Chapter Six

390 11 1
                                    

Everything except that nerve-wrecking cliff diving was fun. Hinayaan din siya ni Cyrus na mag-snorkeling at fish feeding habang nakabantay ito sa kanya. She enjoyed his company. Masarap pala itong kasama sa paggala.

Nang makabalik sila ng isla ay may sumalubong agad sa kanila na tatlong magagandang babae at isang bading. Agad na napalis ang ngiti sa mga labi niya.

"Mister, gusto naming i-tour mo rin kami. Name your price." Nagpapa-cute ang magandang babae na nagsabi niyon. Very straightforward ito.

"Miss, for family use lang kasi itong bangka ko. Marami diyan sa tabi na naaarkila talaga," magalang na tugon ni Cyrus.

"Sige na, please. We're tourists here. Balikbayan kami. Gusto namin na ikaw ang mag-tour sa amin," pamimilit ng isa pang babae.

Napansin niya na ang isa sa mga babae ay tinitigan ni Cyrus nang matagal. Parang solo ng dalawa ang mundo nang magtagpo ang mata ng mga ito. Then he saw recognition on Cyrus' face. Mukhang kilala nito ang babae. And that woman smiled a little. May kung anong ipinahihiwatig ang tingin nito.

Tumingin sa kanya si Cyrus. "Maddie, what do you think?"

Ang bilis namang magbago ng isip nito. Noong una, aayaw-ayaw pa. Nagkibit-balikat lang siya. Wala namang kaso sa kanya kung gusto ng boss niyang patulan ang pamimilit ng mala-modelong mga babae na iyon. Iyon ang pilit niyang iginigiit sa sarili niya.

"Bahala ka. Kaya lang baka may meeting ka pa mamaya?" Alam niya naman na bukas pa ang meeting nito. But she was trying to send him a message. Nais niyang sabihin dito na iyon ang idahilan nito.

"Wala naman. Bukas pa 'yun."

Ang hudyo! Hindi pa yata nakahalata na ayaw niyang payagan ito. Read between the lines, Cyrus. Don't be too slow.

"Then, bahala ka," labas sa ilong ang sagot niya rito.

Lumingon ito sa tatlong babae at isang bading. "Mapapagbigyan ko kayo kaya lang ay isang island lang. Kasi gutom na kami nitong kasama ko at may lakad pa kami mamaya."

Hayun naman pala, may pampalubag-loob naman ito. Naalala pa rin siya nito kahit na saglit.

"No problem," sagot ng bading. "Sa wakas, pumayag din ang gwapong ito."

Ang tatlong babae na tipong mga modelo ay tuwang-tuwa rin at panay ang pagpapa-cute sa binata. Ang sarap hilahin at ipagwagwagan ang buhok ng mga lukaret.

"Maddie, halika sumama ka sa amin."

"Ayoko, pagod na ako. Magpapahinga na ako." Seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon. Obvious naman na hindi gugustuhin ng apat na makasama siya.

"Okay, rest well. Hintayin mo ako sa resthouse." Saglit lang siyang kinausap ni Cyrus at nagmamadali na itong sumakay muli sa bangka kasama ang apat.

Gigil na gigil siya. Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding selos. Totoo nga ang mga naririnig niya sa opisina na certified playboy si Cyrus. Sukat ba namang iwanan siya para makasama ang magagandang babae na 'yun. Hindi pa man nagiging sila ay pasasakitin na yata nito ang ulo niya.

Dapat pala ay sinabi niya na lang na girlfriend na siya ni Cyrus para hindi nagpumilit ang mga ito na isama ang lalaki. Pero malakas ang kutob niya na willing naman talagang sumama si Cyrus. Nahahalata niyang kilala nito ang isa sa mga babae roon. Pero naiinis pa rin siya rito. Hindi tama na iwan siya nito. How dare him!

Kanina pa kumakatok si Cyrus sa kwarto niya pero hindi niya ito pinagbubuksan. Nagtampo talaga siya rito dahil sa ginawa nito. Tumupad naman ito sa pangako dahil saktong isang oras mula nang umalis ito ay nakabalik agad ito. Agad pa nga nitong kinatok ang silid niya.

CHASING MADDIE By AnrolsWhere stories live. Discover now