keep it to himself. Naipilig niya ang ulo niya nang mag-flashback na naman sa kanya ang eksenang iyon.

Caitlyn seemed to be interested. "Maganda ba siya? Sexy?"

"Yup," tipid na tugon niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang akmang words para i-define ang kagandahan ni Maddie. For him, she looked like an angel. Although wasted ito nang makilala niya, she still had the natural beauty. Kulot ang mahabang buhok nito na bagay sa maamong mukha nito. And sexy? She was damn hot! Kahit na simpleng shorts at T-shirt lang ang suot nito, hindi maitatatwa ang magandang hugis ng katawan nito.

Alam niyang hindi lang pisikal na atraksyon ang nararamdaman niya sa babae. There was something in her big, brown eyes that caught his attention. Nangungusap ang mga mata nito. Very expressive iyon sa kabila ng hindi maitatagong kalungkutan niyon. Malakas din ang pakiramdam niya na mabait ang babae. Sayang nga lang at hindi sila nagkakilala sa mas maayos na panahon at pagkakataon.

"Alam mo naman siguro ang name niya?" untag ng kapatid sa pananahimik niya.

"Yeah. Nickname niya lang ang binigay niya sa akin. But since it's our resort where she stayed, I got her full name from our staff."

CHASING MADDIE By AnrolsWhere stories live. Discover now