Chapter Seven

494 10 2
                                    

"Fascinated talaga ako dito sa bahay mo. Para bang mortal sin kung mahahaluan ito ng ibang kulay."

Pangalawang beses na iyon ng pagtuntong ni Cyrus sa bahay ni Maddie. Imbes daw na i-date siya ng binata, ipagluluto na lang daw siya nito ng breakfast at lunch. Nag-abiso na ito na ihanda niya ang mga sangkap na kakailanganin nito. Simpleng ham and egg lang daw ang ihahanda nito sa almusal dahil sa lunch ito magpapakitang-gilas sa pagluluto. Masasabi niya na very persistent ito. Pati yata talampakan niya ay kinikilig sa pagiging sweet nito. Mula ng maging MU sila ay mas naging maalaga ito sa kanya.

"Kung hindi ganitong kulay ang buong bahay ko, baka nabaliw na ako. Ngayon ka lang ba talaga nakakita ng ganito?"

"Yes. At opposite ito ng kwarto ko. My room is all black and blue."

"Very masculine," she commented. "I really love pink things except sa damit ko. Masyado nang OA kung pati damit. And there's one weird thing here. Tuwing umaga, same bus ang nasasakyan ko. That's a pink bus."

"I have something to confess," he said out of nowhere. Umupo ito sa tabi niya.

"Ano 'yun?"

"Ako ang may pakana sa bus na iyon. Kaibigan ko ang may-ari ng bus company na 'yun."
"Ha? But why are you doing this?" Aaminin niya, na-touch siya sa nabatid niya.

"Dahil ayokong nahihirapan kang mag-commute. Gusto kong komportable ka. Ayaw mo naman sumakay sa kotse ko."

"Hindi naman sa ayokong sumakay sa kotse mo. Awkward lang kasi. Boss pa rin kita. Ikaw ang dapat kong pagsilbihan, not the other way around."

"If you want, you can have my car. You drive."

"I don't know how to drive."

"I'll give you a driver."

Hindi niya napigilan ang makaramdam ng haplos sa puso niya dahil sa sinabi nito.
Hinampas niya ito sa dibdib. "Sira. Hindi pa naman ako disabled."

"I know. Nasa iyo pa rin naman ang final decision kung papayag ka. Basta, ayokong makita na nahihirapan ka."

"Ayokong magkautang na loob sa iyo," biro niya rito.

"Sira!" ginaya nito ang salita niya kanina. At akmang hahampasin din nito ang dibdib niya.

"Hey!" maagap siyang lumayo kay Cyrus.

Ang lakas ng tawa ni Cyrus. Pinagtitripan siya nito!

"I don't get it. Mga babae lang ang may karapatang manghampas at manghawak ng dibdib ng lalaki. Kapag guys ang gumawa nun, manyak na kami at pwede pang mademanda."

"Ganun talaga, just accept it. Di ka makakaganti sa akin." Para higit na patunayan dito ang sinabi niya, lumapit siya rito para kurutin ang magkabilang dibdib nito.

"You, little tease."

"Belat! Talo ka dahil hindi mo ako pwedeng gantihan." Tumakbo siya palayo rito.
Sinundan siya nito. Na-corner siya ng lalaki. Napasandal siya sa pader at wala na siyang ibang susulingan para makalayo rito.

"What if gantihan kita ngayon?" Ramdam na ramdam niya ang pagtama ng mainit na hininga nito sa mukha niya.

"Ano'ng gagawin mo? Hahalikan mo ulit ako?" She felt her heart thumping.

"Yes because I can't help it."

Then his lips brushed hers. It was just a plain kiss. Ang mga labi lang nila ang naglapat. But she felt good. It felt magical just like the first time he kissed her. Hindi niya namalayang napapikit siya.

CHASING MADDIE By AnrolsWhere stories live. Discover now